Chapter 11

1020 Words
Napatingin si Zyros sa baba kung saan niya narinig ang tinig na pamilyar sa kanya. "Ikaw pala," wika niya. Mabilis siyang nag-ayos ng kanyang sarili at kaagad na tumalon sa mataas na puno kung saan siya nakatambay. "Anong kailangan mo? Akala ko ba, galit ka sa 'kin," muling saad nito. "Narito ako para muli kang paalalahanan, Zyros. Pakiusap, makinig ka naman sa mga sinasabi ko!" kuno't-noo nitong sambit. Huminga ng malalim ang binata bago nagsalit. "'Wag kang mag-alala, kapag magaling na siya ihahatid ko na siya sa labasan ng gubat," tila mabigat nitong sambit at napayuko. Lumapit si Thanus sa binata at hinawakan niya ito sa balikat. "'Wag sanang sasama ang loob mo sa mga sinasabi ko sa 'yo, Zyros. Alam mo naman na kaligtasan mo lamang ang nais ko." Tinapik-tapik niya sa balikat ang binata bilang pagbigay ng kalakasang loob dito. "Nauunawaan ko," mahinang sambit nito habang nakayuko pa rin. Bakas na bakas din sa kanyang buong sistema ang lungkot na nadarama sa harap ng Ermitanyong kaibigan. "Maraming salamat naman kung gano'n, Zyros. At sana maliwanag na sa 'yo ang lahat," wika pa nito. "Pasensya ka na pala sa inasal ko kanina, nabigla lang ako," hinging paumanhin nito. "Naiintindihan ko," sambit ni Thanus at tumango. "Sige na, aalis na ako," paalam nito. Tumango naman ang binata. At sa isang iglap lang ay nawala na si Thanus. Nang mawala na sa paningin niya si Thanus ay napabuntonghininga na naman siya ng malakas. Ramdam na ramdam sa kanyang presensya ang bigat at lalim ng kanyang iniisip. Gabi na ng makabalik si Zyros sa kuweba. Naabutan niya na natutulog na siya Jackie ng mga oras na iyon. Kaya dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga na may lungkot sa mga mata. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi nito at pinasadahan ng titig ang napakaamong mukha ng dalaga habang nagniningning ang kanyang mga mata. At habang nakatitig siya sa dalaga ay lalo siyang nabibighani sa taglay nitong alindog. Tila isang napakagandang bulaklak ang ang nakikita niya sa kanyang harapan na tila inaakit siya. "Ilang araw pa lang tayong nagkakasama, Jackie. Pero bakit ganito na ang nararamdaman ko sa 'yo?" bulong nito. Maingat niyang dinampi ang kanyang palad sa pisngi ng dalaga at maingat niya itong hinimas pababa sa labi nito. At nang magtapat ang kanyang daliri sa labi ni Jackie ay napalunok siya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. Kaya mabilis niya iyong tinanggal at bahagyang napaatras. "Ano bang ginagawa mo, Zyros?" bulong nito sa kanyang sarili. Hinimas-himas niya rin ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay tila malapit na itong sumabog. Maya-maya ay nakita niyang gumalaw ang dalaga kaya nagulat siya at dali-daling tumayo. "Ano ba kasi ang ginagawa mo, Zyros?" napangiti siya at napakamot na lamang sa kanyang ulo. Pagkatapos ay dahan-dahang tumalikod at naupo sa isang sulok habang nakapako pa rin sa mahimbing na natutulog na dalaga. Samo't-saring bagay ang mga pumapasok sa kanyang isipan habang nakatingin sa dalaga. At sa bawat hangin na pinapakawalan niya ay tila may kung anong bagay ang nakadagan sa kanyang paghinga dahil sa bigat nito. "Sana naging kapareho mo na lang ako, Jackie," bulong niya sa kanyang sarili na may lungkot ang mga mata. Hanggang sa ipikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Subalit kahit nakapikit siya ay rinig na rinig niya pa rin ang malakas na pintig ng puso ng dalaga. Kaya kahit may lungkot siyang nararamdaman ay bahagya pa rin siyang napapangiti dahil sa kanyang naririnig. "Kakaiba talaga kayong mga mortal. Alam ko na sa kabila ng malakas na pintig ng inyong puso ay pwede itong huminto anumang oras." "Malayo talaga kayo sa 'ming mga immortal," dagdag pa nito. Sila kasi, hangga't wala silang ginagawang labag sa kautusan ng mahal na Bathala ay patuloy lamang sa pagtibok ang kanilang puso. Hindi rin tumatanda ang kanilang itsura. Maliban kay Thanus. Hindi kasi purong immortal si Thanus kaya tumatanda siya. Isa pa rin siyang tao na nababalutan ng mahika kaya napapanatili ang lakas ng pangangatawan kahit matanda ng tingnan. Subalit minsan ay napapaisip din siya na parang gusto niya rin maranasan ang tumanda at unti-unting mamatay. Wala kasing katapusan ang kanilang buhay hanggang hindi ito binabawi sa kanila. At kahit masaktan siya ay kusa itong gumagaling dahil sa dugo ng isang imortal na nananalaytay sa kanilang ugat. Hangga't may kapangyarihan sila ay kaya nilang pagalingin ang kanilang sugat kahit gaano pa ito kalalim. Kung tutuusin ay hindi naman talaga sila nakakaramdam ng gutom at pagkauhaw. Siya lang talaga itong pasaway na gustong kumain ng kung anong bunga ng kahoy na maaari niyang kainin. Kinabukasan ay maaga na naman siyang umalis. Tiniyak niya na mahimbing pang natutulog ang dalaga bago niya ito iwan. Nais niya kasi na sa paggising ni Jackie ay meron na itong kakainin. Kaya muli na naman siyang naglibot sa kagubatan at naghanap ng mga sari't-saring prutas para hindi manawa ang dalaga. Pagkatapos niyang mamitas ay naglakad na ulit siya pabalik sa kweba. Para sa paggising ni Jackie ay meron na naman itong kakainin. Natatawa pa siya habang binabagtas ang daan pabalik dahil naaalala niya kung gaano katakaw ang dalaga. At habang naglalakad siya pabalik ay may nakaagaw ng kanyang pansin sa daan. May nakita siyang iba't-ibang uri ng mga bulaklak kaya nilapitan niya ito. Pumitas siya ng isa at inamoy. "Ang bango mo na naman," sambit niya na may ngiti sa labi. Naalala niya kasi ang dalaga ng makita niya ito. Kaya kumuha siya ng iba't-ibang klase at dinala pabalik ng kuweba. Nais niyang pasayahin ang dalaga sa kaunting panahon na pamamalagi nito sa kanyang lugar. Subalit pagpasok niya ay dilat na ang mata ng dalaga at nakasimangot na ito. "Bakit palagi ka na lang umaalis? Bakit palagi mo na lang akong iniiwan dito ng mag-isa?" madiing tanong nito habang nakasalubong ang kanyang mga kilay. Pagkatapos ay umismid ito at nagmaktol sa harap ng binata. Kahit nabigla si Zyros sa tinuran ni Jackie ay napangiti na lamang siya at napakamot sa kanyang ulo. "Ganyan pala magalit ang isang mortal, nakakatawa," pilyong bulong niya sa kanyang sarili habang natatawa pa rin. Subalit narinig ni Jackie ang sinabi niya. "Anong sabi mo? Nakakatawa ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD