Agad namang nagtungo ang binata sa silid ng prinsepe para sabihin sa kanya ang magandang balita. Kakatok na sana siya ng mapansing bukas ito kaya dumiretso na lang siya ng pasok. Naabutan niyang nagbabasa ito.
"Larryx, halika may ipapakita ako sayo." anas ko
Kumunot naman ang noo nito. " What is it?" tanong niya
"Basta sumama kana lang sa kwarto ko." kako at naglakad na palabas habang siya naman ay sumunod na rin
"Sino yan?" tanong niya ng makapasok sa kwarto ko
"Ang prinsesa na hinahanap natin, ang kapatid mo." nakangiting turan ko
Nakatitig lang siya kay Callein ng hindi man lang nagsasalita. Nakita ko naman na napadako ang tingin niya sa daliri nito at tinitigan ng mabuti ang singsing.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ng prinsepe namin. Dahan dahan siyang naglakad papalapit kay Callein na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon.
Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang singsing na nasa daliri nito. "Nagbago ng kulay at nagkaroon ng simbolo ang singsing, simbola na nagpapatunay na siya nga ang prinsesa." paninigurado nito
Bumaling naman ito ng tingin sa akin. "Salamat Klaev, pwede mo ba muna kaming iwan ng kapatid ko?" nakangiti nitong wika
Agad naman akong tumango at naglakad na papalabas na kwarto, masaya ako para sa matalik kung kaibigan dahil alam ko kung gaano siya nangungulila sa kanyang kapatid at kitang kita sa mukha niya ang labis na kasiyahan.
Pagbaba ko ay nadatnan ko silang lahat na nasa sala na halata mong hinihintay ako. "So, anong nangyari? Kasama mo daw si Callein sabi ni Jared. Bakit?" tanong ni Senery
Umupo muna ako at nagsimulang ikwento ang nangyari kanina at kung paano ko nalaman na si Callein ang hinahanap namin.
Larryx POV
Labis ang kasiyahan ang nadarama ng prinsepe habang pinagmamasdan ang kapatid na mahimbing na natutulog.
Sa wakas nahanap na din kita. - isip nito habang patuloy sa pag agos ang mga liha sa kanyang mga mata
Agad namang nagising ang dalaga sa pagkakatulog at halatang nagulat sa presensiya niya."Si-sino ka? Bakit ako nandito? Ka-kaninong bahay ito?" kinakabahang tanong nito na ikinatawa niya
"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?"dagdag pa ng dalaga
"Nasa mansion ka kung saan kami nakatira."sagot ko
"Ma-mansion? Kanino? Teka, sino kaba?" saad niya
Agad naman tumayo sa pagkakaupo si Larryx at nilahad ang kanyang kamay. "I'm Larryx Zyle Collins, your brother."
Bigla namang nanlaki ang mata ng dalaga. "Hoy kung sino ka man, huwag mo nga akong pinagloloko. Anong kapatid pinagsasabi mo, ha?" histerikal na anas nito
Napahilot naman ng kanyang sentido ang prinsepe, inaasahan niya ng ganito ang mangyayari. "Nagsasabi ako ng totoo Callein, magkapatid tayo." seryosong sabi ko
Agad naman siyang natahimik saglit bago magsalita. "Pa-paano mo nasabing kapatid kita? Eh ngayon lang kita nakita." nakataas kilay na wika nito
"Iangat mo ang damit mo malapit sa pusod mo diba may birthmark ka? Alam mo bang ang simbolo na yan ay pag mamay ari ng mga Collins." kako
Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at nakita niya ang birthmark niya at ang sa akin ay magkatulad.
"Kahit na! Madaming tao sa mundo ang may mga birthmark. Paano mo nasasabing sa Collins lang meron ang ganito?" tanong niya pa
Napailing na lang ako, she's smart!
"Alam kung hindi ka maniniwala agad, kaya ipapakita ko sayo ang nakaraan."
Bigla naman napansin ng dalaga ang singsing na suot nito. Tinanggal niya ito sa kanyang daliri at tinitigan ng mabuti.
"Hindi ko maintindihan, paanong ipapakita mo ang nakaraan?" naguguluhang tanong nito
"Isa lang ang sagot diyan, dahil hindi tayo normal na tao at hindi ito ang mundo natin Callein." pagpapaliwanag ko
"Anong pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba? Anong hindi tao at hindi natin mundo to." wika niya
"Sa Majestic World ang totoong tirahan natin at hindi dito sa mundo ng mga tao. Hindi tayo tao Callein, mga wizard tayo." seryosong saad ko
Nakita ko itong umiling na parang hindi makapaniwala. "Tell me am I dreaming? Kanina sabi mo magkapatid tayo, tapos ngayon wizard naman at sa majestic world tayo nakatira? Naguguluhan na ako." bulalas niya
Alam kung masyado na siyang naguguluhan.
Bigla naman akong tumayo at pinakita sa kanya ang isang kakayahan ko. Wala na akong choice kung hindi ang gawin ito para mas madali siyang maniwala.
Pinagalaw ko ang mga halaman na naroon, nakita kung halos manlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.
"Ngayon sabihin mong nagbibiro ako." usal ko
"Pa-paano ako, magagawa ko din ba iyan?" mahinang tanong niya
"Magagawa mo din iyan, hindi lang yan ang kaya mong gawin. Malalaman mo din pag lumabas na ang tunay mong kapangyarihan." paninigurado ko at nakita ko naman itong tumango habang bumalik sa pagkakaupo sa kama ni Klaev
Agad ko naman siyang nilapitan at nilahad ang kamay ko. Nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Sumama ka sakin, bababa tayo para makilala mo ang mga kasama ko."
"Ma-may kasama kapa?"
Tumango naman ako bilang sagot. "Kilala mo na sila dahil nakakausap mo sila. Kaya lang naman nandito kami sa mortal ay para hanapin ka." sabi ko ay sabay na kaming bumaba
Nang makababa na kami ay bumitaw ito sa pagkakahawak sa akin at pinagmasdan ang mga taong nasa sala. Biglang nanlaki ang mga mata nito ng makilala kung sino ang mga ito. "Ka-kasamahan mo sila? Hindi din sila mga tao?" bulalas niya
"Callein! I'm Zachary Axer Stone and this is my cousin Zariyah Nicole Stone." sabay turo nito sa katabing babae
Akala ko noong una ay magkapatid sila, yun pala magpinsan lang.- isip nito
"Senery Jane Hawkins." pagpapakilala naman ng isang nasa tabi ni Zariyah
"Jared Lydro Fontanilla." sabat nung isang lalaki na nakatayo
"Tama ka ng iniisip mo, hindi nga kami mga tao kagaya mo." saad ni Klaev sabay pakita ng singsing na suot nito
Naalala ko ang nangyari kanina at ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.
Pinaliwanag nila ang lahat sa akin, kahit na naguguluhan ako ay pinipilit kung intindihin. Sino ba naman kasing maniniwala diba? Ako isang wizard tapos prinsesa pa? Tapos anak pa ako ng reyna at hari. Sino ang hindi magugulat sa mga rebelasyon na yan.
"Gaya ng sinabi ko sayo kanina Callein, ipapakita ko sayo ang nakaraan." biglang singit ng kapatid ko
Nakita ko naman na tumayo si Zariyah at parang may sinasabi na biglang umilaw ang kanyang singsing. Noong una ay nagtataka ako kung bakit ganito ang gamit nila at hindi wand gayong wizard sila, at pinaliwanag naman nila sa akin na may wand talaga sila dahil sa magic nagawa nila itong itago at palitan ng anyo para hindi malaman. Tama nga naman sino ba naman kasing gagamit ng wand sa mundo ng mga tao.
Bigla na lang nakaramdam ako ng kakaiba sa pwesto kung saan ako nakatayo, nakita kung nag iba ang lugar para akong bumalik sa nakaraan. Nakita ko ang buong pangyayari, kung paano kami nagkahiwalay ni kuya at kung paano ako napadpad sa mundong ito at napulot ng kinilala kung mga magulang. Maya maya pa ay bigla na lang nagliwanag dahilan para mapapikit ako, pagbukas ko ng mga mata ko ay nakabalik na ako sa reyalidad.
"Nakita ko si mama," bulalas ko
Lumapit naman sa akin si kuya. "Tama ka ng mga nakita, yun ang totoong nangyari at ikaw ang karga karga ng babaeng kinilala mong ina." anas nito
"Kung ganun, totoo nga na kapatid kita! Kiya to be exact." anito
"Oo nga! Kanina ko pa sinasabi sayo." irap nito
"At ikaw lang ang nag iisang Callein Yendrinna Collins ang nag iisang pag asa ng mundo natin." Senery said
"Sabihin niyong nanaginip lang ako. Aaahhhhh!" tili ko
"Sorry to say but you are not dreaming. Totoo lahat ng nalaman mo." sabat ni Jared
Umiling iling lang ito. "Hindi naman kaso ganun kadali tanggapin ang lahat ng ito."
"Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong tanggapin ang katotohanan! Hindi ka tao, isa kang wizard." nakatinging wika ni Klaev
Napaiwas naman ano ng tingin sa kanya. Kahit kailan talaga antipatiko! Pero bakit bumilis yata ang t***k ng puso ko nung nagtama ang tingin namin.
Ah! Erase erase erase!
"Pake mo ba, ha? Ikaw ba kinakausap ko? Suplado!" sigaw ko rito na ikinatawa naman ng mga kasama namin
Inikot niya lang ang mga mata niya sakin at hindi na kumibo pa.
"Sa tingin ko kailangan ko muna ng oras para intindihin ng mabuti itong mga nangyayari. Sana pagbigyan niyo ako." kako
Naintindihan naman nila ako kaya pumayag sila sa hinihiling ko. Hinatid na ako pauwi ni kuya Larryx.