"Naramdaman mo na ba, sila?"
"Oo. At alam kong marami sila."
Matigas na pagkakasabi ni Zyros kay Thanus. Nakatiim bagang na rin ito na may madilim ng mukha. Nakakuyom na rin ang kanyang mga kamay.
"Kung gano'n, kumilos ka na bago pa nila masira ang kagubatan."
Napatingin si Zyros sa b****a ng kweba kung saan nasa loob si Jackie.
"'Wag ka ng mag-alala sa kanya, ako na ang bahala," sambit nito.
Tumango naman si Zyros bilang tugon sa matanda. Seryoso pa rin ang mukha nito at bakas ang galit sa mga mata.
"Mga pangahas! Pagsisisihan nila ang pagpasok nila dito!"
"'Wag na 'Wag mong susubukan na magpakita sa kanila, Zyros. Dahil kapag nakita ka nila ay hindi sila magdadalawang isip na patayin ka. Alalahanin mo, umibig ka sa mortal."
Matipid na napangiti ang binata sa sinabi ni Zyros. "Alam ko!" Lumapit siya sa matanda at tinapik niya ito sa balikat.
Matapos ang usapan ng dalawa mula sa labas ay sabay na silang pumasok sa kuweba. Naroon pa rin ang dalaga naghihintay sa pagbalik ni Zyros habang nakaupo sa higaan niyang kulay gintong bato. Lumapit ang binata at naupo sa tabi ng dalaga.
"Si Thanus muna ang bahala sa 'yo, ha. Alam ko kasi na natatakot ka kapag umaalis ako, kaya pinapunta ko talaga siya dito," pagsisinungaling nito sa dalaga. Niyakap niya rin ito at hinalikan sa noo.
Lumandas ang mga mata ni Jackie mula sa likod ng binata. At nakita niya ang matanda na nakayo mula roon habang hawak ang kakaibang itsura nitong tungkod na kulay ginto. Nakatingin din ang matanda sa kanya kaya mabilis niyang binawi ang kanyang paningin at ibinaling sa mga mata ng binata.
"Matatagalan ka ba?" malumanay nitong tanong. At sa hindi niya maipaliwanag ay nakaramdam siya ng lungkot.
Hinalikan muna ng binata ang dalaga sa labi bago nagsalita. "'Wag kang mag-alala, hindi ako magtatagal. Saka nandito naman si Thanus, kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanya," wika nito na may malapad na ngiti mula sa kanyang labi.
Muling lumandas ang paningin ni Jackie sa matanda na ngayon ay nakatalikod sa kanila. Pagkatapos ay muli niyang binawi ang paningin at muling ibinalik sa mga mata ng binata.
"S-sige."
Matipid niyang sagot at napayuko. "Kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko pang mag-isa kaysa makasama ang matandang ito!" bulong niya sa kanyang isipan at inirapan ang nakatalikod na matanda.
Ang hindi alam ni Jackie ay naririnig ni Zyros ang sinasabi ng kanyang isipan. Nagtitimpi lamang ito alang-alang sa kanyang kaibigan. Napakapit na lamang siya ng mahigpit sa kanyang tungkod habang pinipigilan ang sarili.
Napangiti na lamang si Zyros dahil sa ginawang pag-irap nito sa matanda. Nang muling ibalik ni Jackie ang paningin niya sa binata ay muli silang nagkatitigan na tanging sila lang ang nagkakaunawaan.
"Babalik lang ako kaya 'wag ka ng malungkot!" Kinuha nito ang isang kamay ni Jackie at dinala niya sa labi niya saka hinalikan. Pagkatapos ay muli nitong ibinaba ang kamay ng dalaga bago tumayo.
Malungkot pa rin na nakatingin ang dalaga sa binata na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa matandang kasama. Tinanguan ni Zyros si Thanus bilang tanda na siya na muna ang bahala sa dalaga.
Matalim munang lumandas ang paningin ni Thanus sa nakaupong dalaga bago rin tumango sa binata bilang pagsang-ayon. Ilang segundo pa ay muling binaling ni Zyros ang paningin kay Jackie na nakatingin din sa kanya.
"Mag-iingat ka, ha," bilin ni Jackie. Matapos sabihin ni Jackie 'yon sa binata ay tumalikod na ito sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kweba. Nang mawala na ang binata sa paningin nito ay nagpakawala ito ng isang malakas na buntonghininga mula sa kanyang ilong.
Nang makalabas na sa kuweba si Zyros ay biglang nanlisik ang kanyang mga mata. Nakakuyom na rin ang kanyang kamao habang may panggigil na nararamdaman sa kanyang sarili. Umilaw na rin ang kulay berde nitong mga mata na may panlilisik habang nakatingin sa kawalan. Ilang segundo pa ay lumabas na ang kanyang matatalim na pangil habang unti-unting humahaba ang mga kanyang kuko sa kamay.
Umiba na rin ang kulay ng maitim at mahaba nitong buhok. Naging magkahalong itim at puti na ang kulay nito. Ang nakangiting mukha kanina bago lumabas ng kuweba ay naging isang mabangis na nilalang. Pagkatapos ay isang malakas na alulong ang pinakawalan niya na tila galit na galit ang yumanig sa kabuuan ng Death Forest.
"Magbabayad kayo!" asik nito sa kanyang sarili at lalong naging mabangis ang kanyang mukha.
Narinig din ni Jackie ang malakas na alulong na iyon kaya nagsumiksik siya sa dulo ng kanyang higaan habang nakakubli ang kanyang mga mata. Binalot rin ng kilabot ang buo niyang pagkatao dahil sa malakas na alulong ng isang tila napakabangis na Lobo. Nakaramdam siya ng matinding takot at pag-aalala para sa binata.
"Kayo na po ang bahala sa kanya, Diyos ko!" bulong nito habang nakatungo sa kanyang mga tuhod at nakayap. Pinikit niya rin ang kanyang mga mata habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Naalala niya kasi bigla ang mga mababangis na nilalang na muntik ng lumapa sa kanya sa madilim na kagubatan.
Isang kisapmata mata lang ay narating na ni Zyros ang lugar sa bundok kung saan naroon ang mga pangahas na pumasok dito. Nagkubli siya sa taas ng puno at pinagmasdan kung ano ang ginagawa ng mga mortal. Nakita niya ang mga malalaking truck na dala nito pati na ang dalawang backhoe at dalawang bulldozer. Abala rin sila sa pagtatayo ng kanilang tent kaya muling napakuyom ng kamao si Zyros.
"Talagang balak niyong magtagal dito, ha!" muling asik niya habang pigil pa rin ang galit na nararamdaman.
Nakita niya sa mga truck ang mga punong kahoy na pinutol ng mga mortal. Kaya lalong siyang nanggigil sa galit at nagpakawala ng tatlong magkakasunod na alulong na muling bumalot sa kabuuhan ng bundok. Madilim na rin ng mga oras na iyon dahil pasado alas-sais y medya na.
"Bilisan niyo naiinip na si Congressman!' singhal ng isang lalaki sa kanyang mga kasamahan. Kaya narinig iyon ng binata.
"Kung gano'n, siya ang may pakana ng lahat ng ito!" muling usal ng binata habang nakamasid pa rin sa kilos at galaw ng mga tao sa baba. Malaya niya iyong nakikita dahil malinaw ang paningin niya kahit sa gabi.
Pinikit ni Zyros ang kanyang mga mata na tila may kinakausap sa kanyang isipan. Bumibigkas siya ng mga salita na siya lamang ang nakakarinig. At ilang segundo lamang ay lumitaw sa baba niya ang apat na naglalakihang lion. Mabilis siyang tumalon papunta sa baba at hinarap ang isang lion. Nang makita siya ng mga leon ay tumungo ito na tila nagbibigay ng respeto mula sa kanya.
Pagkatapos ay lumapit si Zyros sa isang leon na nasa kanyang harapan at hinawakan niya iyon sa ulo. Pumikit naman ang leon nang maramdaman nito ang kamay ni Zyros. Pagkatapos ay idinikit ni Zyros ang kanyang noo sa noo ng isang leon at may binulong. Umilaw pa ang kanyang mga kamay habang nakalapat ito sa ulo ng maamong leon sa kanyang harapan.
Ilang sandali pa ay umatras na siya ng bahagya at hinimas ang ulo nito. Hindi nagtagal ay may mga lumabas pang mga naglalakihang leon sa buong kapaligiran. Umiilaw ang kanilang mga mata sa madilim na sulok habang tila naghihintay lamang sa ipag-uutos ng pinuno nilang leon.
"Kayo na ang bahala sa kanila!" madiing sambit nito sa kaharap na leon. Ang leon na kausap niya ay ang pinuno. Matapos sabihin iyon ng binata sa leon ay ibinilang ng leon ang paningin niya mula sa kanyang likuran. Isa-isa nitong tiningnan ang tatlong nasa likod niya na tila may sinasabi. Ikinikiskis pa nito sa lupa ang kanyang isang paa sa unahan habang pinapaikot ang paningin sa iba pang leon na nakapalibot sa kanila.
Mabangis na umuungol ang pinunong leon sa kanyang mga kasama habang panay pa rin ang kiskis sa lupa ng kanyang isang paa. Mabangis rin na nagsi-ungol ang iba pang leon bilang sagot sa kanilang pinuno. Si Zyros lahat ang nagmamay-ari sa kanila. At ang dalawang leon na umatake kay Jackie na pinatay niya ay muli niya iyong binuhay bago nilisan.