PROLOGUE:
DAVE TORRALBA'S POV
I didn’t know how long I had been searching.
Days blurred into weeks. Weeks turned into something I stopped counting.
Kahit kaunting balita tungkol sa kanya ay wala akong mahanap. I don't feel anything, but just the absence of someone who used to feel so close.
Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako. Kasalukuyan akong nakatayo sa loob ng isang sikat na cafe nang biglang bumagsak ang malakas na ulan.
The rain started hard, heavy and unforgiving. It swallowed the city in seconds, turning lights into blurred and the streets into reflections of something I couldn’t quite reach.
Tahimik akong nakatingin sa labas hanggang sa biglang sumulpot sa aking paningin ang isang pamilyar na pigura.
Pinagkatitigan ko muna iyon, sa pag-aakalang namamalikmata lamang ako.
But I knew that silhouette very well.
Even after everything… I knew her.
“H-Hazey..." nanginginig ang boses kong sambit. Mabilis ang hakbang na aking ginawa palabas ng cafe.
Sobrang bilis ng paghinga ko, animo'y nanginginig ang aking katawan at hindi ko na mapigilan.
"HAZEY!!!" I called her.
My voice broke through the storm before I could stop it.
She didn’t turn right away.
That was the first thing that hurt.
I ran.
Harder than I should’ve. Faster than I thought I could. Water soaked through my shirt, my vision blurred, but I didn’t stop.
Dahil natatakot ako na baka sa sandaling tumigil ako at muli siyang mawala sa paningin ko.
“Hazey, wait!” muling usal ko ng ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanya at doon siya huminto sa paglalakad.
Slowly, she turned around and our eyes met. and at that moment....everything in me broke and stayed broken at the same time.
She was real.
She was here.
But the longer I stared at had eyes, the longer I noticed the coldness in the way she looks at me. At ibang-iba iyon sa paraan kung paano niya ako tinitingnan noon.
“Dave,” she said softly.
My name sounded different in her voice now. Smaller. Far away.
I took a step closer. “I’ve been looking for you.”
Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya dahil sa sinabi kong iyon. Then, she adjusted her grip on her umbrella like my words didn’t weigh anything.
“Bakit mo ba binibigyan ng trabaho ang sarili mo, Dave..” she said.
That was it.
No anger.
No tears.
“Hazey, please...just listen to me," I said.
She finally looked away, toward the empty street behind me.
“You’re late,” she said quietly.
And I didn’t understand what she meant at first.
Not until I saw it.
The way she stood while looking at me.
“I'm here,” I said, voice shaking now. "I'm r-ready.."
Matapos kong sabihin iyon ay hindi ko na mapigilan pa ang panlalabo ng paningin ko. Unti-unti ay iginalaw ko ang aking binti, humakbang ng isang beses upang malapitan siya. Ngunit para akong sin*ksak ng bigla siyang umatras. Sobrang bilis at walang pag-aalinlangan.
"Hazey--"
"Tama na, Dave..." putol niya sa akin. "Parang-awa mona. Tama na kasi pagod na pagod na ako. Hayaan mo naman na sumaya na ako," dagdag niya at agad kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko.
Uminit ang sulok ng mga mata ko...at hindi nagtagal ay pumatak na ang mga luha ko.
"Hazey..." I said softly, trying to reach for her hand, but she avoided it so quickly.
Slowly, I lifted my gaze back to her. My eyes were still shaking, at naghalo-halo na ang patak ng luha sa pisnge ko at ang ulan na walang tigil sa pagbagsak.
"I'm h-here... I'm ready. I'm in love with you," sunod-sunod kong sambit, nanginginig ang boses at halos hindi ko na mabigkas nang maayos ang mga salitang iyon.
"Alam kong masyado akong naging g*go. Alam ko na ang b*bo ko at ang t*nga-t*nga ko, at wala akong karapatang makiusap sa 'yo upang tanggapin mo ulit ako. Pero mahal kita. I'm sorry if it took me such a long time before I realized how much I love you." Wika ko.
Wala na akong pakialam kung magmumukha man akong t*nga o katawa-tawa.
After a few seconds of silence, the rain felt louder than anything I had just said.
Hazey didn’t move.
She just stood there, staring at me like I was something she had already stopped believing in.
Then she exhaled.
A small, humorless laugh broke from her lips.
She shook her head slowly.
“Joke ba ’to, Dave?” she asked, voice low...but sharp enough to cut through everything.
I froze. “H-Hazey…”
She let out another quiet laugh, this time more broken than amused, like the idea itself was ridiculous to her.
“Sa lahat ng pwede mong sabihin…” she said, looking away for a second, blinking like she was tired of even looking at me, “...yan pa talaga ang napili mo?"
My chest tightened.
“No---Hazey, I’m serious. I am--”
She cut me off again, faster this time.
“Serious?” she repeated, almost disbelieving. “Kailan mo pa ako sineryoso, Dave?”
Silence.
Only the rain spoke between us.
She finally looked back at me, and this time… there was nothing soft left in her eyes.
Only exhaustion.
Only distance.
“Dave,” she said quietly, like she was talking to someone she once knew in another life, “Ilang beses mo akong iniwan sa gitna ng paghihintay ko? ilang beses mo akong hindi sinipot sa mga araw na umasa ako kasi sinabi mo!"
"Yung gabing 'yun! Sinamahan kita kasi alam ko kung ano ang pakiramdam kapag walang taong nakakaintindi sa nararamdaman mo! Lahat ng iyon alam ko kasi gano'n din ang nararamdaman ko araw-araw..." dagdag niya at ngayon ay nakita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya.
Kumuyom ang kamao ko. Halos bumaon na sa aking palad ang aking kuko, dahil pinipigilan ko ang sarili kong yakap siya at sabihin sa kanya na nagsisisi na ako sa lahat.
"O baka naman, nandito ka lang kasi na-realize mo lang na mahalaga ako sa 'yo pagkatapos ng gabing iyon?" tumaas ang kilay niya sa tanong niyang iyon.
Mabilis akong umiling. Pero hindi nagbago ang ekspresyon niya, nanatili ang malamig niyang tingin sa akin.
"Gusto mo bang ulitin natin? Baka kasi iyon lang ang dahilan kung bakit ginugulo mo ako ngayon--"
"Hindi sa gano'n--"
"Kung hindi e ano?! Bigyan mo ako ng kahit isang dahilan lang...Isang dahilan na mapapaniwala mo ako!" bulyaw niya sa akin.
Sandali kong pinagdikit ang labi ko. Napatitig ako sa sahig.
Nang akmang magsasalita ako ay muling umalingawngaw ang mahinang pagtawa nito. Natigilan ako at muling nag-angat ng tingin sa kanya.
"Kita mo na? Kahit isang salita lang maliban sa mahal mo ako ay wala kay masabi...kasi nga hindi ka pa naman sigurado sa nararamdaman mo!"
"That's not what I feel, Hazey. I love you. At sigurado ako sa nararamdaman ko sa 'yo."
"Talaga ba? O nakokonsensya ka lang? O baka naman ay may kailangan ka lang sa 'kin. At ngayon ay handa kang gawin lahat upang makuha ulit ang tiwala ko. Kasi gano'n naman lagi di 'ba? Bumabalik ka kasi alam mo na kahit ano pa ang gawin mo at kahit na masaktan pa ako nang sobra ay alam mona tatanggapin at tatanggapin pa din kita!" sigaw niya, at doon ako tuluyang hindi nakapagsalita.
Mariin akong napalunok. At lalong kumirot ang dibdib ko nang makita kong tumindi pa lalo ang kanyang pag-iyak.
"Kilala mo kasi ako e. Alam na alam mo na ang takbo ng utak ko at kilalang-kilala mo na ang pagkatao ko. Kaya ngayon ay sinusubukan mo ulit ako. Kasi hindi ka pinapatahimik ng konsensya mo, hindi dahil mahal mo talaga ako," she added and after those words left her mouth... everything around me turned into silence.
I couldn't hear anything, neither feel anything.
Wala akong ibang nakikita at naririnig kundi ang mga mata niya, ang boses niyang basag at ang matinding sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
And when I didn't say anything back. She slowly turned her back on me and then, she left me...again.
TO BE CONTINUED....