Kabanata 4

2084 Words
"Parang hindi na ako maniniwala na Music ang tinapos mo." Pabirong sabi ni Dani. Pinapanood niya si Levi na nagluluto ng paborito niyang bicol express. "I can sing for you, a freebie for those who rent me." Ngumiti ang lalaki sabay tingin sa kanya pero parang bula naman na nawala ang ngiti ni Dani sa sinabi ng binata. Parang silang plaka na nagpaulit-ulit sa ulo niya ang "for those who rent me" na sinabi ng binata. Ibig sabihin, marami ng hinarana ang binata at hindi niya nagustuhan ang isipin na iyon. "Huwag muna ngayon, nakakaspoil kasi ng mood ang pagluluto. May I just ask instead kung bakit mo naisipang mag-apply sa trabahong ito? For a music graduate gaya mo, I believe you can even find jobs from other countries." Curious na tanong ni Dani.  "You don't have to answer me kung hindi naman talaga puwe–" "I'm just bored from doing music. It's not like I'm doing music all the time anyways." Sagot ng lalaki na pumutol sa sasabihin niya sana. Napatango na lang si Dani, feeling niya ay pinakialaman lang niya ang personal business ng binata which nilampasan nga niya. "Sorry, I didn't mean to." Pinaglaruan ni Dani ang kamay niya at hindi makatingin sa lalaki. Nahiya siya sa bigla na lang lumabas sa bibig niya. "Let's just change the subject. What genre of music do you prefer and your favorite songs?" Napangiti si Dani, kung usapang music ay hindi siya magpapatalo. "Aside from classical music, mahilig din ako sa RnB at symphonic metal. Ang paborito ko namang kanta ay Dear Woman ni Levant. " Abot-tainga ang ngiti niya. Hindi napansin ni Dani ang bahagyang pagkagulat ng binata sa sagot niya. "Why do you like that song?" Tanong ng binata na ikinangiti naman niya lalo. "I think dahil yung persona sa kanta or we can just say yung singer is unlike every other guy. He's very sweet and the lyrics is a masterpiece. Lahat na kanta ni Levant, they're all beautiful. His lyrics, music video, and voice, masterpiece." Hindi maipinta ang saya sa mukha ni Dani at parang wala ng katapusan ang sasabihin niya. "But the only thing I hate about the singer is that he does not even give a hint sa personal life niya. How would we know if he's doing well behind his songs. What if nadedepress siya, what if he is suffering. We also want to see his body, kahit itago na niya ang mukha niya gaya nina Sia at marshmello as long as makita naman namin kahit isang daliri lang niya." Nabigla si Dani nang biglang matawa si Levi. Mukhang sumobra na yata siya. Ramdam niya ang pag-init ng mukha niya na umabot hanggang sa kanyang tainga. "May nasabi ba akong nakakatawa? Pasensiya na, nadala ako sa usapan." Napanguso na lang si Dani tsaka pinaglaruan ang daliri niya. "I guess so but you won't understand why." Napakunot-noo siya sa sinabi ng lalaki pero hindi na siya nagtanong pa. Naging awkward na naman ang usapan, kailangan na naman nila ng bagong topic. "Ikaw naman, what are your tastes in music?" Panimula ni Dani. Nag-isip sandali si Levi bago sumagot. "I don't have any particular favorite genre but I do have a favorite song, it's On My Own, Lea Salonga's version." Napangaga si Dani sa sinabi ni Levi, ineexpect niya na baka any RnB, pop, or rock song ang favorite nito. Pero what do you expect from a music major? "I agree that was a masterpiece, it was like it was made just for Lea." Pagsang-ayon naman ni Dani. "Shall we eat? I must have starved you already." Magsasalita pa sana si Dani pero agad siyang naunahan ni Levi. Tumango na lang siya at tumulong na ayusin ang table. Matapos niyang ihain ang ibang mga pagkain ay naupo siya at pinanood si Levi sa kanyang ginagawa. Sinasalin ng binata ang niluto niya sa bowl. Seryoso ito at tila may malalim na iniisip. Nang matapos niyang isalin ang ulam ay mablis ding umiwas ng tingin si Dani. "How does it taste?" Hinintay ni Levi ang sagot ni Dani na tumikim muna sa ulam na niluto niya. Nagningning ang mga mata ni Dani at binigyan ng malaking thumbs up ang binata. "Sabi na nga ba nila eh, kapag talaga mga lalaki ang magluluto mabubusog ang mga babae ng nine months." Wala sa sariling sabi ni Dani na ikinatawa ni Levi. Napakunot-noo si Dani sa biglaang pagtawa ng binata pero hindi niya pinadaan ang mga segundo na hindi titigan ang lalaki lalo na't mas gumuguwapo ito lalo sa ngiti niya. "Did uou know the meaning of what you just said?" Tanong ng binata. Mas lalong naguluhan si Dani sa tanong ni Levi. "Ano ba ang sinabi ko?" Inosenteng tanong niya. Sa pagkakaalam niya ang nagcompliment lang naman siya dahil totoong masarap ang luto ng binata. "Sinabi ko lang naman na mabubusog ako ng nine months sa sarap ng luto mo. Tinuro iyan sa akin ni Glyn, figurative language lang daw." Pagpapaliwanag niya na lalo lamang ikinalawak ng ngiti ni Levi. "I really doubt you've even entered college with that level of innocence." Natatawang sabi ng binata. Napanguso na lang si Dani dahil wala na siyang maintindihan sa pinagsasabi ng kausap. Business management ang major niya hindi logical reasoning, at mas lalong wala siyang alam sa qualitative math. "Ang totoo, part-time chef ka yata no? Baka may pagmamay-ari kang restaurant dito, hindi na ako magugulat." Pag-iiba ni Dani sa usapan. "Unfortunately neither of those, I learned this skill from my mother. She was just an ordinary chef and loved cooking Filipino dishes." Mukhang may naapakan na namang bomba si Dani sa tanong niya at iiwasan sana ang usapan pero agad na nagpatuloy si Levi. "This is also my favorite dish, and so was my mom's." May bahid ng lungkot sa boses ng binata at tila piniga rin ang puso ni Dani sa lungkot na dala nito. Napangiti lang siya at nakinig sa binata. "I once dreamed to become a chef as well buy it isn't for me. I realized that music is my real passion." Tinitigan siya ng binata pero hindi niya magawang salubungin ang mata niyo kaya napatingin na lang siya sa pagkain niya at sumubo ng sunod-sunod. Nagtagal pa sila ng isang oras sa hapagkainan at pinag-usapan ang mga gagawin nila kinabukasan. Parang iniikot sa washing machine ang laman loob ni Dani dahil sa nerbyos. Mentally siyang nagdasal ng paulit-ulit na sana maging successful ang meetup nila kinabukasan. After ng lunch ay inihatid siya ni Levi pauwi. May pupuntahan din naman daw itong gathering mga ilang kilometers mula sa bahay nila at madaraanan din kasi ang bahay nila papunta sa destinasyon niya. Hindi pa nakauwi ang mga magulang ni Dani kaya si Glyn land din ang nadatnan niya. Nagbabasa ito sa kuwarto ni Dani at hinihintay ang kanyang pag-uwi. At totoo nga rin ang hinala ni Dani na mag-iinterrogate ang kaibigan niya. Hindi siya makapagtago ng sikreto sa kaibigan kaya naibuhos niya lahat ng nangyari. Kinikilig din si Glyn kahit panay ang pagreremind kay Dani na huwag masyadong magpatangay sa paghanga niya sa binata. "Ano na ang balak mo after graduation, matratrabaho ka talaga sa Quezon city?" Tanong ni Glyn matapos ang usapan nila tungkol kay Levi. "Oo, tsaka isasabay ko ang pag-aaral ko. Alam mo namang pangarap ko maging professional pianist diba? Kailangan kong isettle muna ang hindi namin pagkakaintindihan ni papa. I will never marry anyone at hindi pa ako handa na akuin ang business namin." Sagot ni Dani. "Sabi nga ni ate, just because sinabi ni papa ay gagawin ko na. Ayaw niyang magaya ako sa kanya." Malungkot na sambit niya nang maalala na naman ang ate niya. "Tama na nga sa usapang ganito, maglalaro muna ako ng piano kaya magpatuloy ka na rin sa binabasa mo. " Iniwan niya ang kaibigan at pumunta sa music room niya kung saan siya lumaki kasama ang ate niya. Mahusay na violinist ang ate niya. Pareho silang may passion sa music at nagself-learn. Binilhan sila ng kanilang ama ng kanya-kanyang instrument pero in the end, hindi rin sila pinapayagan nitong magpursue ng music career. Tinugtog niya ang paborito niyang musical composition ni Franz Liszt na Hungarian Rhapsody habang iniimagine na tumutugtog naman sa tabi niya ang kanyang ate ng violin. Hindi niya mapigilan ang paglandas luha sa alaala. Namiss na rin niya ang kanyang ate, ate's girl din kasi siya. Para silang magkambal kahit na six years ang gap nila. Matapos magparaos ng oras sa pagpi-piano ay bumalik si Dani sa kanyang kuwarto. Wala na si Glyn, balik-trabaho na ito at hinihintay ang pagbalik ng mga magulang niya. Matutulog na sana siya nang tumunog abg cellphone niya. Pagkabukas niya ang tumambad ang pangalan ni Levi. Agad niyang binuksan ang message nito. "Change my name in your phonebook, use our endearment and delete our past conversations." Agad niyang ginawa ang sinabi ng binata. Feeling tuloy ni Dani ay totoo na ito, gusto niyang manatili ito sa phonebook niya forever. "Done" Reply niya. Maya-maya pa ay tumawag ito sa kanya. Inayos muna ni Dani ang boses niya bago sinagot ang tawag. "I called to tell you that we have to make a sweet conversation in our inboxes, they might check it. We can just delete it when you don't need it anymore." Sabi ni Levi sa kabilang linya. "Okay, ikaw unang magtext becasue I don't know where to start." Sagot ni Dani. Wala naman kasi siyang background when it come to texting a guy. "Do not give me cold replies, just imagine that you're really in a relationship. Reply naturally." Payo ng binata na ikinatango ni Dani, hindi naman kita ng lalaki kaya nagsalita siya. "Noted, I'll do my best." Sagot niya at nag-end na ang tawag. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtext na si Levi. From Love: I missed you love, I can't wait to see you tomorrow. Chamba namang uminom si Dani ng tubig nang mabasa niya ang text ni Levi at muntik na siyang malunod sa sarili niyang bibig. Nag-init ang mukha niya at kahit hindi totoo, tinototoo ito ng utak niya. Ilang segundo muna niyang pinag-isipan ang reply niya bago nagtype. To Love: I missed you too love, magpahinga ka ng mabuti bago magbiyahe bukas. Reply ni Dani. Ilang minuto siyang naghintay pero wala pang reply ang katext niya. Maya-maya pa'y tumatawag na naman ito, mukhang may nasabi siyang mali. "I forgot to remind you not to act like a grandmother in your texts, you're not texting a child." Napanguso si Dani sa sinabi ng binata, wala naman kasi siyang background sa ganitong mga bagay. "I'm sorry, I'll do my best." Bumalik na naman sila sa pagtetext matapos ang tawag. Hindi namalayan ni Dani ang pagdaan ng oras tsaka na lang siya maging aware na gabi na nang i-on ni Glyn ang ilaw sa kanyang kuwarto. Lagpas six o'clock na pala at halos isang nobela na ang conversation nila ni Levi. "Nakauwi na sina tito, hinahanap ka." Bungad ng kaibigan sa kanya. Ninerbyos si Dani siyempre, ano naman kaya ang surpresa ng mga magulang niya? Agad siyang bumaba at nagtungo sa sala kung saan nakaupo ang mga magulang niya na nagpapahinga mula sa biyahe. Naupo siya one meter away sa tabi ng kanyang ama. "This is my final decision." Panimula ng ama niya. Kinabahan si Dani sa sasabihin ng ama pero nanatili lang siyang walang kibo. "It will depend on how it will all turn out tomorrow. If I don't like the guy, you will break up with him, do as I say and marry Zamora's son but if he will pass my criteria, I will give let you go to Quezon city." Hindi alam ni Dani kung magdiriwang siya o magagalit sa ama. "Nag-aalala kayo para sa business niyo at hindi sa aming mga anak niyo? I don't care about your decisions anymore, ako ang magdedecide kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Kick me out of this house if you want as long as I'm not used as a tool for your own ambitions. Matutuloy pa rin bukas ang meetup, after that I can leave with him, whether you like it or yes." Buong tapang na sambit ni Dani. Kita niya ang pagtitimpi ng kanyang ama at ang galit sa mga mata niyo pero bago pa ito magsalita ay tumalikod na siya at nagkulong sa kuwarto niya. Kailan ba matatauhan ang kanyang ama at matanggap na siya ang mali? Hindi siya nasasaktan dahil sarili niya kundi dahil ayaw niyang maging ganito ang mga magulang niya. Ang mga mapagmahal niyang mga magulang noon ay biglang nag-iba. Umiyak na lang si Dani hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD