Chapter 9

1099 Words
Nasa loob ng kanyang tirahan si Thanus habang nakikiramdam sa paligid. Nakapikit lamang ang kanyang mga mata habang malalim rin ang iniisip dahil sa nangyari. Nang bigla na lamang humangin ng malakas at tumalsik na naman ang libro kung saan niya nabasa ang nakatakdang kapalaran ni Zyros. Kaya bigla siyang binalot ng kaba at dali-dali pinulot ang libro na may panginginig ang kamay. Nang mahawakan niya ang libro ay bigla na lamang itong umilaw at kusang bumukas sa pahina kung saan nakasulat sa mga salita na; Hindi kailan man mapipigilan ang nakatakda. Kaya napaatras siya at nabitawan ang libro. "K-kung gano'n, nagtagpo na ang kanilang mga landas?" tanong nito na bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. "H-hindi. H-hindi maaari!" Mabilis siyang tumayo at kinuha niya ang tungkod niya at nagmadaling lumabas sa kanyang tirahan. Pupuntahan niya si Zyros para balaan. At sa isang kisapmata lamang ay narating na nito ang tinitirahan ni Zyros. "Zyros! Zyros!" malakas na tawag nito sa b****a ng kuweba ng binata. Subalit walang Zyros na lumabas kaya nagtaka siya at pumasok na lamang sa loob. "Zyros, nasaan ka? Ako ito, binibisita ka!" muling sigaw nito. Natutulog ng mga oras na iyon si Jackie, nang may marinig siyang tumatawag sa pangalan ni Zyros. Kaya napabalikwas siya ng bangon dahil sa gulat. Napangiwi pa siya dahil nagkamali siya ng bangon at nasagi niya ang kanyang sugat sa paa kaya sumakit ito. "S-sino 'yon? May iba pa bang kasama rito si Zyros?" Nilingon-lingon niya rin ang binata subalit wala ito. "Saan na naman kaya siya nagpunta? Mukhang may bisita pa naman siya," usal nito at hinintay na lamang na makapasok ang taong may likha ng ingay. Nang makapasok na si Thanus sa loob ay laking gulat niya nang may ibang tao sa loob ng kweba ni Zyros. "S-sino ka, bakit ka narito? Nasaan si Zyros?" sunod-sunod na tanong nito dahil sa pagkabigla. Ngunit ng pasadahan niya ng tingin si Jackie at kabisaduhin ng maigi ay biglang namilog ang kanyang mga mata. Nakita na niya kasi si Jackie noong pasukin niya ang panaginip ng dalaga. At hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. Kaya napaatras siya dahil nahuli na siya ng dating. "I-ikaw? P-paano ka nakapasok dito?" Nagulat at nanlaki naman ang mga mata ni Jackie dahil tila pamilyar din sa kanya ang matanda. Naguguluhan na rin siya dahil sa kakaibang reaksyon ng matanda ng makita siya. "B-bakit po, Lolo? N-nagkita na po ba tayo?" usal niya na may panginginig ng boses. "Imposible. Paano siya nakarating dito? Sagrado ang lugar na ito. Kahit sinong mortal ay hindi ito matutukoy. P-pwera na lang kung si—" Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin sa kanyang isipan dahil alam na niya na ang binata ang kusang nagdala kay Jackie sa kweba. "Hindi ba bi—" Magsasalita pa sana si Thanus subalit biglang dumating si Zyros at may bitbit itong isang patay na baboy ramo. "Narito ka pala, aking kaibigan," masayang bati ni Zyros kay Thanus. Kaya mabilis na hinarap ni Thanus si Zyros at seryoso na ang mukha nito. "Kailangan nating mag-usap!" seryosong usal niya at nilampasan si Zyros saka lumabas ng kweba. Nagkatinginan naman sina Jackie at Zyros na kapwa may mga katanungan sa kanilang mga isipan. "Sige na, sundan mo siya at mukhang mahalaga ang nais niyang sabihin sa 'yo," sambit ni Jackie. Kaya lumabas na rin si Zyros at sinundan si Thanus. Naiwan naman si Jackie na nag-iisip sa naging reaksyon sa kanya ng matanda. "Galit ba siya na narito ako?" bulong niya. P-pero para pamilyar siya sa 'kin. Ang itsura niya, pati ang boses niya." "Hindi, hindi, hindi! Hindi ko pa siya nakikita, at sigurado ako doon," pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili. Ngunit hindi niya talaga makumbinsi ang kanyang sarili. Tila pilit sinasabi at inaalala ng kanyang isipan kung saan niya nakita ang matanda. Samantala, pagbungad pa lang ni Zyros ay kaagad na siyang sinermunan ni Thanus. "Bakit mo siya dinala dito? Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sa 'yo? Isang mortal ang magiging dahilan ng pagkamatay mo, Zyros. At siya 'yon, naiintindihan mo ba?!" singhal nito sa binata. Napayuko na lamang si Zyros dahil alam niya na totoo ang sinabi nito. "Aalis din siya kapag magaling na ang paa niya," malungkot nitong sabi. Subalit iniisip niya pa lang na aalis na si Jackie ay sobra na siyang nalulungkot at nanghihinayang. Kakaibang saya kasi ang nararamdaman niya para kay Jackie sa tuwing nakikita niya ito. "Kung gano'n, ako na ang gagamot sa kanya para makabalik na siya sa pinagmulan niya," sambit nito kay Zyros. "H-ha?" gulat nitong usal. Alam niya na may kapangyarihan si Thanus at kayang-kaya niyang gamutin ang sugat ng dalaga. Subalit kapag ginawa iyon ni Thanus ay babalik na si Jackie kung saan man ito galing. At hindi pa siya handa para doon. "A-ako na lang gagamot sa kanya. Pakiusap, hayaan mo na ako ang gumawa." Subalit biglang naging agresibo si Thanus. Pinipilit niya pa rin na siya na lang para makaalis na kaagad ang dalaga. Ngunit biglang nagalit si Zyros at biglang umilaw ang kanyang mga mata. At isang malakas na tinig ang pinakawalan niya. "Ang sabi ko, ako na?!" malakas na singhal nito at biglang nanlisik ang kanyang mga mata. Nagsimula na ring tumubo ang mahahaba niyang kuko sa kamay. Natigalgal naman si Thanus dahil sa tinuran ni Zyros. At nang tingnan niya ito ay nagbago na ang itsura nito habang nanlilisik na ang mga mata. "Nahihibang ka na, Zyros! Kung hindi mo siya mapapaalis sa lalong madaling panahon, papatayin ko siya!" banta ni Thanus kay Zyros. "Kung iyon lang ang paraan para maputol ang sumpa at hindi ka mapahamak, gagawin ko 'yon!" Subalit biglang nagpanting ang tainga ni Zyros at mabilis niyang sinakal si Thanus. "Subukan mong gawin 'yan, baka makalimutan kong magkaibigan tayo?!" galit na galit na nitong singhal. At tila bigla itong nawala sa kanyang sarili. Ginamit ni Zyros ang mahika niya para makawala sa pananakal sa kanya ni Zyros. At hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng kaibigan niya sa kanya. Sa tanan ng buhay niya ay ngayon niya lamang nakita na nagalit si Zyros ng gano'n. "Nahihibang ka na nga, Zyros." Pagkatapos sabihin iyon ni Thanus ay mabilis itong naglaho. Nang mawala na sa paningin ni Zyros si Thanus ay bumalik na siya sa dati. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay at hindi siya makapaniwala na nagawa niyang saktan ang kaibigan. Kaya napasigaw siya ng malakas at napasuntok sa gilid dingding ng kuweba. Napasapo rin siya sa kanyang ulo at sa hindi niya namamalayan ay tumutulo na rin ang kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD