Chapter 13

1915 Words
NAMAMANGHA si Summer habang pinapanood si Spring na magluto ng sopas. Bago ito umalis ng Pilipinas papuntang Paris no’ng isang taon, ni hindi ito marunong magprito. Pero ngayon, kung umasta ito ay parang ginagawa na nito ang pagluluto buong buhay nito. “Spring, sigurado ka bang edible 'yang sopas mo?” nagdududang tanong niya kay Spring. Ngumiti ito na tila nagmamalaki. “Baka humingi ka pa ng second serving kapag natikman mo 'tong luto ko.” Napa-“ohhh” siya. Mayabang si Spring pero nagyayabang lang ito kung may ipagmamayabang talaga ito. Pero hindi na siguro nakakapagtaka na marunong nang magluto si Spring kung ngayon nga lang ay naging maasikaso na ito. Pagbalik pa lang nila sa beach house matapos ng misadventure nila ay todo-asikaso na ito sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kape na iniinom niya. Si Spring ang mismong nagtimpla niyon para sa kanya. Pati ang kumot na nakabalot ngayon sa katawan niya, ito rin ang may bigay. Siniguro nitong hindi na siya lalamigin pagkatapos nilang mag-dive sa dagat kanina dahil sa palpak nilang boat ride. Nakaligo na sila pareho, pero nilalamig pa rin siya. Siguro ay dahil hapon na ng biglaan silang napalangoy sa dagat. Nagugulat talaga sa mga pagbabagong nakikita niya kay Spring ngayon. Malayong-malayo na ito sa Spring na kilala niya noon. At nangyari ang lahat ng iyon sa loob lamang ng isang taon... kasama si Autumn. “Si Autumn ba ang nagturong magluto sa’yo?” tanong niya para basagin ang katahimikan sa pagitan nila. A thoughtful smile graced Spring’s smile. “Oo, siya ang nagturo sa’kin magluto. Kahit mahirap akong turuan, pinagtiyagaan pa rin niya ko.” Hindi niya alam kung bakit imbis na masaktan ay nakaramdam siya ng kakaibang init sa puso niya. Mukhang puro magagandang bagay ang nagawa ni Autumn kay Spring kaya naging ibang tao na ang binata ngayon. And then, sadness came over. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung ano’ng naging mali sa relasyon nila noon. “She brought out the best in you, Spring,” nakangiting sabi niya rito. “I failed to do that. Instead of turning you into a better person, wala akong ibang ginawa kundi isisi sa’yo ang mga pagkakamali sa relasyon natin.” Hindi sumagot si Spring. Sa halip ay nagpatuloy ito sa pagluluto. Mayamaya ay naluto na iyon. Kumuha ito ng mangkok at nilagya iyon ng sopas para sa kanya at inilagay iyon sa harap niya. Inabutan siya ng kutsara. “Dahan-dahan, mainit pa 'yan,” bilin ni Spring sa kanya habang umuupo ito sa silya sa tabi niya. Tumango lang siya. Hinipan niya muna ang sopas sa kutsara at nang matantiya niyang kaya na niya ang init, saka niya iyon sinubo. Binagalan niya ang pagnguya at ninamnam niya ang lasa ng sabaw. Gulat na nilingon niya si Spring. “Spring...” Ngumisi ito. “It tastes great, right?” Tumango siya. “Ang sarap!” “Yes, because I’m awesome,” tatawa-tawang pagpuri nito sa sarili. Natawa na lang din siya. “Yes, you are. But Autumn is more awesome for turning you into an awesome guy.” His smile became gentle. Tumango lang siya. “Spring... bakit mahal mo si Autumn?” Matagal bago ito sumagot. Naging malayo ang tingin nito na para bang hindi na siya nito nakikita. “Hindi ko rin alam. Matagal ko nang kilala si Autumn dahil gaya mo, kababata ko rin siya. Pero naging malapit lang talaga ako sa kanya pagkatapos ng ginawa ng mga magulang namin. I became overprotective of her knowing that she was sharing the same pain I have. Or maybe... I was just lonely. Misery loves company.” “Nilapitan mo si Autumn dahil malungkot ka, at dahil alam mong maiintindihan ka niya?” Marahang tumango ito. “Kapag malungkot ang tao, gugustuhin niyang makasama ang mga gaya niyang malungkot. No one wants to suffer alone. Pero nang mapalapit na ko kay Autumn, imbis na makahanap ako ng kakampi sa kanya, napatunayan kong totoo siyang kaibigan. Hindi siya nagpatalo sa kalungkutan, at hindi niya ko hinila pababa. She lifted me up. I didn’t know I was looking for happiness until she found me.” Ngumisi ito. “Ang cheesy, 'di ba?” Nasasaktan siya, pero nakakapagtakang kumpara sa mga palakol at kutsilyo na tumutusok sa puso niya noon, karayom na lang ang nararamdaman niya kaya nagawa niyang ngumiti. “You really fell in love with her, huh?” “It is meant to happen,” nakangiting sabi nito. Nagulat siya. “'Yan din ang sinabi sa’kin ni Autumn.” He looked pleasantly surprised. “Siguro dahil iyon lang naman ang maaaring dahilan kung bakit minahal namin ang isa’t isa.” Natahimik siya. Kung totoo ang sinasabi nina Autumn at Spring na nakatakda ang mga ito na mag-ibigan, ibig sabihin, wala palang laban ang time machine niya sa tadhana. Talo na siya no’ng umpisa pa lang, kaya walang saysay lahat ng ginawa nila ni Winter. NAGULAT si Summer nang magising siya ng alas-nuebe na ng gabi. Kaninang ala-singko y media ng hapon, pagkatapos niyang kumain ng sopas ay umidlip muna siya dahil masama ang pakiramdam niya. Hindi niya akalaing mahihimbing ang tulog niya. Sayang ang oras dahil imbis na makasama si Spring sa natitirang oras sa kanila ay nakatulog lang siya. Tumayo siya. Napansin niyang mabigat ang katawan niya. Masakit din ang ulo niya. Pero pinilit pa rin niyang lumabas ng kuwarto niya. Hinanap niya si Spring pero wala ito sa kuwarto nito. Dalawa lang naman ang kuwarto sa dalawang-palapag na beach house. Bumaba siya sa sala pero wala rin ito do’n. Wala rin ito sa banyo at kusina. Nagdesisyon siyang lumabas, at do’n na niya nakita ang binata. Nasa tapat lang ng beach house si Spring habang nag-iihaw ng barbecue at hot dog. May nakahanda ring mesa at dalawang silya sa gilid kung saan may nakahain na pagkain. Kumpleto naman ang laman ng ref dahil nag-grocery siya bago sila pumuta ro’n, at kumpleto rin naman ang kagamitan sa beach house kaya hindi na nakapagtataka kung paano nito nahanda ang lahat ng iyon. “Good evening, Spring,” bati niya kay Spring. Nilingon siya nito. Ngumiti ito. “Gising ka na pala. I’m sure gutom ka na.” Sinipat niya ang relong-pambisig niya. “Mayamaya lang, nandito na sina Autumn at Winter.” Tumango ito. “Tumawag si Winter sa’kin kanina. Malapit na nga raw sila. Tell me, kasabwat mo si Winter sa lahat ng 'to, hindi ba?” Kinagat niya ang ibabang labi niya. “Walang kasalanan si Winter, Spring. Ginawa niya lang 'to para sa’kin. Kung may dapat sisihin dito, ako lang 'yon.” Bumuga ito ng hangin. “Kahit kailan naman, hindi kayo naglaglagan.” Ngumiti lang siya. Lumapit naman si Spring sa kanya at inabutan siya ng barbecue. “Spring.” “Hmm?” “I’m sorry for making this selfish request. At salamat din dahil kahit labag sa kalooban mo, pinagbigyan mo pa rin ako,” sinserong sabi niya. Umupo ito sa silya sa tapat niya. Mataman siya nitong pinagmasdan bago ito nagsalita. “Pinag-isipan ko 'yong mga sinabi mo kanina. I realized na malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo. Aaminin ko, no’ng una nainis ako dahil sa gusto mong mangyari. Pero pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi mo, naiintindihan na kita kung bakit mo 'to nagawa.” “Hindi ka na galit sa’kin?” Umiling ito. “I have taken you for granted, Summer. No’ng tayo pa, ginawa ko ang lahat ng gusto ko nang hindi isinasaalang-alang ang nararamdaman mo dahil magkaibigan tayo.” Ngumiti siya ng malungkot. “Tama nga ako sa naisip ko kanina. We’re better off as friends.” He smiled an equally sad smile. “Pero pagkatapos nito, hindi ko na alam kung ano nang mangyayari sa pagkakaibigan natin.” Natahimik siya. May pumiga sa puso niya. Lalo tuloy sumama ang pakiramdam niya. Ngayon niya naramdaman ang bigat ng ginawa niya. Dahil sa makasarili niyang kagustuhan na kinunsinti niya, heto at nasira na yata ang pagkakaibigan niya at ni Spring. Pero gayunman, wala naman siyang pinagsisisihan. Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Alam ko. Pero sapat na sa’kin na naging success naman ang ginawa ko. May sagot na ko sa lahat ng katanungan ko noon.” “Really? I want to know what they are.” Yumuko siya. Hindi niya kayang makita ang mukha ni Spring dahil baka maiyak siya. Hindi dahil mahal pa niya ito, kundi dahil nanghihinayang siya sa pagkakaibigan nila na maaaring mawala na. “Hindi ko maintindihan noon kung bakit mabilis tayong bumitiw sa relasyon natin. Sinisi kita at ang mga pagkukulang mo. Pero ngayon, nakita ko na hindi lang ikaw ang may kasalanan. Ako 'yong walang nagawa para mag-work out 'yong relasyon natin.” “Summer, bata pa tayo no’n. 'Wag mong sisihin ang sarili mo.” “Naiinggit ako kay Autumn dahil kanya ka ngayong awesome ka na,” biro niya na ikinangiti ni Spring. “Pero ang hindi ko nakita, naging awesome ka dahil ginawa ka niyang awesome. You were at your worst when you were mine because I wasn’t able to help you grow.” Matagal bago ito muling nagsalita. “It just had to happen, Summer. I found my reason why ours had to end. You will eventually find out why you had to lose me.” Hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Bigla siyang sinampal ng realidad dahil sa sinabi ni Spring. She had already lost him a long time ago. Hinawakan ni Spring ang kamay niya para marahil kalmahin siya. “Kahit gawin mo pala sa’kin lahat ng ginagawa mo kay Autumn ngayon, bale-wala pa rin 'yon. Dahil kahit ngayong hawak mo na ko, hindi ko maramdaman 'yong pagmamahal na naramdaman ko sa’yo noon. And so, this is my last good-bye to you and to our past.” “Our story ended a long time ago, Summer,” malungkot na sabi ni Spring habang unti-unting binibitawan ang kamay niya. “Tahan na. Magiging maayos din ang lahat.” Kahit sinabi nitong magiging maayos ang lahat, wala siyang naramdamang kapanatagan. Hindi niya alam kung bakit tila may kulang sa mga salitang iyon na hindi niya matukoy. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Ang init-init. Para siyang nililiyaban. “Kukuha lang ako ng inumin,” sabi ni Spring, saka ito tumayo. “Hintayin mo ko rito.” Habang pinapanood niyang maglakad palayo si Spring sa kanya, nakaramdam siya ng matinding takot. Hindi na yata normal ang pag-iisip niya. Tanggap naman niyang hindi na siya mamahalin ng binata, pero natatakot siya na pati ang kaibigan niya, mawala sa kanya. May malakas na puwersang tumulak sa kanya para habulin si Spring. Sigurado na siya ngayon. May sarili nang buhay ang katawan niya. “Spring!” Pumihit paharap sa kanya si Spring. “Summe –” Hindi na naituloy ni Spring ang sinasabi nito dahil naglapat na ang mga labi nila. Yes, she kissed him. She felt so bad that she felt her knees buckle, her breathing became heavy, and she felt like she was burning up. Then everything turned black. May pakiramdam siya na may nagawa siya na pagsisisihan niya paggising niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD