Chapter 7

1661 Words
Aoi MATAPOS kong mag-asikaso ay pinakain ko muna si Kam, pagkatapos ay agad kaming nagpaalam ni Reen kay Toyang. Hindi ko na inabala si nanay dahil baka masigawan na naman niya ako, madamay pa ang kaibigan ko.  Pagdating namin sa paradahan ng tricycle ay agad na may lumapit sa aming driver. Nakilala ko agad ito nang aking pagmasdan. "Hi, Madam. Kayo po pala 'yan, sakay na po kayo." Nakangiti ito habang sinasabi iyon sa akin. Sandali kaming nagkatinginan ni Reen dahil sa pagtataka. "Kilala mo siya, Kuya?" tanong ng kaibigan ko sa lalaki, pero ngumiti lang ito sa amin.  "Sakay na po kayo, tumatakbo ang oras baka gabihin pa ho kayo," sabi niya. Kahit takang-taka ako, pati na rin ang kaibigan ko ay hinila ko na ito sa loob. Alam ko naman na weird siya pero nasisiguro ko na mapagkakatiwalaan ito dahil sa paghatid niya sa akin ng ligtas no'ng nakaraan sa bahay. Hindi ko lang talaga naiwasan ang magtaka at magulat no'n, dahil sa pagbaba niya sa akin sa mismong harap ng aming tahanan. Iba na rin kasi ang presyo ng pamasahe kapag pumasok sa street namin. "Saan po ba kayo, Ma'am?" tanong nito.  "Sa Vista mall po, Manong. 'Di ba po, 'yun lang ang pinaka malapit na mall sa lugar na ito?" bahagya kong tinapik ang kaibigan ko. "Baka mahal ang pamasahe papunta ro'n, Friend. May kalayuan na kaya 'yun mula rito. Ano ka ba? Tricycle kaya 'to hindi jeep," halos pabulong kong sabi sa kanya. "Kaloka naman kasi 'to si Kuya kung magtanong parang ihahatid talaga tayo sa destin— destiny ba 'yon, Prend?" "Destination," sagot ko. "Ayun! Tama, ang galing mo talaga, Prend." "Nandito na po tayo."  Halos sabay kaming napatingin ni Reen kay Kuyang driver. "Seriously?" gulat na sabi ni Reen.  Masyado yata kaming nalibang sa pag-uusap dahil hindi namin namalayan na nakarating na kami rito sa mall at in fairness, tama ang english niya. Maganda pala kapag nagugulat ang kaibigan ko.  "Magkano po, Manong?" mahinahon kong tanong sa driver. "Okay na po, Ma'am," mabilis niyang tugon. Muli kaming nagkatinginan ni Reen bago bumaba.  "Tanggapin mo na po kahit ito lang, Kuya," abot ko sa fifty pesos na kinuha ko mula sa 'king wallet.  Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi niya ito pinagkaabalahang kunin. "Kuya, bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko sa kanya. In my peripheral vision, napansin kong napatingin sa akin ang kaibigan ko. "Gusto ko lang po makatulong, Ma'am. Sige po, enjoy po kayo." Pagkasabi n'yon ay agad itong umalis. "Ang labo n'yon ni Kuyang driver, ha!" salita ni Reen habang ako ay nakatingin pa rin sa papalayong tricycle na sinakyan namin. Napatingin ako sa kanya nang bahagya niya 'kong sikuhin.  "Huy! Less go. Tulala ka na naman diyan." Huminga muna ako nang malalim bago siya sinabayang maglakad. Pumasok kami sa mall saka tahimik na naglakad. Dumiretso kami sa lugar kung saan nagkalat ang mga nag-aalok ng iba't ibang klase ng cellphone.  Bahagyang nangunot ang noo ko nang hilahin ako ni Reen papasok sa Apple store. "T-teka lang, Friend. Bakit dito? Seryoso ka ba?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Ano ka ba, Prend! Syempre naman— hindi! Alam mo namang pang apple juice lang ang kaya ng pera ko, eh!" napangiti ako sa sinabi nito.  "Baliw ka talaga," sabi ko. Sinamahan ko siya tumingin hanggang sa makapili ito ng phone na gusto niya at kasya sa budget nito. Pagkatapos ay bumaba kami sa second floor kung saan nagkalat ang mga restaurant at mga fast food, ipinasok ko ang hawak kong phone habang naglalakad dahil maghahanap sana kami ng lugar kung saan pwedeng magmiryenda, nang bigla kong maramdaman na tila may nabunggo ako.  "Ouch!" napaangat ako nang tingin sa batang pinagmulan ng boses na iyon. "Naku, sorry! Hindi ko sinasadya," taranta kong salita lalo nang makita ko na tumapon ang iniinom nitong kulay tsokolate sa damit niya. "Prend!" tawag sa akin ni Reen. Titingin sana ako rito nang biglang maagaw ng isang napakagandang babae ang atensyon ko. "Aksha!" tawag nito habang papalapit sa amin. "Mom!" nalipat ang tingin ko rito nang sumagot ito sa babaeng tumawag sa kanya.  Ibig sabihin ay nanay niya ang magandang babae na iyon. "Oh God, what happened?" alalang-alala nitong tanong sa batang nakabangga ko nang makalapit ito rito. "Prend, anong nangyari sa 'yo? Basang-basa 'yung nabangga mo," bulong sa 'kin ni Reen. Inisang tingin ko ang kaibigan ko, pagkatapos ay aking binalik ang mga mata ko sa mag-inang nasa harapan ko. "Ma'am, pasensya na po kayo, hindi ko po talaga sinasadya. H-hindi ko po siya nakita," kinakabahan kong paliwanag. Segundo ang lumipas bago sumagot ang batang nabangga ko. "I'm okay, Mommy," pagkasabi n'yon ay tumingin at ngumiti ito sa akin, "I'ts okay."  Hindi ko alam, pero tila nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. "Sorry talaga," paghingi ko muli ng paumanhin. Muli itong ngumiti sa akin. "Tara na, Prend," bulong ni Reen kasabay nang paghila nito sa akin. Nilingon ko ang mga ito nang makalagpas sa kanila. Nakita ko kung paano mag-alala ang nanay ng batang nabangga ko, pasalamat na lang ako at mukhang mababait sila kahit na halata sa mga ‘yon ang pagiging maringal, kung nagkataon ay nadagdagan na naman ang mga taong magagalit sa akin. "Alam mo, kinabahan ako ro'n sa nabunggo mo, Prend ah. Legit 'yung takot, lalo na mukhang mayaman pa," sambit ni Reen. "Sa totoo lang ay ako rin. Buong akala ko nga ay susungitan nila ako, pero nagkamali ako. Mabuti na lang ay naintindihan nila ako," sabi ko habang kumakain ng fishball 'di kalayuan sa bahay namin. "At impernes, ha! Magaganda sila! Para silang mga manikang nagsasalita, nakakainis nga lang dahil dito tayo bumagsak sa fishball." Napangiti ako sa sinabi niya. "Masarap naman 'to kaya okay lang," sagot ko sa kanya pagkatapos ay tumingin ako sa tindero. "Kuya, okay na po. Magkano po lahat?" tanong ko. "Okay na po, Ma'am. Libre na lang po, pauwi naman na rin ako,” nagtaka ako sa sinabi nito.  "Po?"  "Okay na po. Huwag na po kayo magbayad," ulit niya sa kanyang sinabi. Hindi na ako sumagot. Nagtataka man ay tipid ko na lang itong nginitian. "Prend, ha! Kanina ka pa. Nakahahalata na ako sa 'yo. Una 'yung tricycle driver, tapos ngayon naman 'yung miryenda natin. Ang tindi mo! How be you?" sunud-sunod niyang sabi. "Hindi ko rin alam, pero— how to be you kasi talaga 'yon, Friend," pabiro kong sabi. Tumawa ito nang malakas. "Alam mo malapit na 'ko ma-bitter diyan sa salitang ingles, ha! Masama bang magtipid? Kinukulangan ko talaga 'yon kasi ayoko naman maubusan ng english, ikaw naman!" sagot nito sa akin na ikinangiti ko. "Saka— huwag mo ibahin ang usapan, ano ka ba? Umamin ka nga sa 'kin may manliligaw ka na ba, Prend?" pagpapatuloy niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano? Wala, 'no! Edi nasampal ako ni Toyang," sagot ko. "Talaga ba? Pero alam mo, grabe ka, ganda mo talaga, eh! Paampon nga, Prend?” ngumiti ito nang magkatinginan kami. “Ang sarap pala kapag lahat libre! Sana sinubukan mo rin kumuha ng bagong phone kanina, eh!”  Muli akong napangiti sa mga naiisip niya. "Ano ba 'yang sinasabi mo?” huminga ako nang malalim saka naglakad, “Tara na nga." "Nako, Prend. Mukhang may— manliligaw ka na talaga! Heyep! Kapag ganyan nang ganyan, lumabas na tayo tuwing rest day natin!” pagkasabi niyon ay tumawa ito. "Sus, baka nga ikaw ang may manliligaw d'yan kaya bumili ka ng bagong phone,” nakangiti kong tugon sa kanya. "Hindi, 'no! Binili ko 'to para makapagbasa nang maayos sa Dreame. ‘Yun kasi ang pinagkakaabalahan ko kapag walang ginagawa. Nagbabasa ako ng mga love story. Doon na lang kasi ako kinikilig!” muli siyang tumawa. “Alam mo sher ko lang, meron kasi akong paboritong writer do'n, eh. Si CCmonogatari? I followingly her nga, eh!" Natatawa ko siyang nilingon. “Anong sinasabi mo diyan . . .” "Seryoso ‘yon, Prend. Grabe, ang ganda no'ng story niyang Certainty! Nasubaybayan ko kaya 'yon hanggang sa matapos. Alam mo, basahin mo 'yon! Try mo lang, just tryingly! Ewan ko na lang talaga kung hindi ka maiyak at ma-in-love." Tumili ito matapos sabihin iyon. "Iba na pala ang trip mo ngayon? Akala ko ay pang Raffy tulfo in action mo 'yan e," tudyo ko sa kanya. "Pwede rin naman! Mamaya ita-try ko rin gumawa ng peysbuk para masubukan na 'to." Ngumiti ako sa kanya.  Masaya ako para sa kaibigan ko dahil simula nang magkakilala kami nito ay ngayon ko lang siya nakitang nakabili ng gamit para sa sarili niya. Ang alam ko kasi ay pinaglumaan pa ng Kuya nito ang dati niyang gamit na phone. Katulad ko ay wala na rin itong ama. Tatlo silang magkakapatid at nag-iisa lang itong babae. Base sa kwento niya ay hindi sila kayang pag-aralin ng nanay nila kaya nagtutulong silang dalawa ng Kuya nito upang mapag-aral ang bunso nilang kapatid. Galit daw kasi ang nanay ni Reen sa kapatid nito na si Tita Ara kaya hindi sila lumalapit doon kahit gusto silang pagtapusin lahat nang pag-aaral. Hindi niya sinabi sa akin kung bakit gano’n ang nanay niya sa kapatid nito, pero alam ko na malalim ang dahilan n'yon. Matapos naming magmiryenda at mag-usap ay naghiwalay na kami ni Reen. Ginabi na rin kasi kami, masyado kaming nalibang dahil hindi namin namalayan ang oras.  Tahimik akong naglakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng aming pinto.  Napahinto ako nang mapansin ko na wala sa sampayan ang mga nilabhan ko.  Sinamsam na kaya ni Toyang?  Huminga ako nang malalim saka pumasok sa loob ng bahay, pero agad din akong natigilan nang maabutan kong hawak at inaayos ni nanay ang mga damit na nilabhan ko. Nang tumingin ito sa gawi ko ay napansin ko ang gulat sa kanyang mukha. Maya-maya ay binitawan nito ang mga 'yon at naglakad papunta sa kanyang kwarto. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong napangiti mula sa kinatatayuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD