“WHO GAVE you these pillows? Hindi naman 'to kasama sa mga binili mo no’ng nag-shopping tayo kahapon.” Nalingunan ni Summer si Winter na hawak-hawak ang dilaw na throw pillow sa sofa ng unit niya. Fully-furnished na iyon kaya nalipatan niya agad.“Si Spring ang nagregalo niyan sa’kin. He was so sorry na hindi sila nakapunta ni Tita Sophia sa birthday ko, kaya hayan, ang dami niyang unan na pinadala dahil alam niyang mahilig ako sa unan. 'Yong iba nga, nilagay ko na sa kotse at sa office ko.” Ayon kay Spring, nang gabi raw ng birthday niya ay umarte si Tita Sophia na masama ang pakiramdam kaya wala itong choice kundi ang samahan ang mommy nito. Mukhang masama ang loob ng ginang sa kanya at kay Winter dahil nagkamabutihan na sila ng huli. Tumaas ang kilay ni Winter. “Nagseselos ka?” Bumu

