ILANG buwan ang matuling lumipas. Ang kaso sa dulo ng tambakan ay madaling nakalimutan ng mga taga roon. Madaling natanggap ng pamilya ng tatlong biktima ang sinapit ng kanilang kadugo. Kasabay nang paglimot sa naganap kay Bibeng na itinuturing na tigasin sa tambakan. Nanumbalik ang normal na kilos ng mga mangangalahig. Nawala na ang takot sa inaakalang pumapatay sapagkat hindi na nasundan pa ang malagim na pangyayari. Natabunan na sa presinto ang kasong hindi nalutas, gaya rin ng iba pa. MULING pinagmasdan ni Bubot ang tahanang lilisanin. Ayaw niya man ay wala siyang magagawa. Araw ng kanyang pagtatapos sa elementarya nang bumagsak si Toni sa kinatatayuan. "Huwag kang mag-alala sa Kuya Toni mo. Mayld lang naman ang atake niya. Hindi siya pababayaan nila Bubbles at Labo, at tutulong si

