Kabanata 18

1706 Words
“Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan. Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito. Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV. Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin. Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata. Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siya pansinin. Nahabag tuloy siya. Ano bang magagawa niya kung hindi nga siya pinapayagan ng ama nito na lumagpas sa tatlong oras na magkasama silang dalawa o kahit sino sa triplets? Hanggang ngayon nga ay wala paring naiisip na idadahilan si Yasmien kung bakit niya iyon ginawa. Nag-aalala lang siya na baka tuluyang masira ang magandang relasyon niya sa bata at mawalan siya ng kakampi rito sa mansyon. Napanguso si Yasmien. “Sorry na? Sorry na, Lancashire.” Hindi ito kumibo. Sa halip ay kinuha ni Lance ang remote para lakasan ang volume ng TV. Mas humaba ang pagkaakanguso ni Yasmien. Gamit ang hintuturong daliri ay mahina niyang tinusok-tusok ang tagiliran nito para kulitin. “Sorry, Lance, hmm? Huwag ka nang magtampo.” Nakita niya ang pagngiwi ng labi nito. Nagmamatigas na hindi siya tuunan ng pansin. Kinagat ni Yasmien ang ibabang labi bago umaktong muli. “Mommy's sorry, okay? Mommy was just tired… be-because, ano, um, masama ang pakiramdam ni Mommy kahapon, kaya nagpahinga lang sa garden.” Nakita niya ang pagsalubong ng kilay ni Lance, direkta paring nakatingin si telebisyon. “Then, bakit hindi na lang agad sinabi ni Mommy? You made your son worry, looking for you all over the mansion! You’re a bad mommy.” Napasinghap siya ng hangin sa sinabi nito. “Ay…. kasi naman, ano,” nawalan siya ng sasabihin dahil hindi alam kung ano ang ipapaliwanag. Nanlumo na lamang siya nang wala talagang maisip. “Mommy has a brainflux.” pagmamaktol pa ni Lance. “Ano ba kasi ‘yang brainflux-brainflux na iyan? Short-term ba ‘yan ng amnesia?” walang kaideya-ideya niya pang tanong. Napaasik ito. “Brainflux means stupidity. Term ‘yon na kami lang nila Leo at Rence ang gumagamit. And yes, kinokonsider namin na sakit ‘yon.” “...” Kung ganoon matagal na siyang nilalait-lait ng mga bata na tanga-tanga nang wala siyang kamalay-malay at hinahayaan niya lang? Malakas siyang napabuntong hininga. Mukhang hindi gumagana ang pagso-sorry niya, ah? Matagal na nanaig sa pagitan nila ang katahimikan. Hindi talaga siya kinakausap ni Lance. Grabe pala magtampo ang mga bata. Akala niya dahil sa edad nito ay madali lang na suyuin at lambingin. Dahil siguro mataas ang pang-unawa nito, kaya hindi agad nagpapasuyo. May punto nga naman kasi si Lance na bakit hindi na lang siya nagpaalam na magpapahinga kaysa taguan pa ito? Napaisip siya. Edi bakit hindi na lang siya magdahilan sa bata na sa tuwing nauubos na ang tatlong oras nilang magkasama ay ‘magpapahinga’ na siya? Napatango-tango siya sa naisip. Nakangiti niya muling kinausap ang bata. “Lance, sorry na talaga, okay? Mali si mommy. Pangako, hindi ko na ulit gagawin ‘yon. Kapag napapagod na ako sa kulitan natin, sasabihin ko agad.” Mukhang lumambot nang bahagya ang maamong mukha ng bata. Kaya ngingiti-ngiti niya itong hinigit papalapit sa kanya. Nang makitang hindi ito umalma ay natutuwa niya itong kinandog sa kanyang hita at niyakap. “Hmm! Ang bigat-bigat! Big boy na big boy na talaga si Lance!” nanggigigil niyang kiniliti ang tagiliran nito na agad nitong kinalikot. “M-Mommy! No, stop!” napahagikhik ito ng tawa kasabay ng pagpupumiglas. “Aaaahh! Hahaha, stoppp!” “Hahaha!” hindi siya tumigil sa pagkiliti rito hanggang sa gumulong-gulong ito sa malambot na sofa. Sinadya niyang paalisin nang tuluyan ang pagtatampo nito sa kanya at nang tuluyan na silang magkabati. Isa pa’y nakakatuwa pakinggan ang tawa ng bata, kaya’t mas masarap harutin. SAMANTALANG, sa sandaling iyon ay pababa na ng hagdanan ni Lucas at nasaksihan ang eksenang nangyayari sa sala mula sa itaas. Kinikiliti ng babae ang kanyang anak, na ito namang kinakahalakhak nito at pagpupumilit na makaalis sa babae. “M-Mommyyy ayaw ko na pooo!” Sa wakas ay huminto ang babae at niyakap si Lance. “Bati na tayo ulit, hm? Kung hindi pa, kikilitiin ulit kita!” “Yes, yeess!” “Hahahaha! Cute-cute talaga ni Lance! Cute kahit may muta at laway pa sa mukha!” “Aaahhh! Shower lang po ako, Mommy!” “Mamaya na! Kain na muna tayo ng almusal! Hinanda na ng maid ang mga pagkain!” Pinanood ni Lucas nang buhatin ni Yasmien ang anak niya pagawing kusina. Lihim niyang nakuyom ang kamao. Kailan nga ulit ang huling pagkakataon na nakarga niya si Lance sa kanyang mga braso nang hindi ito nagpupumiglas? Hindi na niya maalala. Marahas siyang nagpakawala ng hininga. Hindi na sana niya itutuloy ang pagbaba sa hagdanan para bumalik na lang sa opisina niya sa mansyon, subalit biglang sumulpot si Rence sa kanyang tabi at humawak sa kanyang kamay. Nagliwanag ang mukha niya na niyuko ang anak. Nagtatanggal ito ng muta na tumingala sa kanya at sumenyas gamit ang isang kamay. “I’m hungry,” sumimangot ito. Sumilay ang ngiti ni Lucas sa labi at kinarga si Rence na bumaba ng hagdanan. “Then you have to eat what’s on the table now, okay?” Mas lalo itong sumimangot, subalit tumango-tango parin. Naaantok pa itong yumakap sa leeg niya at sinandal ang ulo. “Why are you still sleepy? Did you stay up all night?” Muli itong tumango. “Why?” Hindi na ito tumugon. Binalewala na lamang niya iyon at nagtungo sa kusina. Inutusan niya pa ang nakasalubong na maid para gisingin sa kwarto si Leo. Nang makarating sa dining room ay inaasahan na niyang nakapuwesto roon sina Yasmien at Lance. Nadatnan niyang sinasandukan ni Yasmien ng pagkain ang anak niya, at nahinto ito sa ginagawa nang makita sila. “S-Sir Lucas!” gulat nitong bulalas. Nabitawan nito ang panandok at napatuwid ng tayo. “M-Mag-aalmusal ho ba kayo? Kung gano’n, kayo na muna ang mauna, mamaya na lang ako…” “Mommy!” nakita naman niya ang pagsalubong ng kilay ni Lance na agad humawak sa dulo ng damit ng babae. “Tayo nauna rito! Sit down po!” “Ah, eh? Sabayan mo nang kumain ang daddy mo, Lance—” “Forget it.” pagpapatahimik ni Lucas dito. Walang emosyon siyang naupo sa katapat na upuan. “Sit down and continue what you’re doing.” Pinuwesto niya si Rence ng upo sa katabi niyang upuan, at pinilian ito ng mga pagkaing madalas nitong kainin. “Eh? Okay lang na kasabay niyo akong kumain, Sir Lucas?” nagtataka pang tanong ng babae s akanya. Kaagad siyang nairita dito at masamang pinasadahan ng paningin. “Shut up.” “O-Okay…” mula sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya itong naupo muli sa tabi ni Lance. “Tsskk! Dapat hindi ka na sumasabay sa amin kumain, Daddy!” matining namang bulyaw sa kanya ni Lance. Hindi niya ito pinansin. Nilagyan na lamang niya ng puting tela sa dibdib si Rence dahil makalat pa itong kumain. “Huy! Bad ‘yun, Lance.” dinig niyang pagsaway ng babae sa anak niya. “Psshh!” “Anong psh? Kumain ka na lang, dali.” Nanahimik ang bata at nagsimulang kumain. Maya-maya pa’y dumating na rin sa dining room si Leo, na isa pang may matining na boses at hilig sumigaw. “Why are you eating together?!” gulat nitong pagsigaw. Napabuntong-hininga si Lucas, tinapik ang kabilang upuan. “Sit here, son.” “Huh, daddy?! Are we one family now with that old hag?!” gano’n na lang kalukot ang mukha ng anak sa sinabi. “Leo, don’t be ridiculous. We’re only eating in peace. Come sit.” istrikto niyang pag-uutos. “Who are you calling old hag!” bulyaw bigla ni Lance kay Leo. “Sino pa ba? Edi ‘yung peke mong mommy!” tugon naman ni Leo. “How dare you?!” tumayo si Lance sa upuan na kinagulat niya. “Lance! Get down!” pagsaway ni Lucas sa anak. “Uy, Lance, umupo ka!” hinila agad ni Yasmien ang bata pabalik sa pagkakaupo nito. “Pikon! Pikon! Pikon kasi totoo!” pang-aasar pa ni Leo. “Leo!” saway ni Lucas. “Don’t start a fight between you two—” “Arrghh!” nagulat si Lucas nang sugurin ni Lance ang kapatid nito. “Why aren’t you taking any hints?! You stupid brother!” “You’re stupid!! Nahawa ka na sa ka-estupidahan ng pekeng mong mommy!” Nagtulakan ang dalawang maliit na bata bilang kanilang pag-aaway. “Ay hala!” napatayo sa pagkabigla si Yasmien. “Tsk!” tumayo rin si Lucas at mabilis na nakalapit sa dalawa para hawakan ang mga ito sa leeg at paglayuin. “Enough! Why are you dimwits fighting over nothing?” “Because of the old hag fake mommy!” Leo “Because he’s mocking mommy!” Lance Nagtitigan ng masama ang dalawa, animo mga mababangis na tuta. Ganoon na lang kalalim ang pinakawalan na hininga ni Lucas. Binalingan niya ng pansin si Yasmien at tinaliman ito ng paningin, na ito namang kinagulat nito. Palaging nag-aaway ang dalawa niyang anak dahil sa babaeng ito. Tama nga ang sinabi ng headmaid. Habang tumatagal ay palala lang nang palala ang alitan ng dalawa at baka tuluyan pang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila. What else can he do to make them stop fighting, kung hindi rin naman sila nakikinig sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD