Nang makalabas na si Jackie ay malakas na hangin lamang ang sumalubong sa kanya. Kaya hinimas niya ang kanyang mga braso dahil nagsitayuan na ang kanyang mga balibo sa katawan. At hindi iyon nakakatulong sa matinding takot at kaba na nararamdaman niya. Pinilit niya ilinga-linga sa paligid ang kanyang paningin para hanapin ang matanda, ngunit hindi niya iyon makita.
Tanging malamig na simoy na hangin sa madilim na gabi, at tanging sinag na galing lang sa buwan ang sumasalubong sa kanya. "Saan siya nagpunta? Iniwan niya ba ako? Marami pa akong gustong itanong sa kanya!" Dahan-dahan siyang napaupo mula sa kanyang kinatatayuan at napayakap sa kanyang mga tuhod na nanlalambot pa rin. Namamasa pa rin ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa kilabot na bumabalot pa rin sa kanya.
"Nasaan ka na ba, Zyros?" Muli niyang pinilit tumayo at dahan-dahang humakbang pabalik sa loob na tila biglang nawala sa sarili. Wala siyang kamalay-malay na pinapanood lamang siya ng matanda sa isang sulok habang nakakubli na may malungkot na mga mata.
"Kung nakinig ka lang sana sa 'kin, hindi mangyayari ang mapait na sasapitin ni Zyros!" Pailing-iling nitong usal habang nakatingin pa rin sa b****a ng kuweba kung saan pumasok ang dalaga.
Natigilan sa pagtatayo ng tent ang mga minerong tauhan ni Congressman nang marinig nila ang kakaibang alulong na yumayanig sa kabuuan ng kagubatan. Lahat sila ay nakaramdam ng kilabot sa buo nilang katawan sa narinig. "Ilabas niyo ang mga armas niyo! Kailangan maging alerto kayo dahil hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa 'tin dito!" Kaagad namang sumunod ang mga minero kaya mabilis nilang inihanda ang kanilang mga armas at sabay-sabay na luminga-linga sa paligid. Hindi maiwasan ng iba ang mangatog ang mga tuhod dahil talaga namang nakakatakot ang narinig nila.
Kahit si Berto ay hindi makapaniwala sa narinig kaya napatakbo siya sa sasakyan ni Congressman kung saan ito nakaparada. Inihanda na rin nito ang kanyang mahabang baril para kung may sumugod man ay handa siya.
Kinatok ni Berto ang bintana ng sasakyan ni Congressman na may pag-aalala. Kaagad naman na nagbukas ng binata ang Congressman. Subalit natigilan si Berto nang makita ang Congressman. Hindi kasi nagbago ang itsura nito. Walang kahit kaunting bakas ng takot ang makikita mula sa kanyang mga mata. Nakuha pa nitong salubungin ng may nakakalokong ngiti ang tauhan.
Inayos muna ni Berto ang kanyang sarili bago ito nagsalita. Nakaramdam kasi ito ng kaunting hiya dahil maski siya ay bahagyang natakot. Samantalang ang Congressman ay tila walang narinig sa reaction ng itsura nito. "Ayos lang ba kayo, Congressman?" bungad na tanong ni Berto na may halong pag-aalala at takot dahil sa kakaibang alulong na narinig nila.
Muling ngumiti ng mapait ang Congressman bago nito sinagot ang tauhan. "May dapat ba akong katakutan, Berto?" Makahulugang tanong niya at harap-harapang ikinasa ang kanyang baril na pinasadyang gawin.
Nanlaki naman ang mga mata ni Berto dahil sa tinuran ng Amo. "P-pasensya na, Congrats." Tumungo siya sa baba dahil sa kahihiyan.
"Tama na 'yan!" Binuksan ni Congressman ang pintuan ng kanyang sasakyan at mabilis na lumabas. Napaatras naman si Berto na nakatungo pa rin. Nahihiya kasi ito dahil dapat siya ang matapang, ngunit siya pa itong halos maihi na sa salawal dahil sa kilabot at takot na nararamdaman. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa alulong na yumanig sa buong kagubatan.
Nang makaapak na sa lupa ang Congressman ay luminga-linga ito sa paligid. Maliwanag naman sa dako nila dahil maaga pa lang ay nagkabit na ng ilaw ang mga tauhan nila. At kahit maingay ang generator na ginagamit nila upang magkailaw narinig niya pa rin ang alulong mula sa loob ng sasakyan. Subalit napaghandaan na niya ito kaya hindi na siya tinamaan ng takot.
Iginiya ni Congressman ang mga mata niya kay Berto na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin. Alam niya na mahiya ito sa kanya, sabagay sino ba naman talaga ang hindi makakaramdam ng takot dahil doon. Hinawakan niya sa balikat si Berto at ngumiti. Sa lahat ng tauhan niya, si Berto lang ang pinagkakatiwalaan niya. Kapatid na ang turing niya dito kaya wala nang kaso sa kanya kung may karuwagan mang bumalot sa kanya dito.
Umangat naman ng ulo si Berto at tumingin sa Congressman. Tumango naman ang Congressman na tila sinasabi na ayos lang 'yan. Kaya pilit na lang siyang ngumiti na may pagpapasalamat. Ilang minuto pa ay nagkagulo ang mga minero at sabay-sabay na napaatras.
Kaya nagulat sina Congressman at Berto. "Anong nangyayari?! Madiing singhal ni Berto. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa isang leon na nakita niya mula sa harapan ng mga tauhan niya sa di kalayuan. Kakaiba ang laki ng leon at masasabi mo na hindi basta ordinaryong leon ang nakikita niya. Napakabangis ng mukha nito na handa talagang manlalapa sa sinumang gumalaw.
Maski ang Congressman ay bahagyang nagulat. Subalit isa lang ang nakikita niya kaya nawala ang gulat sa kanyang mga mata at napalitan ng mapait na ngiti. "Mga duwag! Iisa lang 'yan, nagsisi-atrasan kayo!" madiing bulyaw ng Congressman. Subalit nang sabihin iyon ng Congressman ay nagsilabasan pa ang ibang leon sa bawat sulok ng kinatatayuan nilang lahat. At sa tansya nila ay mahigit limang po ang mga ito.
Napalibutan sila ng mga leon habang tumutulo pa ang mga laway nito na tila takam na takam na sa kanila. "Boss, bumalik na muna kayo sa sasakyan! Mapanganib sila!" Madiing singhal ni Berto kay Congressman. Subalit tumawa lamang ng mapait ang Congressman.
"Mga leon lang sila, Berto. May mga armas tayo. Sa tingin mo ba, hindi sila mamamatay sa mga bala natin?"
Natigilan naman si Berto sa sinabi ni Congressman. Sandaling segundong nag-isip si Berto. Pagkatapos ay pasigaw nitong binulyawan ang kanyang mga tauhan. "Ubusin silang lahat!" Matapos marinig iyon ng kanilang mga tauhan ay walang habas nilang niratrat ng mga baril ang mga leon. Subalit tila hindi ito basta-basta namamatay sa iilang putok lamang. Sumusugod na rin ang mga leon at bawat masakmal ng mga ito ay natatangalan ng ulo.
May iilan naman na bumabagsak at mabilis na nawawalan ng buhay dahil sa napakaraming balang tumatama. Mga tunog ng baril at sigawan ng mga tauhan ang maririnig mo sa buong paligid. "Ano na pong gagawin natin, Congressman? Marami pa po sila. Lima na ang namamatay sa mga tauhan natin!" Maya-maya ay nabulaga sila dahil sa dalawang leon na papalapit sa kanila.
Ngunit kalmado pa rin ang Congressman kaya mabilis niyang kinalabit ang gatilyo niya. At isang putok lang ay natumba ang isang leon. Nagpaputok na rin si Berto sa isa ngunit wala itong epekto. Kaya muling kinalabit ni Congressman ang gatilyo at muling bumagsak naman ang leon na halos isang dipa na lang ay makakalapit na sa kanila. Laking gulat ni Berto dahil mabilis na bumagsak ang dalawa. At dahil iyon sa baril na ginamit ng Congressman na talagang pinasadya niya pa.
Hanggang sa tumulong na ang itutok na ng Congressman ang baril niya sa napakarami pang leon na pilit pinabagsak ng kanyang mga tauhan. Lahat ng matamaan niya ay kaagad na bumabagsak. Subalit kapansin-pansin ang pinakamalaking leon na nahagip ng kanyang mga mata. Nakatayo lang ito at hindi sumusugod. Nanonood lang ito sa ibang mga leon na pilit lumapait sa mga tao upang sakmalin at lapain ng buhay.
Kinikiskis pa nito ang isang unahang paa sa lupa habang may mabangis na mukha at nanonood lamang. "Malamang siya ang pinuno!" mahinang sambit nito. Narinig naman iyon ni Berto kaya napatingin siya sa Congressman. Nakita niya na sa ibang direksyon ito nakatingin kaya sinundan niya kung saan ito nakatingin. At nanlaki ang mga mata niya dahil triple ang laki ng leon na nakikita nila kaysa sa ibang leon na pinapatay nila.
"Congressman! Mukhang hindi po siya ordinaryong leon!" Madiing bulyaw nito sa Congressman dahil inaasinta na ito ng baril ng Congressman.
Natigilan naman ang Congressman sa sinabi ni Berto. Kung hindi nga ito isang ordinaryong leon ay baka ito ang uubos sa mga tauhan niya. "Malamang may nagmamay-ari sa kanya. Kung gano'n, uubusin ko sa harap niya ang mga kasama niya para makita ng dalawang mata niya!" Madiin nitong sabi na may malapad at mapait na ngiti.
Muli niyang itinutok ang baril niya sa mga leon na iilan na lang dahil nagsibagsakan na ang iba. Siya na ang umubos ng mga natitira pang leon. Hindi niya napansin na bago pa maubos ang mga leon ay umalis na ang pinunong leon. Kaya nang hanapin niya ulit ng kanyang mga mata ay hindi na niya iyon nakita.
"Wala na siya, Congressman!" sambit ni Berto.
Subalit tumawa lang ng malakas ang Congressman dahil alam niya na magsusumbong na iyon sa kung sino man ang nagmamay-ari sa kanila. Ay iyon ang nais niya. Ang iparating na kahit ilang libong leon pa ang ipadala niya ay hindi sila natatakot. Napatingin siya sa hawak niyang baril na siyang umubos sa mga leon. "Berto, bukas na bukas ay babalik tayo sa lungsod at dadamihan pa natin ang ganitong uri ng bala."
Gawa sa pilak ang bala ng baril niya. At ayon sa mga sabi-sabi ay maganda raw iyong panlaban sa hindi ordinaryong nilalang. Maging ang bampira ay kaya nitong patayin. Hindi nga siya nagkamali.
"Kung gano'n, hindi sila ordinaryong leon lang, Congressman? Kaya ba hindi namin sila magawang patayin basta-basta dahil hindi sila pangkaraniwan?"
"Tama. At hindi natin alam kung ilang libong leon pa ang narito, Berto. Kaya paghahandaan natin iyon. Hindi ako papayag na hadlangan nila ang plano ko."
Sabay nilang pinasadahan ng tingin ang kanilang mga tauhan pati na ang mga patay na leon. May mga dumadaing na tauhan dahil sa sugat galing sa kagat ng leon. At may limang nalagas sa kanila. Lumapit si Congressman sa kanila bago nagsalita.
"Pagpahingahin muna ang may mga sugat! Magpagaling at bukas na bukas ay magdadagdag ulit tayo ng mga tauhan!" Madiin niyang pagkakasabi sa kanyang mga tauhan.
Kaya lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa Congressman at mabilis na sumang-ayon. Inalalayan ng iba ang mga sugatan nilang kasamhan at ipasok sa loob ng ginawa nilang tent para magamot. At sina Congressman at Berto ay bumalik sa kanilang sasakyan. Subalit bago pa lamang sila makapasok ay isa-isang naglaho ang mga patay na leon. Kaya lahat sila ay nagulat maliban kay Congressman na tila alam na mangyayari iyon.