kabanata 81

2378 Words

Hindi ako nagsasalita habang naglalakad kami papuntang bahay ko, miski si Jupiter ay gano'n. Sanay ako sa tahimik at mas gusto ko iyon pero hindi ko alam kung bakit nababagabag ako na walang kibo si Jupiter. Nasanay na talaga akong nag uusap kami habang naglalakad. Pero mukhang wala talaga siyang gana na makipag usap kahit kanino, badtrip lang talaga siya. "Jupiter, wag mo na akong ihatid papunta sa trabaho.." Sabi ko habang tinatali ang panyo ko sa nagdudugo niyang kamao. Nakuha ko ang atensyon niya kaya napalingon siya at tumango. "May pupuntahan din ako, hanggang sa bahay mo lang kita maihahatid." Tumango ako kahit medyo nadismaya ako. Binaling ko ang tingin sa daan, ano na bang nangyayari sa'kin? Dati naman ay ayokong ayoko na nagpapahatid sa kanya tapos ngayon ay nadidismaya pa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD