Chapter 34

1006 Words
Matapos umahon sa tubig ay dali-dali niyang pinuntahan ang katawang lupa ni Thanus. Itinapat niya ang dala niyang tungkod galing sa tubig ng buhay sa dibdib ni Thanus. At makalipas ang ilang segundo ay umilaw ito sa magkahalong kulay berde at ginto. Pumasok ang liwanag na iyon mula sa puso ni Thanus. At makalipas ang ilang minuto ay umangat si Thanus sa ere kasabay ang pagdilat ng mata nito. Nasilaw rin siya sa kakaibang liwanag na bumalot sa katawan ni Zyros kaya napatakip siya ng mata gamit ang kanyang isang braso. Nang maramdaman niya na wala na ang liwanag ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata kasabay ang dahan-dahang pagbaba ng braso niya mula sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya sa tumambad sa kanyang harapan. Nakatayo na si Thanus hawak ang tungkod na may malapad na ngiti mula sa kanyang labi. At mas bumata ito ng kaunti at sa tantya niya ay dalawang pung taon ang binawas ng edad niya mula sa edad nitong walong po. Napatakbo si Zyros ng mabilis mula sa kanyang kinatatayuan patungo kay Thanus. Niyakap niya ito ng mahigpit na may sunod-sunod ng pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. "Maraming salamat at bumalik ka!" Abot langit ang saya niya nang muling makabalik ang tao na may ilang dekada niya ring nakasama. "Maraming salamat din at hindi mo ako hinayaang mawala!" Mangiyak-ngiyak na rin na usal ni Thanus kay Zyros. Ilang minuto rin ang tinagal ng yakapan nila bago kumalas sa isa't-isa. At mula ng araw na muling nabuhay si Thanus ay inalam na niya ang tungkol sa katauhan ni Zyros. At habang tumatagal ay lumalawak na ang kaalaman niya pagdating sa hawak niyang kapangyarihan. Maging ang kapalaran ni Zyros ay natutunan niyang basahin. Kalaunan ay itinalaga na rin siya ni Bathala bilang kasama ni Zyros na magbantay sa kagubatan. Nang mahawakan na ni Thanus ang kanyang tungkod ay lumiwanag ito sa magkahalong kulay ng ginto at berde. Unti-unti na ring nawawala ang mga bahid ng dugo mula sa kanyang noo. Maging ang dugo na bahagya niyang nailuluwa kapag umuubo siya ay nawala na rin. Bumabalik na ulit sa normal ang itsura ni Thanus dahil sa kanyang tungkod. Nawala na rin ang sakit ng katawan nito mula sa malakas na pagkakatalsik niya. Ilang segundo pa ay bumangon na ito at maayos na ang itsura niya. Napayuko na lamang si Zyros dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa matandang kaibigan. Hanggang sa maramdaman niya na lumapat ang isang kamay nito sa braso niya. "Bumalik ka na, naghihitay na siya," wika nito sa binata na may malaking lungkot pa rin sa kanyang mga mata. Umangat ng tingin si Zyros mula sa mukha ng matandang kaibigan at bakas pa rin ang pagsisisi nito sa kanyang mga mata. "P-patawad—" Tumango lamang si Thanus bilang tugon sa kanya kasabay ang paghimas nito sa kanang braso ni Zyros. Napayukong muli si Zyros na puno na pa rin ng lungkot ang kanyang mukha kasabay ang dahan-dahan niyang pagtalikod sa matandang kaibigan. Laglag ang balikat nito at tila wala sa sariling lumabas sa kweba ni Thanus. Napalingon pa siya na may bahid pa rin ng lungkot ang mga mata mula sa b****a ng kuweba ng matanda. Pagkatapos ay isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang umalis. Nang matanaw na niya ang b****a ng kanyang kuweba ay dahan-dahan siyang lumakad palapit dito. Naupo muna siya sa gilid ng lagusan at muling nagpakawala ng isang malakas na buntonghininga. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kay Zyros. Bumalik ang kanyang mga alaala niya noong mamatay si Thanus nang makita niya ang kalunos-lunos na itsura ni Zyros kanina. Binalot siya ng matinding takot ng mga oras na iyon. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama kay Thanus. At kahit kailan ay hindi siya iniwang mag-isa ni Thanus mula ng mabuhay itong muli. Wala itong ginawa na ikakasama niya noon pa man. Kaya labis-labis na sakit ang nararamdaman niya ngayon dahil nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. "Nakabalik ka na pala," basag ni Jackie sa malalim niyang iniisip mula sa kinauupuan niya. Mabilis niyang pinalis ang luha na lumandas sa kanyang pisngi at mahinang nagpakawala ng malakas na hangin. Inayos niya rin ang kanyang itsura bago hinarap ng tingin ang nakatayong dalaga mula sa kanyang likuran. "Ikaw pala, Jack. Kumain ka na ba? Pasensya na ngayon lang ako nakabalik," tugon niya sa dalaga at pilit na ngumiti dito sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya. "Hindi pa ako kumakain, hinihintay kasi kita, e." Napansin ni Jackie ang pamumula ng mata ni Zyros at ang pilit nitong pagngiti sa kanya. At kahit hindi sabihin ni Zyros na may mabigat itong dinadala ay ramdam niya iyon. Gusto niya mang tanungin ang binata kung ano ang bumabagabag dito, pero hindi na lang muna niya pinagtuunan ng pansin. "Bakit hindi ka pa kumain? Sana hindi mo na lang ako hinintay." Inabot ni Zyros ang kamay niya sa dalaga at mabilis namang tumalima ito sa kanya. Dahan-dahan niyang pinaupo si Jackie sa tabi niya at isinandal ang ulo sa balikat nito. Kaya lalo tuloy lumakas ang kutob ni Jackie na may dinadala ngang mabigat na problema ang binata. Hinayaan ni Jackie si Zyros mula sa posisyon nito na nakasandal ang ulo sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay niya mula sa likod ng binata at banayad na himimas-himas ang braso nito. Gumuhit rin ang lungkot mula sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kawalan. Kahit hindi sabihin ni Zyros na malungkot siya ay tuloy pa rin siya sa pang-aalo dito. Mahigit kalahating oras na gano'n ang posisyon ng binata habang si Jackie naman ay panay pa rin ang himas sa balikat nito. Nang makahinga-hinga na si Zyros mula sa mga balikat ni Jackie ay nagpasa na siyang yayain ito sa loob para kumain. Buong maghapong naghintay sa kanya ang dalaga kaya alam niya na nagugutom na ito. Hindi tulad na niya nakakaramdam lang ng gutom kapag gusto niya lang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD