Noon ko nang sinabi sa sarili ko kung bakit ako nagmamahal. Sa dinami-dami ng pinagdaanan ko sa kaniya, minsan na akong nawalan ng dahilan upang itigil ito. With him, life was unpredicted. It might be hard but my death was the only predictable. Wala sa isip kong mangyayari iyon. Na darating ang puntong kakapit ako kay Trivo dahil sa nalaman ko kay Galileo. I should blame myself for letting this happen nggunit hindi ko mapigilang sisihin din ang asawa ko. Bakit niya nagawang maglihim sa akin? Bakit hindi niya sinabi ang tungkol sa kanila Somiera? Sinabi na noon sa akin ng Mommy niya kung ano ang binabalak nilang mangyari sa oras na mawala ako kaya hindi naman ako magugulat kung susunod siya roon. Siyempre Mommy niya iyon. Ano bang magagawa ng isang tulad kong kaunti na lang ay hindi

