Mikell Devara "Hay, salamat. Sumagot ka rin sa wakas, Kuya. Oh God! Kanina pa kaya kita tinatawagan, medyo nakakainis na!” bungad sa akin ng kapatid ko. "Why?” "What? Anong why? Have you forgotten? My God, Kuya. Nangako ka kaya sa akin na susunduin mo ako! Nakakainis ka na talaga! Lagi na lang si Ate Vansha ang kasama mo. Iniwan mo na nga ako sa house dahil nagsolo ka na, pagkatapos kahit tawag ko ay halos ayaw mo na sagutin? Ang pangit mo ka-bonding, Kuya!” Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nito. “Aksha—” "Hep! Don’t Aksha me! Sunduin mo na ‘ko ngayon dito sa school dahil nasa office ni Daddy si Mom, they're busy! Makonsensya ka naman, Kuya. Alam mo, wala ka nang pakialam sa 'kin. Pinabayaan mo na talaga ako . . .” Napahawak ako sa aking batok dahil sa mga sinabi nito. “Sorry, oka

