Chapter 6: Training

1121 Words
Ninji's Pov: Nagising ako sa mga katok ng sanga. Sanga? Napabalikwas naman ako ng bangon. Hangang sa maalala ko na nasa tree house pala ako. Nag ayos ako ng sarili at sinuot ang aking pang ninjang outfit. Binuksan ko naman ang pinto at bumungad sa akin si OLD Sirdar. "Magandang umaga binibini, kumain ka muna, at hihintayin kita ipupunta ka namin kung saan ka pwedeng mag ensayo." bungad sa akin ni Old Sirdar. "Magandang umaga din po Old Sirdar. Ano na po bang oras?" kasi naman ang dilim dilim pa eh. "Malapit ng sumikat ang araw binibini, mag'aala singko na ng umaga binibini, ngunit dahil madilim dito dahil hindi nakakapasok ang sinag ng araw aakalain mong sobrang dilim pa." "Sige po, kakain lang po ako madali lang po ako." at pumasok na sa loob ready na din ang dadalhin ko para sa training ko mamaya. Mabilis naman ako natapos kumain, kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na. "Old Sirdar ready na po ako." "Umapak ka sa sanga ko binibini. Nakausap ko na ang mga kasamahan ko ipapasa ka nila sa bawat puno hangang sa makarating sa dapat mong pag pag ensayuhan." Tumango na lang ako at sumampa sa sanga niya, nag palipat lipat ako sa puno at nag pasalamat sa kanila. "Salamat po sa pag hatid sa akin." "Walang anuman binibini." Naglakad ako sa open field maaliwalas, madaming bulaklak may ilog at sariwa ang hangin. Ibinaba ko ang gamit ko sa isang malaking bato, nag isip ako pano ako mag tratrain. "Binibini." agad naman ako napalingon sa isang punong nagsalita. "Ako si Mr. Trunk" "Hello Mr. Trunk ako si Ninji Galle." pagpapakilala ko. "Kinagagalak kitang makilala binibining Ninji, ako muna ang mag tuturo sayo." Ngumiti naman ako kahit hindi niya nakikita at nag bigay galang. "Pumunta ka sa gitna Ninji, umupo ka doon at ipikit mo ang mga mata mo at ikalma ang iyong sarili." Pumunta ako sa ginta at ginagawa ang mga sinasabi ni Mr. Trunk. Huni ng ibon, lagaslas ng tubig, mahihinang hampas ng hangin, hangang sa wala na akung naririnig. Bigla na lang akung nakaramdam ng may papalapit sa aking likuran kaya naman umiwas ako pakanan, pero wrong move may papalapit din sa kanan, nagpagulong gulong ako, bumangon ako at may naramdaman na naman akong papalapit at sa harapan ko naman ito ngayon , umiwas ako pakanan pero nahagip pa din ang pisngi ko. Naramdaman ko ang saganang dugo na umaagos sa aking pisngi minulat ko ang mga mata ko. "Magaling binibining Ninji, napaka liksi mo, mabilis at matalas ang iyong pakiramdam, pero hindi pa tapos binibini." Nagulat na lang ako ng hahampasin niya na ako ng kanyang sanga tumalon ako para umiwas pero may sanga na naman na paparating, iwas lang ako ng iwas hangang sa nakaramdam na ako ng pagod. Ilang minuto na din akung umiiwas, bigla na lang umilaw ang mga kamay ko at namalayan ko na lang hinampas ko ang sangang papalapit sa akin. As in malaking sanga. Nagulat si Mr. Trunk maging ako'y nagulat din. At ako naman ay nakaramdam ng pang hihina, and everything went black. .......................... Nagising ako na may basang dumadampi sa akin, napamulat ako ng aking mga mata. Nagulat naman ako isang reindeer. Lumayo naman siya sa akin at nag tatakbo. Natangal pala ang nakabalot sa aking mukha. "Gising kana binibini, pasensya kana kung napagod kita." inayos ko muna ang sarili ko bago hunarap at sagutin si Mr. Trunk. "Ano pong nangyari Mr. Trunk?"tanong ko. "Hindi mo ba naaalala binibini, hinampas mo ang sanga ko, ngunit bigla kana lang nawalan ng malay."Kwento nito. "Patawarin niyo po ako at nasaktan ko ang sanga niyo." Nahihiya kung turan. "Maayos lang naman ako, hindi ka dapat humingi nang paumanhin ako dapat ang humingi ng tawad sayo, masyado kitang binigla, pero napahanga mo ako binibini." "Talaga po?" Nagagalak kung tanong. "Oo, pero kailangan mo pa din mag ensayong mabuti. Kumain kana muna at mamaya ipagpatuloy natin ang training mo. Kusa din gumaling ang mga sugat mo kaya malaking kalamangan yan sa kalaban, pero wag mo masyadong sagadin ang katawan mo. Sapat na ang tatlong oras na tulog mo." Tatlong oras na pala akung nakatulog, nasayang ang tatlong oras pag'bubutihin ko na lang ang ensayo ko. Kumain muna ako, may lumapit naman na rabbit sa akin, ayy ang cute naman biglang may paro paro naman, may kangaroo, pati ung reindeer kanina nandito at nadagdagan pa sila. Mukhang nagugutom sila kaya naman binigyan ko din sila ng makakain at maiinum. Pero mas nagulat ako, tatakbo na sana ako pero ipinahid niya ang ulo niya sa mukha ko, mukhang mabait naman ang Osong ito. Pagkatapos ko pakainin ang mga hayop at pati na din ako ay bumalik ako sa field at nag ensayo kasama ang mga sanga ni Mr. trunk. Hangang sa natapos ang araw na ito na puro ako galos. Iniuwi ako ng mga kaibigang puno sa tree house at nagpahinga na. ................................ Lumipas ang mga oras , araw na nasa gubat lang ako at nag eensayo. Hangang sa umabot na ng katapusan ng September. Worth it ang ilang lingo kung pag eensayo, ang ilang galos, sugat kung natamo, dahil ngayon masasabi kung naging malakas naman ang physical kung anyo. Ito na ang huling araw na mag eensayo kami ni Trunk. Ng mahagip ko ang isang Oso na nag hihingalo, nilapitan ko ito. Si Mr. Oso. "Mr. Oso what happen to you?"alalang tanong ko. "M-may mga Murk lang na napag diskitahan ako. Mga nangunguha ng mga mabubuting tulad mo, mabuti't nailigaw ko sila." nahihirapang sabi niya. Nakakausap ko nga sila, hindi ko alam kung bakit pero naiintindihan ko sila. "Hindi ka dapat nila sinaktan."ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang may sugat at unti unting naman itong naghilom. "Maayos na ba ang pakiramdam mo Mr. Oso?"tumango naman ito. "Maraming salamat, binibining Ninji, maaari ba kitang tawaging prinsesa Ninji?"ngumiti ako sa kanya.. "Gusto ko man Mr. Oso pero hindi naman ako mukhang prinsesa." "Natatago man ang iyong mukha, nababalot ka man ng itim na tela, ngunit ang puso mo ay napakabuti, sapat na para tawagin kitang prinsesa." Napangiti naman ako sa loob ko. "Maraming salamat Mr. Oso babalik na ako sa pag eensayo magpahinga ka lang diyan." Nginitian ko siya kahit hindi niya nakikita at umalis na sa kanyang harapan. Sa ilang lingo ko dito, hindi pa nila nakikita ang itsura ko, mukha na kasi talaga akung Ninja. "Ready kana ba Binibining Ninji? Hindi lang ang mga sanga ko ang makakalaban mo, pati na din ang iba pa."Mr. Trunk. tumango naman ako at nag labasan ang mga sanga Para sa digmaan na magaganap ay sumugod ako sa mga sangang walang pag'aalinlangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD