Angie's Pov.
Pumasok na ako sa bahay at isinara ang pinto.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nag kulong.
Umiiyak dahil walang kasama.
Pero naisip ko na dapat hindi ko gugulin ang isip ko sa kahit na anong malulungkot na bagay.
Natulog muna ako. Pag gising ko 2pm na ng hapon, napahaba ang tulog ko.
Lumabas ako ng kwarto ko. Good thing na ang daming stock na pag kain dito sa bahay.
Napangiti na lang ako, wala si Mom at Dad, pero hindi pa din nila ako pinabayaan dahil ang dami nilang pinamili sa akin. Siguro ay kaninang umaga ito nung tulog pa ako namalengke na si mommy.
Ang bait talaga ni Mom, kaya love ko yun eh pati syempre si Dad.
Namimiss ko na si bessy at Bry,
sayang at walang signal dito.
Napag pasyahan kung kumain na lang ng natirang ulam kaninang umaga, bacon ham and egg, pwede na.
Natapos akung kumain at nag ligpit ng aking pinag kainan.
Napaupo ako sa sofa, anong gagawin ko? Bored na bored na ako eh.
Napag pasyahan kung lumabas at mag libot libot. Nag bihis ako ng pang ninja outfit.
Naglagay pa ako ng takip sa aking mata. Siguradong pag may nakakita sa akin pagkakamalan akung masama. hayy ewan ko pero nakasanayan ko na ang ganitong suot.
Lumabas ako sa bahay at siniguradong nakalock talaga ang pinto. Mahirap ng mapasukan ng magnanakaw.
Malayo layo na ang aking nalakad, hangang sa napadpad ako sa madilim na gubat. Asan naman kaya ako?
Babalik na sana ako sa dati kung dinaanan ng biglang gumalaw ang mga puno.
Kumabog naman ng husto ang dibdib ko, omy gosh anong gagawin ko? bakit ba kasi ako lumabas sa bahay.
Hinarang ng mga tangkay ng puno ang daraanan ko.. Hala..
Napalunok ang ng maraminng beses.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?"
Inilibot ko ang aking paningin, walang kahit na sino akung makita kundi mga puno lamang.
"Sino ka din? Nasaan ka? Palabasin mo ako sa gubat na ito!" sigaw ko, kaya naman nag labasan ang mga itim na ibon. Ang creepy naman dito mas lalo yatang tumindig ang mga balahibo ko.
"Naiintindihan mo ako binibini?"
takang tanong ng nagsalita.
"Malamang eh sa nasasagot kita eh." in my sarcastic tone.
"Pero paano mo ako naiintindihan?" takang tanong padin nung nag sasalita.
Inilibot ko ang paningin ko at napasigaw ako ng napaharap ako sa isang napakalaking puno na bigla na lang lumapit sa mukha ko.
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"napaatras naman ako agad.
"Maaari mo na ba akung sagutin binibini kung bakit mo ako naiintindihan?" tanong ulit nung puno.
"H-hiindi ko po alam."natatakot kung sagot, lumayo naman siya sa akin.
"Hindi ka dapat nag punta dito binibini, delakado para sa isang tulad mo."
"Paumanhin po kung napunta po ako dito. N-naglilibot po kasi ako at dito ako napadpad sa madilim na gubat na ito." hinging paumanhin ko at nag bow pa, medyo kumalma naman ako..
"Kahit na binibini, delekado pa din dito. Maraming masasamang elemento ang nga nandito. Mabuti na lang at dito ka napadpad sa mga punong nag proprotekta ng kagubatang ito. Saan ka ba nangaling?"
"A-ano po kasi nasa may bahay po ako dito mga labinlimang minuto papunta doon. Naglilibot po ako kasi wala po akong magawa sa bahay. Nag-iisa lang po ako at ngayon lang po ako nakaapak dito sa Evry." Paliwanag ko.
"Anong pangalan mo binibini? Nagtataka ako bakit ka nakatira sa dating bahay ng mga Galle. Kung hindi mo naitatanong ay sila lamang kasi ang may tahanan sa gitna ng kagubatang ito."
Nagulat naman ako ng bahagya. Kilala niya ang mga magulang ko?
"Ako po si Ninji Galle. Kilala niyo po ang mga magulang ko?"
"Magulang mo ba sila Miranda At Luis Galle?" tumango ako.
"Opo. Umalis lang po sila kanina lang po para bumalik sa mundo ng mga tao, kaya naiwan po akung mag isa." Nalungkot naman ako sa isiping yun.
"Nag'kaanak pala sila MIRANDA at LUIS, akala ko'y wala silang anak. Ako nga pala si Old Sirdar." mukhang hindi na siya nagagalit sa pag apak ko sa kanilang lugar.
"Ano palang kapangyarihan mo binibini?" tanong nito.
"Healer po ako Old Sirdar." hindi ko siguradong sagot.
"Hmm ganun ba? Parehas kayo ni Miranda. Maaari kang magpunta dito oh dito magpalipas ano mang oras ang gustuhin mo binibining Ninji." nag aalangan naman ako, ang sabi kasi nila Mom and Dad wag daw ako magtiwala.
"Wag kang mag-alala binibining Ninji, mapagkakatiwalaan mo ako. Matalik kung kaibigan ang iyong mga magulang kaya malapit din ang tirahan nila dito, tingin ko kaya ka dinala ng mga magulang mo sa dati nilang bahay tuluyan dahil alam nilang matatagpuan mo ako."Inilahad niya pababa ang kanyang mga sanga.
"Kumapit ka sa aking mga sanga binibini wag kang matakot may ipapakita ako sayo na tiyak na magugustuhan mo.."
Hindi naman masama siguro mag tiwala at nararamdaman ko namang mabuti siyang ammm Puno? Napangiwi ako sa sarili kung naisip.
Kumapit ako sa kanyang mga sanga at inilapag sa harap ng isang pinto? Ngaun ko lang napansin na may tree house pala dito.
"Diyan nagpapalipas ang iyong mga magulang tuwing sila ay nag eensayo dito sa kagubatan, mamaya ay ituturo ko sayo kung saan nag eensayo ang iyong magulang."
Binuksan ko ang pinto at napanganga na lang ako sa nakita ko. Akala mo'y maliit lang sa labas ngunit pag pasok mo ay napakaluwag pala nito.
May tatlong kwarto na pahingaan, may sala at kusina. Yari ito sa kahoy. Siguradong napakasarap mag pahinga dito.
May mga ilan pang gamit na nandito, binuksan ko ang kabinet at punong puno ito ng pag'kain. Hindi pa kaya ito expired?
"Sigurado po ba kayo ginoong Old Sirdar na sa mga magulang ko ito?"
"Oo naman binibini, minsan pa nga ay nakasama nila ang mahal na reyna." Reyna? Hmmm may Reyna din pala sa mundong ito.
"Tinulungan lang ng iyong mga magulang ang Reyna noon dahil marami itong natamong sugat noong digmaan. Dito dinala ng mga magulang mo ang Reyna. Dito siya gumaling at nagpalakas ng katawan bago bumalik sa kanilang kaharian, kasama din ang iyong mga magulang noong panahon ng digmaan." bahagya naman akung nagulat.
Digmaan? Bakit may digmaang naganap?
"Hindi pa naikwento sayo ng mga magulang mo?"umiling naman ako.
"Gusto mo bang malaman binibini?" tumango naman ako at handa ng makinig. Para na din alam ko kung ano ang pinasukan kung mundo.
"Mag lalabing pitong taon na ang nakakaraan ng ma' karoon ng digmaan, ng dahil ito sa isang propesiya na ang reyna ay mag sisilang ng isang sangol na babae na siyang tatapos sa lahat ng kasamaan dito sa Evry. Ng mga panahon ng digmaan na iyon ay nag dadalang tao ang mahal na reyna si QUEEN Aniquin Venus sa pangalawa nilang anak na babae, ang asawa nito ay si King Cleo Evry ."
"May panganay silang anak na lalaki na isang taon lang si PRINCE ANGELO EVRY , noong panahon naman na isinilang ang prinsisipe ay wala namang naganap na digmaan, pero sa pangalawang anak niya ay nagkaroon ng Propesiya."
"Habang nanganganak ang mahal na reyna pinasok sila ng mga MURK mga dark side. Nailuwal ng maayos ng Reyna ang kanyang prinsesa ngunit ng akmang tatakas na sila ng kanilang babaeng anak ay nakuha nila ang bata. Hinabol ng Reyna at ng Hari ang kumuha sa bata nakipaglaban ang reyna kahit na maubos na ang kanyang lakas dahil sa panganganak."
"Napatay nila ang kumuha sa bata ngunit hindi na nila natagpuan ang batang prinsesa. Nakipaglaban din ang mga magulang mo noon, nakita nila ang Reyna na walang malay kaya dinala nila dito at ginamot habang may nagaganap pang digmaan sa labas."
"Hangang sa humupa ang digmaan at nakauwi na ang mahal na Reyna. Pinahanap nila ang prinsesa ngunit nawalan na sila ng pag asa dahil dalawang taon ang lumipas , hindi pa din nila nahahanap an prinsesa kaya sumuko na sila."
Mahabang kwento ni ginoong Old Sirdar. Ngunit hindi ko pa din maintindihan kung bakit may digmaang nagaganap, hindi ba puwedeng idaan sa peace talk? Oo nga pala may mga mahika ang mga nakatira dito.
Nakaramdam ako ng lungkot para sa Reyna at Hari. Nakaramdam din ako ng awa sa batang dinakip ng mga Murk. Galit para sa mga masasama.
"Kailangan ng Evry ang mga may kapangyarihang tulad mo para makatulong sa digmaan. Kaya sinasanay nila ang kanilang studyanteng 'a control at mapalakas ang kanilang mga kakayahan pisical man."
"Ibig niyo po bang sabihin isasabak po kami sa digmaan?" pero walang sinabi sila mom and dad.
"Maaari, kaya sa tingin ko'y mas napaaga ang punta mo dito para makapag ensayo kana at hindi mangapa sa academy, sa Evry. Yun ang nakikita kung isa sa mga dahilan ng iyong mga magulang."
"Pero Old Sirdar, hindi po ba't wala na ang prinsesa? Bakit may digmaan pa ding magaganap?"
"Binibini nakasulat na sa propesiya ang magaganap mawala man ang prinsesa ay matutuloy ang digmaan. Ginawa yun ng mga Murk para masiguradong mannaalo sila ,dahil ang prinsesa lang ang nakatakdang tumalo sa kanila ,kaya naman pinaslang nila ito habang bata pa."
"Kung ganun, kailangan kung tumulong sa digmaan ganun ba? Kaya ako kinuha ng academy?" I am just a healer. Wala akung laban sa kanila.
"Nasa iyo yan binibini kung gusto mo tumulong oh hindi. Pero binibini oras na manalo ang mga Murk mawawala na ng tuluyan ang Evry ang lugar kung saan pwede mong ilabas kung sino ka talaga, ang lugar kung saan payapa at masaya ang lahat, mababalot ng kadiliman, hindi lang Evry ang lalamunin ng dilim pati na din ang iyong pinangalingan, ang mundo ng mga tao. Magpasya ka binibini, lalaban ng may dangal oh hahayaan na lang sakupin ng mga masasama ang mundong iyong kinabibilangan?"
Natatakot ako sa mangyayari sa digmaang magaganap. Pero hindi dapat ako magpalamon sa takot, tama mas gusto ko pang ibuwis ang aking buhay para sa mga tao kesa maging duwag.
Tumayo ako at lumabas sa tree house.
"Saan ka pupunta binibini?" takang tanong ni Old Sirdar
"Kukunin ko lang po mga gamit ko ginoong Old Sirdar, ituro niyo na lang po sa akin bukas kung saan ako puwedeng mag'ensayo."
"Matapang ka binibini. Sige mag iingat ka hihintayin kita."
Ngumiti ako at nag bow, at bumalik sa bahay.
Kinuha ko ang mga importante kung gamit at mga ibang makakain.
Lumabas na ako ng bahay at pupunta na ako kay Old Sirdar.
Nakarating naman agad ako sa tree house. Ang sabi ni Old Sirdar magpahinga muna ako at bukas na lang ako mag ensayo.
Kinakabahan ako pero na e'excite na din. Sana makaya ko.