Abot langit ang galit na nararamdaman ni Zyros dahil nabigo siyang mapaalis ang mga mortal. Balak na sana nitong tumalon upang siya na ang umubos sa mga mortal mula sa taas. Subalit isang kamay ang pumigil sa kanyang braso kaya natigilan siya. Mabangis ang mukha niyang binaling ang paningin sa humawak sa kanyang balikat mula sa taas ng malaking puno.
Nakita niya ang pag-iling ng matandang ermitanyo sa likod niya. "Bakit mo ako pinipigilan?! Malagong ang boses nitong sambit sa matanda. Pagkatapos ay pinalis ang kamay ng matanda mula sa kanyang balikat at nagbalak ulit sumugod. Ngunit itinaas ng matanda ang hawak niyang tungkod at lumiwanag ito na kulay berde kasabay ang paninigas ng katawan ni Zyros na hindi na makagalaw.
"Anong ginagawa mo?! Alisin mo 'yan!" madiing singhal nito sa matanda at lalong bumangis ang itsura nito.
"Bumalik ka na sa kweba, wala siyang kasama!" Natigilan si Zyros sa sinabi ng matanda at unti-unting ibinaba ang kamay na nakahanda na sana sa pagsugod. Naalala niya bigla ang dalaga na walang kasama sa kweba at malamang ay takot na takot na.
"Bakit mo siya iniwan?" galit nitong tanong.
"Alam kong gagawin mo ito kay sinundan kita. Sige na, bumalik ka na!" Binaling ni Zyros ang paningin niya sa baba kung nasaan ang mga mortal na sugatan at pumatay sa mga leon na pagmamay-ari niya. Tiim bagang niya iyong tinitigan bago tumungo ng ulo na may kasamang malakas na buntonghininga. Ilang segundo pa ay muli siyang nagsalita.
"Hindi pa ako tapos!" Madiing sambit niya at isang kisapmata lamang ay naiwang nakatiwangwang ang kamay ni Zyros sa ere dahil biglang nawala ang binata. Napatingin din ito sa baba kung saan naroon pa rin ang mga mortal abala sa pagsasaayos ng kanilang gagawin.
Inayos ni Zyros ang sarili bago pumasok sa kweba bitbit ang isang malaking isda. Iyon lang ang hinuli niya para may makain ang dalaga. May iilan din siyang prutas na kinuha upang pagsaluhan nila. Nag-ipon muna ito ng hangin mula sa kanyang dibdib saka pinakawalan sa kanyang ilong. Pagkatapos ay tuluyan na siyang pumasok at kaagad na hinahanap ng tingin ang dalaga.
Napangiti siya ng makita niya iyon na nakahiga habang nakatalikod. Malamang ay mahimbing na itong natutulog kaya inilapag na lamang niya ang dala niyang isda sa isang malapad na bato malapit sa higaan ng dalaga. Pagkatapos ay lumapit siya sa higaan ng dalaga at ilinapag ang prutas na dala niya bago umupo. Hinaplos niya ang nakatalikod na dalaga sa braso nito na may malapad na ngiti sa labi.
Ngunit laking gulat niya ng gumalaw ito at humarap sa kanya. May mga bakas ng luha din ang kanyang mga mata kaya biglang kumunot ang kanyang noo.
"Anong nangyari? Umiyak ka ba? Saka, bakit gising ka pa?" sunod-sunod na tanong nito sa dalaga na may pagtataka.
Mabilis na bumangon si Jackie at mahigpit siyang niyakap. "Salamat at bumalik ka na!" mahinang usal nito sa binata habang pinipigilan ang luha na nais na namang bumuhos.
Natigilan naman ang binata dahil sa biglang pagyakap sa kanya ni Jackie. Naisip niya na baka natakot ito dahil iniwan siya ni Thanus. Kaya pilit siyang ngumiti at dahan-dahang hinaplos ang likod ng dalaga upang mawala ang lungkot nito.
Tuluyan nang pumatak ang kaunting butil ng luha mula sa mga ng dalaga ng maramdaman ang init ng haplos ng binata sa kanyang likod. Subalit ayaw niya iyong ipahalata kaya agad niyang pinalis ng likod ng kanyang kamay ang kaunting luha bago kumalas sa pagkakayakap sa binata.
Hinawakan ni Zyros ang magkabilang pisngi ng dalaga at inilapit ang kanyang mukha na may lungkot sa mata. Mataman silang nagkatitigan ng ilang segundo bago nagsalita ang binata. Gusto niya sanang sabihin sa binata ang mga nalaman niya kanina mula sa matanda, subalit hindi magawa ng kanyang bibig na bumuka. Kaya nanatili lamang siyang nakatitig sa binata na may malungkot na mga mata.
"May problema ba? Bakit parang ang lungkot mo?" tanong nito na bakas ang pangungusap sa kanyang mga mata.
Napapikit si Jackie kasabay ang pag-iling nito na nagsasabing okay lang siya. At nang idilat niya ang kanyang mga mata ay kaagad sinalubong ng halik ni Zyros si Jackie sa mga labi nito. Pumikit ulit ang dalaga ng maramdaman nito ang malambot na labi ni Zyros na lumapat sa kanyang labi. Ilang segundo silang nagtagal ang labi ni Zyros sa labi ni Jackie bago tinigilan.
"May dala akong malaking isda, gusto mo ba, sabay nating lutuin?"
Pilit na ngumiti si Jackie bago tumungo sa binata. "S-sige."
Napangiti naman ng malapad si Zyros dahil sa sagot ni Jackie at muli niya iyong hinalikan sa labi. "Tara!" Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at inalalayang makababa ng higaan. Hawak kamay na tinungo nila kung saan inilapag ng binata ang dala niyang malaking isda. Pagkatapos ay kinuha niya iyon at mabilis na ipinakita sa dalaga.
Pilit pa ring ngumiti ang dalaga kahit ang bigat-bigat na ng kanyang loob. Wala pa rin kasi siyang makitang sagot sa mga katanungan niya.
Makalipas ang halos isang oras na pag-iihaw sa isda ay kaagad na silang pumasok. Matamlay pa rin si Jackie ng habang kumain sila. Minsan naman ay natutulala kaya nagtataka na ang binata sa kanya. Wala naman siyang maramdaman na kaba sa puso ni Jackie ni Jackie. Subalit ramdam niya na may mabigat na bumabagabag sa isipan nito.
Matapos iligpit ng binata ang mga kinainan nila ay pinahiga na nito si Jackie. Alam niya na wala ito sa hulog makipag-usap sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Kaya hinayaan na lang niya ang dalaga hanggang sa lamunin ng antok ang dalaga. Nang mapansin niya na nakatulog na ito ay hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa labi niya. Ngunit nang maalala nito na si Thanus ang kasama nito sa kanya ay muli siyang napatingin sa nakahigang dalaga na may pangamba.
"Hindi kaya, may sinabi si Thanus sa kanya?" Nakaramdam siya ng kakaibang kaba dahil sa kanyang sinabi.
Subalit isang mahinang tinig ang narinig niya mula sa malayo. "Wala akong sinabi sa kanya!" Boses ni Thanus mula sa kanyang isipan. Narinig pala ni Thanus ang sinabi niya. Nang sabihin iyon ni Thanus ay muli niyang binaling ang paningin niya sa dalaga na mahimbing pa ring natutulog. Kahit paano ay nawala ang pangamba niya sa maaaring malaman ng dalaga mula sa kanya.
Ilang minuto pa ay muli niyang ibinalik ang isipin niya sa mga mortal na pumasok sa kanyang teritoryo. Kinakailangan niyang mapaalis ang mga iyon bago nila mapinsala ng tuluyan ang gubat. Kaya nanlisik na naman ang kanyang mga mata at kumuyom ang kamao.