MONTEREAL UNIVERSITY
"Hi Callien and Heracyl." bati ng dyablo este ni Klaev
"Oh hi, Klaev." sagot naman ni Hera
Tiningnan ko lang siya at iniwas ang tingin ko rito.
"Alam mo Yendrinna, maganda ka sana pero ang taray mo eh." anito
Napataas naman ang kilay ko.
"Don't you ever call me Yendrinna!" madiin na turan ko na ikinagulat niya
"Yendrinna,- hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tumayo na ako at tiningnan siys ng masama.
"Alam mo Klaev antipatiko kana nga hindi kapa marunong umintindi! Alin ba sa sinabi kung huwag mo akong tatawagin ng Yendrinna ang hindi mo magets, ha?" sigaw ko at tumakbo papalabas ng classroom
Bakit ba ang hirap niyang makaintindi! Ayaw ko nga na tinatawag akonsa ganoong pangalan eh.
KLAEV POV
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw at pagtakbo ni Callein, hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagalit nung tinawag ko siya sa pangalawang pangalan niya.
"Sana sinunod mo na lang ang sinabi niya, ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ng Yendrinna dahil naaalala niya lang ang namatay niyang mga magulang." biglang nagsalita ang katabi kung si Heracyl
"Namatay na ang mga magulang niya?" tanong ko
Tumango naman siya." Pinatay sila, walang naniniwala sa kanya noon dahil walang makitang ebidensiya ang mga pulis." pagpapatuloy niya
Tumango naman ako kahit naguguluhan ako, noong una akala ko talagang namatay lang ang mga magulang niya, ngayon ko lang nalaman na pinatay pala ang mga ito.
Callein POV
Nandito ako ngayon sa garden ng Universiry, buti pa dito maaliwalas at tahimik. Nakatingin lang ako sa paligid pati sa mga iilang estudyanteng dumadaan at yung iba naman ay nakaupo sa mga bench na meron dito.
Nasa malalim akong pag iisip ng bilang may sumulpot sa harap ko, kasamahan siya ng tinatawag nilang Knights dito si Savannah, ngumiti siya lang sa ng tipid sa akin at biglang naupo sa bench na malapit sakin.
"Bakit mag isa ka? Wala yung mga kaibigan mo." tanong ko
Agad naman dumako ang tingin niya sa akin. "Kasama ko sila kanina, pero dumaan muna ako dito trip ko lang. Eh ikaw bakit ka nandito?" usal niya
"Nagpapahangin lang at nag iisip isip ng mga bagay bagay." sagot ko ng nakapikit
Bigla naman itong tumayo. "I need to go Callein, hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." nakangiting paalam niya
Tumango lang ako at nanatili pa doon ng ilang minuto ng bigla kung maalala si Hera, hindi ko pala siya nabalikan kanina nung umalis ako.
Agad akong tumayo at umalis sa garden para hanapin ang kaibigan ko.
Dumiretso na ako sa classroom namin pero hindi ko siya nadatnan doon, nag ikot ikot din ako sa buong University pero ni anino niya hindi ko nahagilap. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa pinakadulo ng University, walang masyadong estudyante dito dahil masukal ang lugar na ito, maraming mga puno na parang gubat na kung tingnan.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong tao na nakahiga sa na halatang walang malay. Agad akong lumapit dito para tingnan kung sino at nagulat na lang ako ng makilala ko ito. "Heracyl!" gulat na bulalas ko
Nakita kung parang may itim na usok na pumapalibot sa katawan niya. Nakaramdam ako ng takot para sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nakikita ko ngayon itim na anino na parang usok. At dahil sa pagsigaw ko ay nalipat sa akin ang atensyon ng anino na yun.
Pilit akong sumisigaw pero pakiramdam ko ay walang boses na lumalabas sa akin. Naiiyak na rin ako sa takot para saming dalawa ni Hera.
Ito naba ang katapusan namin?- isip ko
Akmang aatakehin ako ng itim na anino ng biglang may humarang sa harap ko. I saw Klaev!
May binubulong siya na hindi ko maintindihan kung ano basta nakita kung nag ilaw ang singsing na suot niya. Napapikit ako dahil sa liwanag na nagmula sa singsing nito na nakakasilaw at pagdilat ko ng mga mata ko ay wala na rin yung kaninang itim na anino na nakita ko.
"Callein." pagtawag niya sa akin
Ngunit umatras lang ako papalayo sa kanya. "Si-sino ka? A-ano ka? Ba-bakit mo nagawa iyon? At a-ano yung ilaw na lumabas sa singsing mo? Pa-pati yung a-anino?" nauutal na tanong ko
Mabilis akong lumapit sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"I can't answer your question for now. We need to be sure Callein." seryosong turan nito. Nakita ko pa siyang may sinasabi, magsasalita pa sana ako pero huli na dahil nakaramdam na ako ng pagbigat ng mga talukap ko.
Klaev POV
Nakita ko siyang nawalan ng malay matapos ko siyang gamitin ng kapangyarihan. Alam kung masyado siyang naguguluhan sa mga nasaksihan niya ngayon at kahit gusto ko mang sagutin ang mga tanong niya ay hindi maaari, hindi pa sa ngayon hanggat hindi pa kami sigurado kung isa ba talaga siya sa amin.
Kailangan namin mag ingat at makita ang prinsesa bago pa sumapit ang kaarawan nila, marami ng dark wizzard na nandito sa mundo ng mga tao para hanapin rin ito, kaya hindi na siya ligtas sa lugar na ito.
Inayos ko ang pagkakahiga nilang dalawa sa damuhan, hindi ko sila kayang dalhin na dalawa at mas lalong hindi ko pwedeng iwan ang isa sa kanila. Mahirap na at baka isa sa kanila ang tunay na prinsesa at balikan pa sila mga kasamahan ng anino kanina.
Huli kung inayos ang pagkakahiga ni Callein ng may mapansin ako sa kanyang birthmark na malapit sa pusod niya. Hindi ako pwedeng magkamali, pag mamay ari ng mga Collins ang ganitong birthmark! Bigla kong naalala ang binigay na singsing ni Larryx na magpapatunay kung ito nga ang totoong prinsesa, dali dali ko itong kinuna sa bulsa ko at tama nga ang kaibigan ko nagliliwanag ito, pero hindi ko pa rin alam kung sino sa kanila ang may ari dahil pareho ko silang katabi. Kaya naisip ko na ipasuot ito kay Callein habang tulog pa. Mas tumingkad pa ang liwanag nito at biglang nagbago ng kulaya at may lumabas na simbola na natitiyak kung sa mga Collins.
Napangiti ako ng mapagtantong nakita ko na kung sino ang prinsesa. Nasa ganoong posisyon ako ng mapansin kung nagmulat ng mga mata si Heracyl.
"Klaev anong nangyari? Bakit natutulog si Callein?" naguguluhang tanong nito na parang hindi alam na pati siya ay nakatulog din.
Umiling na lang ako at hindi sinagot ang tanong niya. Agad kung binuhat si Callein na ikinalaki ng mga mata ni Heracyl.
Mabilis siyang tumayo para pigilan ako. "Hoy, teka saan mo dadalhin ang kaibigan ko, ha?" sabi niya habang nakahawak sa braso ko
"Don't worry wala akong gagawing masama sa kaibigan mo. May kailangan lang kaming puntahan." kako
"Puntahan? Saan? Hoy! Ano baaaa! Bitawan mo si Callein." sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin at iniwan doon.
Isinakay ko sa kotse si Callein at mabilis na nagmaneho. Nang makarating kami sa mansion kung saan kami namamalagi ay mabilis kung binuhat si Callein.
Habang papasok ako ay nakasalubong ko si Jared. "Anong nangyari? Bakit dala mo siya?" tanong nito
Agad namang napatingin sa pwesto namin sina Zariyah at Savannah.
Napadako naman ang tingin ni Zariyah sa singsing na ngayon ay nasa daliri ni Callein."Iyan ba yung singsing na binigay ni Larryx? Bakit nag iba ang kulay niyan at simbolo?" takang tanong ni Savannah
"Mamaya ko na ipapaliwanag tawagan niyo na iba pa na wala dito at pauwiin na ngayon din." utos ko
Inakyat ko muna si Callein sa kwarto ko para doon ihiga habang hindi pa ito nagigising. Tiyak na magwawala ito mamaya pag nalaman na wala siya sa bahay nila.
Nang maihiga ko na si Callein ay lumabas muna ako para puntahan si Larryx sa kanyang kwarto.