GALILEO ORSON’S POINT OF VIEW I don’t know what paradise is meant to look like, not until I found her. “D-dok, ‘yong anak ko po, nahimatay!” natataranta ang nanay at hinahabol ang hininga. May kasama siyang batang babae na nanggigilid na ang luha. Pinasadahan ko ng daliri ang medyo basa kong buhok at agad na tumayo sa desk na kinauupuan. S-hit, ito ang kauna-unahan kong pasyente sa Isla Agunaya. “Noted po. Sabay na lang po tayo sa iisang tricycle,” kalmado kong wika at sinukbit sa balikat ang single-strapped bag. Saka ako nagpaalam sa staff dito sa health center at sumabay na sa ginang at sa isang bata. Unang araw ko pa lang dito sa isla, in fact, mga tatlong oras pa lang yata. I wasn’t designated here by the department as part of the doctor-to-the-barrio program. Ang

