Chapter 39

1230 Words

Aoi PANAY pa rin ang paglandas ng aking mga luha habang kagat-kagat ang aking ibabang labi dahil sa pagpipigil na hindi makagawa ng hikbi. Akala ko ay mahal niya rin ako. Akala ko ay nagbago na siya. Akala ko’y kakampi ko siya. Akala ko’y nagmahal ako ng taong kaya rin akong mahalin kahit ano pang buhay ang pinanggalingan ko. Pero nagkamali ako.  Maling-mali ako sa lahat ng mga akala ko. Dahil kahit kailan— hinding-hindi mangyayari na magmahal ng totoo ang isang Mikell Devara. Hinding-hindi. "Aoi . . ." Bumilis ang sipa ng aking puso nang marinig ko ang pagtawag nito sa akin. Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. Tila gulat na gulat siya habang ako’y nasa harapan niya. Gusto ko silang sugurin. Gusto ko silang saktan. Gusto kong malaman nila na galit ako. Galit na galit ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD