MALAPAD ang ngiti ni Summer nang makita niya si Winter kasama ang mga magulang nito na pinapanood siyang magmaneho habang palapit siya sa harap ng bahay ng mga ito. It was Saturday morning, at tuwing Sabado ay binibisita ni Winter ang mga magulang nito. Sinabi niya sa binata na susunduin niya ito gamit ang bagong bili niyang kotse, kaya marahil nag-aabang ang mga ito sa kanya ngayon. Nakabili na siya ng kotse sa tulong ni Winter. Her car was a red Audi which practically made her poor. Nasaid ang ipon niya, pero sulit naman iyon. At isa pa, sa tulong ng regalo ng mga magulang niya, masayang-masaya na siya kahit pa kakaunti na lang ang pera sa bulsa niya. May driver’s license siya dahil noong nasa kolehiyo siya ay minamaneho niya ang sasakyan ng daddy niya, pero simula nang magtrabaho siya

