Aoi "Ate, hindi ka na po ba babalik dito?" bungad sa akin ni Maxwell. "P'wede ba 'yon? Syempre, babalik pa rin ako. Babalikan ko kayo. Hindi ko naman kaya mabuhay ng wala kayo ni Toyang, eh!" sagot ko sa kanya habang nangingiti. Ngumuso ito saka nagsalitang muli. "Eh, bakit ang dami mo pong dinadalang damit?" muli niyang tanong. Sandali akong huminto sa ‘king ginagawa saka diretsong tumingin sa kanya. "Dahil kailangan. Ano ka ba, h'wag kang mag-alala babalik rin naman ako. Basta't mag-aaral kang mabuti, tutulungan mo rito si Toyang sa lahat ng gawaing bahay, at syempre alagaan mo ng mabuti si Kam, okay?" bilin ko sa kanya. "Opo, Ate!" sagot niya habang tumatango-tango sa akin. Nandito kami ngayon sa k'warto namin, kasama si Toyang. Agad akong nag-ayos ng mga damit na aking dadalhin

