Kabanata 2

1255 Words
Kinaway kaway ni Heracyl ang kamay niya sa mukha ng kaibigan na hindi umimik dahil sa sinabi niya. "Hoy! Bakit natameme ka diyan ha?" "Gaga ka talaga sa pinakagaga! Waaaaaa! Bakit hindi mo sinabi kanina pa ha? Nakakainis ka naman eh." sabi nito habang hinahampas hampas ang kaibigan "Oh tapos ngayon gaganyan ka? Aba kasalanan ko pa ngayon ha? Sino ba yung matabil ang dila kanina, ako ba? Ako ha? Yan kasi hindi ka nagdadahan dahan! Katarayan pinapairal mo. Halina kana nga malelate na tayo sa sunod na klase natin." aniya sabay hila rito Ang masasabi ko lang ngayon ay boring! Ito ang isa sa klase ko na ayaw kong pasukan kung pwede lang eh. Nakakaantok kasi. Habang nagsisimula ng mag discuss ang teacher namin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang lalaki at isang babae. "O-M-G! Tama ba ang nakikita ko? Hindi ba ako namamalikmata? Kaklase natin sa subject nato ang tatlo sa mga Knights! I'm gonna die!!!" halos mahimatay na saad ng isa kung kaklase. Ngumiti lang sa mga ito ang teacher namin at nagpatuloy sa pagtuturo habang ang tatlo naman at nagsimula ng maglakad papunta sa likod para umupo. Sa kinamalas malasan naman ay sa tabi ko pa naisipan umupo ng bwisit na lalaki na nakasagutan ko kanina. Hindi man lang nagtanong kung bakante paba ang upuan na yun o kaya hindi man lang nagtanong kung gusto ko ba siyang makatabi. Psh! Bakit niya naman gagawin yun? Sino kaba sa tingin mo? Eh hindi mo naman pag mamay ari ang upuan at isa pa siya ang anak ng may ari ng school na 'to kaya pwede siya umupo kung saan niya gusto! - singit ng isip ko Hindi din nagtagal ay natapos din ang nakakaantok na klase namin at ngayon ay tanghalian na. Ayaw kung kumain sa cafeteria dahil baka sumulpot na naman ang mga asungot na sisira sa pagkain ko, kaya bumili na lang kami ng pagkain at agad na umalis doon para pumunta ng rooftop at doon na kumain. Habang kumakain kami ay walang nagtangkang magsalita, dahil siguro sa pareho kaming gutom. Pagkatapos naming kumain ay inayos namin ang pinagkainan namin at nilagay sa basurahan malapit sa hagdan. "Alam kung kanina kapa kating kati na malaman ang tungkol sa Knights at kung sino sino sila. Hindi ko nga lubos maisip na may isang kagaya mo na hindi man lang sila kilala. Hahahaha! Mauna tayo kay Klaev Frox Montereal siya ay anak ng may ari ng University nato. 20 years old at leader ng Knights. Gwapo, mayaman, talented, magaling sa mga martial arts, suplado, snob, masunget yan ang sabi ng karamihan." "Mayabang at mahangin pa kamo! Psh! Akala mo kung sinong umasta. Kasura." pagputol nito sa sinasabi ni Hera "Next is Zariyah Nicole Alcantara and Zachary Axer Alcantara magpinsan ang dalawang yan. Hindi natin madalas makita si Zariyah dahil iba ang kurso niya, habang si Zach naman halata naman siguro na malandi diba? He's the playboy sa kanilang grupo. Pero huwag ka kasintahan niya si Sereny Jane." sabi nito "Teka teka ha! Paanong naging lovers yung Sereny at Zachary? Eh sabi mo playboy yun!" "Oo nga ang kulet! Bagay naman yan sila kasi may pagkamaharot din naman si Sereny." sabi nito Tumango tango naman ako. "Ah ganun, kaya pala. Pareho lang sila." "Sunod naman ay si Jared Lyndro ang balita merong namamagitan sa kanila ni Zariyah. Parehong tahimik ang dalawang 'yan, pero nakakausap mo naman. Magkaklase din sila kasama nila si Savannah. At ang huli si Savannah Cassia , well sabihin na nating siya ang isa sa misteryosa at tahimik din pero huwag ka magaling mag obserba 'yon at siya yung nakakatakot ang awra." Marami pang nagkwento sakin si Hera tungkol sa tinatawag nilang Knights, halatang isa din siya sa mga humahanga sa mga yun. Klaev POV "Naalala niyo ba ang nakasagutan ni Klaev kanina? Grabe noh hindi man lang natinag at ang nakakagulat pa ay hindi man lang tayo kilala." bulalas ni Zach Tapos na ang klase namin kaya sabay sabay na kaming umuwi. Kakarating lang namin sa isang mansion kung saan kami nakatira. No one knows this place, dahil bawal na bawal nilang malaman lalo na ang mga sekretong napapaloob sa bahay nato. " I agree babe, ibang iba talaga siya sa mga babaeng nasa university na yun." segunda naman ni Senery "At isa pa babe ang sexy niya at ang ganda! Pasado siya sa standard ko." dagdag pa ni Zach Agad naman itong binatukan ng kasintahan niya. "Hindi kana nahiya sa pinagsasabi mo! Napakababaero mo talagang hinayupak ka." Nakita ko naman na pababa ng hagdan si Larryx habang seryoso itong nakatingin sa amin. "Aray ko naman babe, ikaw lang naman mahal ko eh" depensa nito Nang makarating si Larryx sa amin ay bigla itong umupo sa tabi ko. "May balita naba?" bungad nito Madalas talagang nakakaintimidate ang lalaking ito. Palagi kasing seryoso at malamig eh. Agad naman natahimik ang mga kasama ko at walang gustong magsalita sa kanila. "Wala pa rin." ako na ang naglakas loob na sumagot Bumuntong hininga naman ito at mapait na ngumiti. "Kailangan na natin siyang makita, hindi siya dapat manatili pa sa mundong ito hindi ito ang totoong mundo at buhay niya. Malapit na ang kaarawan namin pero hindi pa rin siya nahahanap! Hindi na siya ligtas." Tama kayo ng basa, hindi kami normal na tao kundi mga wizards kami. Nandito lang kami sa mundo nila dahil may hinahanap kami at yun ay ang prinsesa na kapatid ni Larryx. Ako si Klaev Frox Montereal isa ding wizard. Habang ang kausap ko naman ay si Larryx Zyle Mckenzie prinsepe ng Majestic World. Kailangan na namin mahanap ang kapatid niya sa lalong madaling panahom, dahil siya ang susunod na reyna ng mundo namin. At dahil nasa wastong edad na siya ay nanganganib na ang buhay niya kung mananatili pa siya dito sa mundo ng mga tao. Itinago kasi siya dito sa mortal world noong maganap ang digmaan sa majestic para na rin sa kaligtasan niya dahil alam ng mga magulang nito na siya ang susunod na mamumuno sa mundo namin. "Huwag kang mag alala Larryx mahahanap natin siya bago pa sumapit ang kaarawan niya. Gagawin namin ang lahat para makita siya." paninigurado ko sa kanya, matalik ko siyang kaibigan kaya ayaw kung mawalan siya ng pag asa. "Sino ang sinasabi niyo kanina? I mean yung pinag uusapan niyo? Mukhang interesado kayo sa taong 'yon." tanong nito "May nakilala kaming babae kanina habang nasa cafeteria kami, ubod ng taray kaya nakasagutan ko. Psh!" kako "Tama! Ni wala nga siyang pakialam sa presensiya nilang anim at ang tapang niya para makipag sagutan kay prinsepe Klaev." biglang sulpot ng guardian of elements "May kakaiba sa kanya, napansin ko 'yon kanina nung kausap mo siya. At isa pa ilang beses kung sinubukan na basahin ang laman ng isip niya pero hindi ko magawa, parang may nakaharang dito." singit ni Savannah Napayuko naman si Larryx. "Kung talagang may napapansin kayong kakaiba sa taong iyon huwag kayong titigil hanggat hindi niyo nalalaman kung tao ba siya o kauri natin. At mas lalong lalong bilisan niyo ang paghahanap sa kapatid ko para makaalis na tayo dito at makabalik sa mundo natin na kasama siya." seryosong anas ni Larryx "Habang hinahanap natin ang kapatid ni Larryx huwag din natin tigilan yung babae kanina para malaman natin kung anong nilalang siya kung kakampi ba o kalaban. We need to get closer to her no matter what it takes." pinal na saad ko sa mga kasama ko na agad naman nilang tinanguan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD