Chapter 35

1052 Words
Tahimik na ang gabi subalit malalim pa rin ang iniisip ni Zyros. Nang balingan niya ng tingin ang dalaga habang nakaunan ang ulo nito sa kanyang braso ay lalo lamang dumagdag ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. "Kung totoo nga ang sumpa na sinasabi ni Thanus, paano ko ito mapipigilan?" Sumilay na naman ang malamlam na tingin mula sa mga mata ng binata habang nakatitig sa dalaga. "Talaga bang isa sa dahilan ng parusa ko ay ang biglaang pagpasok ng mga mortal sa teritoryo ko? Kabayaran ko na ba ito sa mga pinatay ko noon? O kabayaran ko sa pag-aalay ko ng buong puso ko sa 'yo?" Hinimas niya nang may pag-ingat ang pisngi ni Jackie. Bakit nangyayari ang lahat nang ito? Bakit naging malaking kasalanan ang magmahal?" Binawi nito ang kanyang kamay mula sa pisngi ng dalaga at dinala niya ito sa kanyang noo. Mahina siyang nagpakawala ng malakas na buntonghininga kasabay ang paghilot niya sa kanyang noo. Gulong-gulo na ang kanyang isipan sa mga nangyayari. Nakakaramdam na rin siya ng takot para kay Jackie. Natatakot siya na baka madamay ito sa kaparusahang naghihintay sa kanya mula sa bathala. Lalong nadaragdagan ang bigat na nararamdaman niya sa bawat oras na lumilipas. Pakiramdam niya ay parang unti-unti nang nawawala ang liwanag ng mundo niya kasama ang babaeng pinaka-iibig. "Paano kung kasama siya sa parusa ko mula kay Bathala?" Napailing-iling siya mula sa isiping iyon. "Hindi. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon! Lalaban ako hanggang sa huling hininga ko! Hindi ako makakapayag na madamay ang isang inosenteng tulad mo, Jack." Muli niyang binaling ang tingin sa dalaga na ngayon ay nakatalikod na sa kanya at mahimbing pa ring natutulog. May isang dangkal na itong distansya mula sa kanya kaya malaya na niyang naigagalaw ang kanyang katawan. Mula sa nakatihayang paghiga ay tumagilid siya at pumaharap sa dalaga na nakatalikod sa kanya. Patay man ang sulo na nagsisinding liwanag sa madilim na kuweba tuwing sasapit ang gabi ay malinaw niya pa ring nasisilayan ang nakatalikod na dalaga. Rinig na rinig niya ang bawat pintig ng puso ni Jackie pati na ang mahina nitong paghinga mula sa pagkakatulog. Maayos na rin ang pintig ng puso ni Thanus kaya nawala na pangamba niya sa nangyari kanina. Muling siyang nag-ipon ng hangin mula sa kanyang dibdib at maingay na binuga sa kanyang ilong. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng hangin na lumalabas sa kanyang ilong. Napapikit na lamang siya ng kanyang mga mata kasabay ang pagkunot ng mga gitling niya sa noo. Subalit agad rin siyang napamulat ng kanyang mga mata dahil sa mga boses na narinig niya. "Talasan niyo ang mga mata niyo! Baka nasa paligid lang ang halimaw na yun!" Dinig na dinig niyang usal ng isang lalaki. At pakiramdam niya ay malapit lamang iyon sa kuweba nila. At sa tantya niya ay marami itong mga kasama dahil sa halos hindi mabilang na pintig mula sa mga puso nila. Pati na ang mga kaluskos ng mga paa nila kapag nakakaapak ng mga tuyong dahon. Binaling ni Zyros ang paningin niya mula sa b****a ng kuweba kaya nagsibagsakan ang mga baging mula sa labas. Tinakpan niya ang lagusan ng kuweba at tanging mga halaman lamang ang makikita kapag nasa labas ka. "Paano sila nakapasok rito? Sagrado ang lugar na ito na may isang kilometro ang sakop?" Napabalikwas siya ng bangon mula sa kanyang iniisip. Palaisipan sa kanya kung paano sila nakapasok sa sagrado niyang lupain. "Talagang ginagalit niyo ako!" madiing pagkakasabi nito mula sa kanyang isipan. Biglang bumangis ang kanyang itsura habang nagsisimula na naman ang panlilisik ng kanyang mga mata. Umiilaw na rin ito sa loob ng madilim na kuweba. Walang kamay-malay doon ang dalaga dahil mahimbing pa rin itong natutulog. At kahit gising pa siya ay hindi niya rin iyon mapapansin dahil limetado lang ang naaabot ng pandinig ng isang mortal. Nagsisimula na ring humaba ang mga kuko niya sa kamay pati ang dalawang pangil niya mula sa kanyang bibig. Ilang segundo pa ay maingat na siyang tumayo na may napakabangis ng mukha. At sa isang iglap lamang ay nasa labas na siya ng kuweba. Sa pagkakataong iyon ay malinaw na niyang naririnig ang magkakaibang dereksyon ng tinig mula sa mga mortal. Samo't-saring bagay ang mga naririnig niya mula sa kanyang kinatatayuan. May mga yabag ng paa sa magkakaibang dereksyon, pati na ang pintig ng kanilang mga puso na binabalot ng matinding takot. Lahat nang iyon ay naririnig niya. Naiwan rin ang amoy nila mula sa kinatatayuan niya. At sa puntong iyon ay alam na niya na nanggaling sa sila sa kinatatayuan niya sa 'di kalayuan mula sa kuweba niya. At base sa naririnig niya ay hindi pa sila nakakalayo. Napangiti siya ng mapait mula sa isiping iyon. "Pagsisihan n'yo ang pag-apak niyo sa teretory ko!" Gamit ang taglay na bilis mula sa kanyang kapangyarihan ay mabilis niyang natunton ang unang grupo na sa tingin niya ay may sampung katao. "Ako ba ang hinahanap n'yo?" bulaga nito mula sa likuran ng mga kalalakihan na halos ay hindi maghiwa-hiwalay dahil sa takot na nararamdaman. Sabay-sabay nilang nilingon na may takot ang tinig mula sa kanilang likuran. Sa tinig pa lang ni Zyros ay binalot na sila ng kakaibang kilabot sa buong katawan. Kaya nang makita na nila ang napakabangis na itsura ni Zyros ay halos maihi na sila sa kanilang salawal. Ikaw ba naman ang makakita ng isang kakaibang nilalang. May mahahabang kuko sa kamay at mabalahibo rin sa katawan. May mga nakausling pangil sa magkabilang taas ng ngipin. Parang isang mabangis na Lobo ang hitsura na may kulay berdeng umiilaw na mata. Kaya namilog na lamang ang mga mata nila at pakiramdam nila ay hindi na sila makagalaw sa matinding takot at kilabot na bumabalot sa kanila mula sa kakaibang nilalang na nasa kanilang harapan. "Bakit hindi kayo makasagot? madiing bulyaw ni Zyros na dumagundong sa kanilang buong sistema. Naihi na rin sa sobrang takot ang isa sa mga kalalakihan at kitang-kita iyon ni Zyros. Ni hindi naalala ng mga kalalakihan na may dala silang baril. Nakatayo lang sila habang namimilog ang mga mata sa takot. Kung dati ay musika sa pandinig ni Zyros ang takot mula sa kanilang mga puso kapag naririnig niya iyon, ngayon ay hindi na. Dahil kahit natatakot sila ay may tapang pa rin silang pumasok sa teritoryo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD