Chapter 26

1210 Words
Isang nakapangingilabot na umaga ang bumalot sa mga minerong tauhan ni Zyros. Kaya nagkagulo sila at kanya-kanyang naghanda dahil tila may umatake sa kanila na hindi nila namamalayan. Tumambad kasi sa kanila ang katawan ng isa sa kanilang mga kasamahan sa harap mismo ng kanilang tent. At ayon sa itsura kung paano ito pinaslang ay hindi ordinaryong nilalang ang may gawa. Wala itong puso at wala rin itong lamang loob. Wala na doon sina Berto at Congressman dahil madaling araw pa lang ay bumaba na sila ng bundok upang magdagdag ng tauhan. Kaya ang mga minero lamang na halos magkanda-ihi na sa takot ang naiwan mula sa gubat. "Maghanda kayo! Bago lang ito nangyari kaya malamang ay nasa paligid lang natin ang may gawa!" Lakas loob na singhal ng isa sa kanila. Kaya tinalasan nila ang kanilang pakiramdam at bawat kaluskos na marinig nila sa di kalayuan ay agad na pinapaulanan ng bala. "Ikaw!" Turo ng isang minero na nakakataas sa kanila sa katabi nitong minero. "Magsama ka ng ilan sa kanila! Suyurin niyo ang paligid, baka hindi pa nakakalayo ang may gawa nito!" Mabilis naman na tumalima sa utos ang katabing minero. Kahit nangangatog ang tuhod nito ay kailangan niyang sumunod. Dahil kung hindi, baka si Congressman ang pumatay sa kanya hindi ang halimaw. Hindi muna sila nagsimulang magtrabaho dahil kulang pa sila sa tao. Karamihan sa kanila ay nasugatan mula sa pagsugod ng mga leon. Kaya nagmasid at nagbantay na lang muna sila sa paligid hanggang sa makabalik sina Congressman at Berto. Napangiti ng mapait si Zyros bago pumasok sa kuweba, dala ang bagong prutas na pinitas niya. "Umpisa pa lang 'yan! Kapag hindi niyo pa nilisan ang lugar na ito ay uubusin ko kayong lahat!" madiing usal niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Matapos niyang sabihin iyon ay inayos niyang muli ang sarili pati ang kanyang mukha. Naghugas na rin siya ng kamay kanina para hindi makita ni Jackie ang dugo mula sa kanyang mga kamay dahil sa brutal niyang pagpaslang sa kalahi nitong mortal. Nabungaran niya ang nakaupong dalaga na halatang hinihintay siya. Nginitian niya ng malapad si Jackie bago lumapit at umupo sa tabi nito. "Kamusta ang tulog mo, maayos naman ba?" Paunang bigkas nito sa walang imik na talaga habang nakayuko. Inangat ni Jackie ang kanyang ulo at pilit na ngumiti sa binata. "Maayos naman," pagsisinungaling nito. Subalit ang totoo ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga sinabi ng matanda tungkol sa kamatayan. "Sino ang tinutukoy niya?" bulong nito sa kanyang isipan habang nakatitig ng malamlam sa binata. "Posible bang itong lalaking nasa harap ko ang tinutukoy niya? Posible ba na si Zyros iyon? Hindi. Hindi, baka nagkakamali lang siya!" Napailing-iling siya na ikinapagtaka ng binata. "Anong problema, Jack?" Kunot-noo nitong tanong na may pagtataka. Napatingin si Jackie kay Zyros na may pamamasa na ang mga gilid ng mata. Pagkatapos ay mabilis siyang napakapit sa braso ni Zyros habang nakatitig sa mga mata nito. "Ikaw ba ang tinutukoy niya? Ikaw ba?" Tila nawala sa sarili si Jackie sa marahas nitong pagyugyog sa braso ni Zyros habang paulit-ulit ang kanyang sinasambit. Nagsisibagsakan na rin ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Laking gulat ni Zyros dahil sa naging itsura ng dalaga na tila takot na takot. Mabilis niyang hinawakan ang dalawang braso ni Jackie at niyakap ng mahigpit. Mukhang alam na niya ang nais ipahiwatig ng dalaga. Kaya napapikit siya habang pilit na pinapaklama ang dalaga kasabay ang paghagod nito sa likod. Ilang minuto sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa kumalma ang dalaga. Nang maramdaman niya na kumalma na ito ay kumalas na siya at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. Mataman niya itong tinitigan at pinalis ng kanyang hinalalaki ang mga luha na kumalat mula sa pisngi nito. "Makinig ka, Jack! Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na masaktan ka!" madamdamin nitong usal sa dalaga na bakas rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Mukhang may nalalaman na kasi si Jackie sa mga nangyayari. "Totoo ba na kamatayan lamang ang naghihintay sa 'tin?" Lakas loob na nitong pagtatanong sa binata na may malaking lungkot sa mga mata. Muling niyakap ni Zyros si Jackie bago nagsalita. "Hindi mangyayari 'yon, Jack, ipinapangako ko!" Hinimas-himas niyang muli ang likod ng dalaga upang lalo itong mapakalma. "P-pero paano kung totoo ang sinabi niya sa panaginip ko? P-paano kung kamatayan lang talaga ang kapalit ng pagpunta ko dito, Zyros? Paano ka? Paano tayo?" "Shhh! Hindi mangyayari 'yan kaya 'wag mo na 'yung iisipin!" Bahagyang kumalma si Jackie at napayakap na rin ng mahigpit kay Zyros. Kahit punong-puno ng takot ang puso niya ay kailangan niyang magtiwala sa lalaking minamahal. Matapos ang madamdamin nilang pag-uusap ay isinama ni Zyros si Jackie sa labas para kahit papaano ay makalimot sa mga mangyayari. Pinasyal niya si Jackie malapit sa kweba nila. Pinili niya kung saan mas maraming naggagandahang tanawin sa paligid para malibang. Hindi nga siya nagkamali dahil unti-unti ng ngumingiti ang mga labi ng dalaga. Kaya kahit papaano ay napapanatag na ang kalooban ni Zyros. At inaasahan na niya matatakot na ang mga mortal dahil sa pananakot na ginawa niya sa isa sa kanilang mga kasamahan. Pumitas ng isang kulay pulang bulaklak si Zyros at agad na lumapit sa dalaga na may malapad na ngiti. Napatingin naman sa kanya ang dalaga na may malapad na rin na ngiti. Nawala na kasi ang pag-aalala nito dahil nalibang na siya sa kagandahang nakikita sa paligid. Iba't-ibang klaseng bulaklak na may halos kumpletong kulay. Pati na ang napakaraming paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak. At ang kakaibang mga puno na matitingkad ang mga dahon na talagang kakaiba sa paningin niya. Maging ang kulay ng sinag ng araw na mala-kahil kapag rumireplika sa paligid. Kapag nakatingin ka naman sa baba ay tila kumikinang na mga diyamante sa kintab ang mga bato na nakapligid sa puno. Kaya halos hindi siya makapaniwala na may ganito kagandang lugar sa mundo. Nang makalapit na sa kanya ang binata ay nakangiti nitong inipit sa tainga niya ang pinitas nitong bulaklak na maski siya ay hindi alam ang kung ano tawag. "Napakaganda mo talaga," mahinang sambit ng binata na halatang may kilig na nararamdaman. Napahawak naman si Jackie sa bulaklak na inipit ng binata sa kanyang tainga at napakagat ng kanyang labi dahil binalot na din siya ng kilig. "Maraming salamat," mahinang sambit din ng dalaga na may malapad pa rin na ngiti. Muling humakbang palapit ang binata sa dalaga at hinawakan niya ito sa baywang. Hinapit niya ito hanggang sa magdikit silang dalawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Jackie dahil kahating dangkal na lang ang lapit nito sa mukha niya. Kitang-kita niya ang nakakalukong ngiti ng binata na lalong nagpapatibok ng malakas sa dibdib niya. At sa pagkakataon na iyon ay narinig na naman ni Zyros ang malakas nitong pintig. Kaya lalong lumapad ang ngiti mula sa kanyang mga labi at dahan-dahang inilapit ang kanyang mga labi sa labi ng dalaga. Ilang segundo lamang ay lumapat na ang labi niya sa matamis na labi ni Jackie. Kaya napapikit na naman ang mga mata si Jackie at sinabayan na lamang ang bawat galaw ng labi ni Zyros. Nag-alab ang kanilang halikan ng mga sandaling iyon sa gitna ng mga nakapalibot na naggagandahang mga bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD