HINABOL ni Summer si Winter. Nakita niya itong pasakay na sa kotse nito. Hinila niya ito palayo sa sasakyan nito, saka siya sumandal sa pinto ng driver’s side. “Winter, mag-usap tayo.” Nanatiling blangko ang emosyon sa mukha nito. Even his eyes were cold. Natakot siya. Pakiramdam niya, ang layo-layo na ni Winter sa kanya. Pakiramdam niya, mawawala na ito sa kanya. Gusto sana niya itong hawakan, pero may pakiramdam siyang lalo itong lalayo sa kanya kapag ginawa niya iyon. Kanina, napansin niyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Tita Sophia habang magkayakap sila ni Spring, at bigla iyong sumara. May kutob siyang narinig ng ginang ang usapan nila ng binata, kaya kinompronta niya ito. Pero iniwasan siya ni Tita Sophia. Kinausap niya si Spring tungkol sa hinala niya na narinig sila ni Tit

