Aoi Para akong nabuhusan ng tubig dahil sa gulat nang marinig ang pagsigaw ni Zairel. Agad akong tumalikod at iniwan ang lalaking tila nag-hipnotismo sa akin. "Y-yes po,” tugon ko sa tawag ng pinsan ni Reen. "Ang kapal mo rin talaga, ‘no?! Late ka na nga, nagawa mo pang makipag harutan sa customer?!” Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nito dahil sa gulat. Magpapaliwanag sana ako nang bigla ito muling sumigaw. "Umalis ka na! Oo, sinisisante na kita!” Namilog ang aking mga mata. “Ito ang sahod mo sa mga pinasok mo. Hindi ka namin kailangan dito!" Ginapangan ng kirot ang aking puso nang sabihin nito iyon. Napatingin muna ako sa iniabot nitong pera, bago mag-angat ng tingin sa kanya. "H-hindi mo ‘to p-puwedeng gawin sa ‘kin—” “At bakit?! Dahil ang mommy ko ang nagpasok sa ‘yo rito?

