Kabanata 3

1394 Words
Maagang natapos ang klase namin at hindi ako sumabay kay Hera umuwi dahil may pupuntahan pa ako. Nandito ako ngayong sa lugar kung saan ang paborito naming puntahan ng mga magulang ko noon. Ito yung lugar na puno ng masasayang alaala na meron kaming magkakasama at dito din sa lugar na ito ang isa sa pinakamasalimuot sa pangyayari sa buhay ko, dito sila pinatay ng wala man lang kalaban laban. Hindi ko na napigilan ang mga luha kung kanina pa gustong kumawala. Halos manginig ang mga kamay ko ng maalala ang lahat ng nangyari noon. Hindi ko mapigilan ang magalit sa taong may gawa nito sa kanila at pinapangako ko sa lugar na to na hahanapin ko ang may gawa nito sa kanila at pagbabayarin ko. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nila na hindi ko pa nakukuha dahil kahit ang mga pulis noon ay walang ginawang aksyon. Noong nangyari yun at kinausap nila ako, sinabi ko lahat lahat ang mga nakita ko pero hindi man lang nila ako pinaniwalaan, iniisip nila na nababaliw na ako o kaya malaki ang trauma na nabigay sakin ng pangyayari kaya kung ano ano na daw ang mga lumalabas sa bibig ko na hindi kapani-paniwala. Isang linggo na lang ang kaarawan ko na naman, sampung taon na ang nakakalipas nung mawala sila at hindi ko na sila nakakasama lalo nasa mahalagang pangyayari sa buhay ko. Hindi din ako nagtagal sa lugar na yun dahil hindi ko na kaya ang manatili pa doon. Ang lugar na dati'y nagsisilbing kasiyahan ko kasama sila ay lugar na ngayon ng pighati at kalungkutan ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na para umuwi, baka hinahanap na ako ng kaibigan ko at mag alala pa sakin yung pag nagtagal pa ako. Nang makarating na ako sa condo kung saan kami nakatira na dalawa ng kaibigan ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Bigla naman itong tumingin sakin ng makitang nandito na ako. "Bakit ngayon ka lang? Kumain kana diyan nandiyan nasa lamesa ang pagkain. Nauna na akong kumain kasi ang ang tagal mo eh." sabi nito at binalik ang tingin sa pinapanood. Agad naman akong pumunta sa lamesa kung saan may nakahanda ng pagkain at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga ito at sinaluhan ang kaibigan kung manood ng tv. FASTFORWARD Montereal University Nandito na kami ng kaibigan ko sa silid namin dahil magsisimula na ang klase namin sa unang subject. Sa totoo lang inaantok pa talaga ako dahil anong oras na kami nakatulog kagabi kakapanood ng k-drama, hindi ko nga alam kung bakit si Hera eh hindi man lang mahahalatang puyat mukhang sanay na ito. Mabilis natapos ang klase namin sa subject na yun. Agad kung inayos ang mga gamit ko para lumabas na kami. Akmang maglalakad na sana ako kasabay ni Hera ng bigla akong higitin ni Klaev. Ano na naman kayang problema ng pesteng lalaki nato! "Hoy bakit ka nanghihila ha? Saan moko dadalhin hinayupak ka!" sigaw ko habang binabawi ang mga kamay ko. Pero ang bwisit ayaw niyang bitawan At dahil sa inis ko agad ko siyang kinagat dahilan para mabitawan niya ang kamay kung hawak niya. Agad naman ako tumakbo pabalik kay Hera at hinila ito para umalis. Napasabunot na lang si Klaev dahil hindi niya na nahabol pa ang dalaga. Agad naman dumating ang mga kaibigan niya. "Asan na yung babae? Naisama mo ba?"- sabay na tanong ng magkasintahang Zack at Senery "Tsk! Hindi, bigla akong kinagat at saka mabilis na tumakbo" inis na turan ni Klaev "Ano ba kasing ginawa mo ha? Baka naman hindi mo kinausap ng maayos at pinilit mo?" sabi pa ni Zach "Alam ko na! Kami na lang ang bahala kumausap sa kanya. Kaminh nila Sav at Zari." biglang singit ni Senery "Bakit hindi na lang si Zariyah ang isama mo? Huwag mo na idamay si Savannah alam mo naman yung babae na yun." pigil ni Jared Agad naman siyang binatukan ni Sav dahil sa sinabi. "Ang kapal talaga ng mukha mo noh! Ano akala mo sakin masama ha?" angil nito At bago pa magbangayan ang dalawa ay hinila na ni Senery si Sav para umalis, agad namang sumunod sa kanila si Zariyah. Agad na pumunta ang tatlo sa cafeteria dahil sigurado silang dito nila makikita ang dalawa. Pagkapasok pa lang nila sa loob ay samu't saring bulungan na naman ang narinig nila. Hindi na sila nagtatala dahil alam naman na nila kung bakit. Agad silang dumiretso sa counter para umorder ng makakain at ng makaorder na sila ay luminga linga muna sila kung saan may bakante pang upuan pero wala silang nakita dahil masyadong puno. Ayaw naman nilang makiupo sa ina dahil siguradong magpapapansin lang ang mga ito. Nakita nila sila Callien na kumakain at napansin nilang may bakante pang apat na upuan sa pwesto ng dalawa. Agad silang nagtinginan at naglakad papalapit sa mga ito. Nang makalapit na kami sa pwesto nila ay patuloy lang silang kumakain, mukhang hindi nila napansin ang paglapit namin. "Hi pwedeng makiupo? Wala na kasing bakante eh."- wika ni Zariyah "Oo naman pwede." ngiting sagot ng kaibigan nito na Heracyl yata ang pangalan. Agad naman kaming umupo na tatlo sa kanila at nagsimula na ding kumain. "Magkaklase naba kayo simula noon?"- biglang tanong ni Sav "Hindi, pero matagal na kaming magkaibigan." sagot ni Callien "Ang galing naman kung ganun."- kako "Oo, siya lang talaga ang naging matalik kung kaibigan wala ng iba. At isa pa sa kanila na ako tumira simula nung mamatay ang mga magulang ko." anas ko "Patay na pala ang parents mo?" interesadong saad ko Agad namang naging awkward ang atmosphere sa amin dahil sa sinabi ko. Biglang nagsalita si Zariyah para mawala ang awkwardness na lumukob sa amin kaya naiba ang topic. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin na ayaw nilang magkaibigan pag usapan ang tungkol sa magulang ni Callein. Natapos kaming kumain at mabilis kaming tatlo nagpaalam sa dalawa na mauuna na kami. Kailangan na namin bumalik sa mga kasama namin dahil paniguradong hinihintay na kami ng mga iyon. Pumunta kami sa Principal's Office dahil alam kung nandun ang tatlo. Pagkapasok pa lang namin ay naabutan namin silang may hawak na mga papel. "Oh ano ang mga iyan?" tanong ko "Tiningnan namin ang files nung dalawang magkaibigan at nakita naming sabay ang kaarawan nila sa susunod na araw at hindi lang yun ang petsa ng birthday nila ay katulad ng kay Larryx." sabi ni Jared "Kayo nakausap niyo ba?" tanong ni Zach "Kasabay namin silang kumain kanina. Nabanggit ni Callein na patay na ang mga magulang niya, pero nung nagtanong ako biglang nag iba ang atmosphere sa amin. Mukhang ayaw niyang pag usapan." sagot ko "Kung bibilangin mo si Callein ay 20 years old at si Larryx ay 22 years old. Magkatulad sa edad ng nawawalang kapatid nito." Zach burst out "So ang hinala niyo si Callein ang kapatid ni Larryx dahil lang sa magkapareho ng birthday at umaayon sa kanila ang edad?" tanong ko "Pwede."maiksing sagot ni Jared "Hindi natin pwedeng sabihin ng ganun ganun na lang! Nakita at nabasa niyo na ang ang files diba? Yung kaibigan niya kapareho din nila. Kaya hindi tayo nakakasigurado. Hindi tayo pwedeng basta basta magconclude." giit ko Ayaw ko lang na magkamali kami ng hinala ng wala pang patunay talaga, ayaw kung umasa at masaktan ang matalik kung kaibigan. Alam ko kung gaano na kagustong makita ni Larryx ang kapatid niya. "May kakaiba din sa kaibigan niya." biglang sabat ni Sav "See? Kaya hindi tayo pwedeng magpadalos dalos! Hanggat hindi tayo nakakasigurado mahirap na baka dark wizard pa pala." kako Bigla namang dumating si Larryx na may dalang makinang bagay. "Gamitin niyo itong singsing para mas madaling malaman kung sino ang kapatid ko." aniya sabay pakita ng singsing at pagkatapos ay binato ito sa akin. "Matagal na nasa akin ang singsing na iyan. Lumalabas lang ang kapangyarihan niyan pag hawak ng tagapagmana at iilaw lang iyan pag nasa kamay na ito ng totoong may ari." pagpapaliwanag niya "Pero paano namin mapapasuot iyan sa kanya? Baka mahirapan kami. " tanong ni Senery "Kahit hindi niyo ipapasuot iyan sa kanya malalaman niyo pa rin kung siya talaga ang kapatid ko dahil iilaw yan." wika ulit ni Larryx Napatango naman kami ng maintindihan namin ang sinasabi ni Prince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD