"So bakit ka may bahay rito sa Tarlac, I mean are you originally from here?" Diretsahang tanong ni Dani. Ninenerbyos rin siya sa maaaring kahihinatnan ng kasinungalingan niya.
"Yes, my father is from here. Nandito lahat ng remaining members of my family, father-side." Muntikan ng mabilaukan si Dani sa iniinom niyang tubig. Mas lumalala ang sitwasyon kapag patuloy pa siyang magtanong tungkol sa personal life nito kaya iniwasan na lang niya ang usapan.
"Magsimula tayo sa akin, kailangan mong malaman ang pangalan ng parents ko and some other information regarding sa akin." Paliwanag ni Dani na agad namang sinang-ayunan ng kausap. Nakatitig ito sa kanya kaya feeling niya ay nawawala siya sa ibig niyang sabihin.
"First ay ang mga hilig ko. I love playing the piano ever since I was a child. My favorite composer is Franz Liszt. My favorite dish is Bicol express, color is brown, and flower is Chrysanthemum. That would be all on my favorites kasi mga iyan panigurado ang tatanungin nga mga magulang ko." Patuloy ni Dani. Tahimik lang ang binata pero seryoso itong nakikinig sa kanya. Feeling tuloy ni Dani ay matutunaw na siya sa titig nito. Masyado itong professional sa trabaho niya at talagang nakikinig ito ng maayos para maayos rin ang performance niya sa harap ng mga magulang ni Dani.
"Ang pangalan ng tatay ko ay Danilo Ramirez and my mom is Ellie Ramirez. We own hectares of sugarcane and pineapple plantation. I have a sister but she is already married, her name is Danica. I think mga iyan lamang ang kailangan mong malaman tungkol sa akin. Let's hear your then after that, we can settle on how we met and such " Umayos ng upo si Levi bago magsimulang magsalita.
"You know bits about me from my profile so I think there's nothing more that I should tell you." Sabi nito. Naintindihan naman ni Dani, well of course kasi sa trabaho niya, kailangan niya ring protektahan ang personal information niya. Tumango na lang si Dani. Bahala na lang kung ano ang tatanungin ng mga magulang niya tungkol sa binata, puwede namang kahit ano na lang.
"Ako ang magdedecide kung paano tayo nagkita." Panimula ni Dani sa sumunod nilang usapan. Hindi na umangal si Levi at nakinig na lang sa dalaga. Wala naman siyang karapatan kasi rental boyfriend siya.
"Kapag tinanong tayo kung saan tayo nagkita, ang sasabihin natin ay sa isang musical concert kasi alam nilang mahilig akong manood ng concerts at tumutugma rin ito sa hilig mo. Kapag naman ang tinanong kung gaano na tayo katagal, let's say almost two months already. Okay ba sa iyo?" Tinignan niya ang kausap at hinintay kung ano ang masasabi nito.
"I'm okay with that. How about our endearment, we should have one too." Nag-init ang pisngi ni Dani sa sinabi ng binata. Siguro marami ng naging kliyente ang binata na tinawag niya sa iba't ibang endearments. Mentally na lang siyang nagpasalamat at naalala ito ng lalaki, mukhang effective nga rin ang endearment para mas magmukhang legit ang relasyon nila.
"Ikaw ang bahala diyan, wala kasi akong alam na magandang endearment. Actually, ang mga magulang ko wala silang tawagan, they just call each other by their names." Pag-aamin ni Dani na ikinangiti naman ni Levi, unang ngiti pa lamang nasisilayan ni Dani magmula nang una silang magkita.
Biglang tumayo ang binata at tumabi ito sa kanya. Ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso lalo na nang maramdaman niya ang pagsagi nito sa balat niya. Lumandas ang kamay ng binata sa bewang niya na ikinagulat naman ni Dani.
"You've turned red as a tomato, love." Ramdam niya ang hininga nito sa likod ng tainga niya na tila nagdulot ng pagdaloy ng kuryente sa buong katawan niya.
"Ano'ng ginagawa mo?" Nanlalaking mata niyang tanong sa lalaki. Mas hinapit pa ng binata ang bewang niya kaya mas naramdaman niya ang matigas nitong dibdib.
"We are practicing miss Ramirez. Do you think your parents will believe us to be a couple if we keep a one meter distance?" Napakunot-noo si Dani, parang may mali pero tama naman ang binata sa sinabi niya.
"Hanggang dito lang tayo mister Jacobson. Sa tingin ko ay sapat naman na ang malapiy tayo ng ganito kaya I am banning you from making any move na hindi ko inaprubahan. We can hold hands and hug, but no more than that, if you know what I mean." Paliwanag ni Dani. Ngumisi lang ang binata pero hindi tumango o umoo.
"Don't worry miss Ramirez, I know how to read situations. I will do my best to impress your parents."
Matapos ang pag-uusap nila ay agad na ring nagpahatid pauwi si Dani. Tila mauubusan na siya ng enerhiya kapag nagtagal pa siya sa tabi ni Levi. Bukod sa napakaguwapo nito ay napaka-gentleman at napakatalino rin.
"Kamusta naman ang date niyo ng boyfriend mo?" Tanong ni Glyn pagkauwi niya. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya simula nang ihatid siya ng binata.
"Okay lang, pinag-usapan lang namin ang mga gagawin at sasabihin namin. Walang espesyal." Hindi na nagtanong pa si Glyn dahil pansin niya namang hindi na nakikinig ang kaibigan sa kanya. Nabiktima na ng first love ang kaibigan niya pero hindi alam ni Dani kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nararamdaman.
"Matulog ka ng maaga Dan, dadalaw pa raw kayo sa bahay ng mga Zamora bukas ayon kay tito." Paalala ni Glyn sa kaibigan pero tila hindi na ito matutulog buong gabi, hula niya.
Buong gabi ngang hindi nakatulog si Dani at nakadungaw lang sa balkonahe ng kuwarto niya. Puno ng tala ang langit at napakasariwa ng hangin. Hindi niya mapigilang iisip-isipin ang mga nangyari nang mga nakaraang oras. Hindi mawala sa isipan niya ang mukha ng binata. Tila nagsisine ang utak niya, isang walang hanggang sine na ayaw siyang patulugin dahil gustung-gusto niya ring panoorin.
"Dan... Dan... Dani!" Nagising siya sa walang tigil na katok sa pintuan. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa labas ng kuwarto niya. Buong gabi niyang tiniis ang mga lamok na dumarapo sa balat niya dahil abala siya sa pagsusulat ng kanta.
"Sabi ko na nga ba. Maligo ka na bilis, diba sinabi ko sa iyo na pupunta pa kayo sa bahay ng mga Zamora?" Napanguso na lang siya sa sinabi ng kaibigan at parang zombie na pumasok sa banyo.
"Ano raw ang gagawin namin sa mga Zamora? Ipapakasal na ba talaga ako ni papa? Maglalayas na ba ako Glyn?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. Nang naliligo siya ay tsaka na lamang niya mapagtanto ang sinabi ng kaibigan sa pupunta silang mag-ama sa mga Zamora.
"Huwag kang mag-alala, mukhang makikipag-usap lang naman si tito na ikakansela niya ang usapan tungkol sa kasal." Napahinga ng maluwag si Dani sa sinabi ng kaibigan. Mukhang alam na ng ama ang nararamdaman niya.
"Iwan na kita Glyn, sunduin ko lang si papa." Iniwan niya ang kaibigang abala sa pag-ayos sa mga ginamit nila.
Naabutan niya ang ama na may katawag sa kabilang linya kaya naupo muna sa siya sa harap ng working table ng ama. Nakatalikod kasi ito at mukhang seyoso ang usapan kaya hindi nito napansin ang kanyang pagpasok.
"Sige Luis, naiintindihan ko naman. Sa susunod na lang na panahon." Matapos ang usapan ay ibinaba na nito ang telepono tsaka humarap sa kanya. Umupo ito tsaka siya tinignan panandalian bago magsalita.
"Narinig mo na, hindi tayo matutuloy ngayon. Bahala ka na kung saan mo gustong pumunta ngayong araw, pupunta na lang kami ng nanay mo sa Pampanga. Babalik kami agad mamayang gabi kaya bahala na kayo ni Glyn kung ano ang kakainin niyo dahil isasama rin namin sina Aling Adela at Manong Hulyo." Tumayo ito kaya tumayo na rin si Dani. Sabay silang lumabas ng pintuan bago sila tuluyang maghiwalay dahil lumabas siya sa patio ng bahay nila. Para siyang tinanggalan ng mabigat na pasanin at hindi maiwasang ngumiti ng abot-tainga.
Tiningnan niya ang cellphone niya at nagsimulang magtype ng message para kay Levi. Gusto niya itong makitang muli, gagawin na lang niyang rason ang practice nila. Nasa kaligitnaan na siya ng patatype nang bigla siyang matauhan. Feeling niya ay para na siyang nanlalandi at naghahabol ng lalaki. Mabilis niyang binura ang mensahe niya tsaka malungkot na tumanaw sa kalangitan. Nakakalisaw ang sinag mg araw pero gusto niya itong titigan, in the end ay natalo rin ang mata niya. Inihalintulad niya ito sa gingawa niya kani-kanina pa lamang. Masisilaw lang talaga siya sa kahuwapuhan ng binata at hanggang doon lamang siya, isang tagahanga na lang.
"Oi Dan, kanina pa yata nagriring yang phone mo, parang nasa ibang universe ang kaluluwa mo." Muntikan na siyang mapakundag sa gulat nang biglang magsalita si Dani. Mukhang kanina pa nga yata siya nakafreeze doon. Pagkakita niya sa tumatawag ay parang lumundag ang kanyang puso.
"Hello." Maikling sagot niya. Wala siyang maisip na idagdag na phrase o words at nahihiya siya na baka maging masyadong feeling close ang peg niya.
"Would you accompany me to go buy the clothes I need to wear during the meetup?" Napangiti si Dani, destiny provided an opening for her.
"Kahit casual lang pero sige ba baka makatulong ang idea ko tungkol sa tipo ng mga magulang ko." Ani niya.
"Should I come or we'll just meet somewhere?" Tanong ng binata. Hindi pa nakakaalis ang mga magulang niya kaya tinanggihan niya ang naunang alok nito.
"Magkita na lang tayo sa mall, send ko na lang din location ko sa iyo." Sagot niya na agad namang inayunan ng binata.
"See you then." Huling sinabi ng binata at inunahan siyang iend ang tawag.
"Magkikita ulit kami Glyn." Masayang balita niya sa kaibigan.
"Natatakot ako para sa iyo Dan promise. Huwag ka masyadong ma-attach sa kanya, isipin mo na rental boyfriend lang siya at hindi lang ikaw ang kliyente niya." Alam ni Glyn na masasaktan ang kaibigan sa sinabi niya pero mas mabuti na ito kaysa naman sa heartbreak ito masaktan. Kapag natapos na ang meetup, who knows kung makikita pa ba ulit nito ang lalaki.
Hindi sumagot si Dani pero makungkot itong tumango. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa isang panaginip. Sumosobra na nga ang nangyayari sa kanya pero wala naman siyang control sa mga ito.
Thirty minutes before nine o'clock ay agad siyang lumabas ng bahay para sa napag-usapan nilang meetup ni Levi. Hindi rin siya nagtagal sa paghihintay dahil agad ring dumating ang binata. Parang pinipiga ang pusa niya nang magtama ang titig nila.
"Shall we go?" Bahagya itong ngumiti sa kanya na mas lalong nagpabilis sa t***k ng puso niya. Agad siyang nauna para gabayan ang binata kung saan sila bibili ng damit nito.
"Good morning ma'am and sir, how may I help you?" Tanong ng saleslady na nakaabang sa doorway.
"We van just inform you later kung may kailangan kami." Agad na sabi ni Dani pagkakita sa parang glue na mata ng saleslady. Nakakatawa pero feeling niya ang possessive niya masyado kahit hindi naman talaga niya boyfriend ang binata. Nilagpasan nila ang saleslady at nagtungo sa men's section.
Matapos ang ilang oras ng pagsusukat at pagpipili ay natapos na rin sila. Bagay naman talaga lahat kay Levi ang mga isinuot nito ay walang magagawa si Dani kundi mamili ng isa. Kukunin sana niya ang napili nila para bayaran niya sa counter pero inunahan sia ng binata.
"I will pay for it, this wilo be included in my personal expenses. In fact, I really needed a pair of clothes because I will be wearing the one which I brought today."
"Ako na ang magbabayad, hindi puwedeng ikaw ang gagastos sa gagamitin mo para sa meetup, automatically na included na ito sa exp–" Hindi na naituloy ni Dani ang sasabihin nang makita niyang iabot ng cashier ang card ni Levi. Tinaasan siya ng kilay ng binata sabay ngiti ng bahagya. Napanguso na lang si Dani at hinayaan ang binata, isunusumpa niya na sa susunod ay uunahan niya ito sa cashier.
"So where do we go next, unless you're not free until lunch?"
"I'm free all the the time, tamad kasi ako sa bahay." Biro niya na ikinangiti ng binata. Wala naman talaga siyang ginagawa sa bahay aside from practicing the piano at pagtatanim ng bulaklak sa garden niya. Nung bata pa siya at wala pa silang mga katulong ay nasanay na siya sa mga trabahong bahaya but eversince dumating sa buhay nila ang mga kasama nila sa bahay ay mahigpit na siyang pinagbawalan ng mga magulang niya, kahit pa nga paghuhugas ng plato. Minsan lang kapag wala ang mga magulang niya ay tsaka na lang niya nagagawa ang mga gusto niya.
"Let's go eat at my place then." Nalaglag ang panga ni Dani sa sinabi ng binata. Restaurant ba ang bahay nito?