Walang makapagsalita sa amin nang inilabas si Galileo. Kahit si Nanay ay nakikitaan ko ng takot. Batid kong may alam siya sa sitwasyon ngunit mas pinipili na lang niyang manahimik. Si Diana naman ay simpleng naglilinis ng sahig na pinunan kanina ng mga basag na gamit. Hindi makikita sa kaniya na para bang hindi naapektuhan sa nangyari. Kalmado lang ang kaniyang kilos at hindi nagpapanic, hindi tulad ni Nanay na kulang na lang ay pagsakluban na ng langit at ng lupa. Hindi ako makatingin sa kanila nang diretso dahil masyado na akong nahihiya. “Uminom ka muna,” sambit ni Nanay habang tangan ang isang tasa ng tubig at set ng mga gamot na aking iinumin. Saglit akong napatingin sa kisame bago ngumanga upang inumin lahat ng nais niyang ipa-inom sa akin. Habang tuloy sa pagwawalis ng

