Naalimpungatan si Maria matapos niya marinig ng pagpihit ng seradura, alam niya ang hudyat kung saan napag-usapan nila ng kaniyang Dama. Determindao ang dalaga sa kaniyang binabalak na pagsalisi sa mga kawal upang mapuntahan ang mga magulang na tiyak niyang pinapahirapan ng mga kawal ng Galgotha.
“P-prinsesa Maria...” mahinang tawag ng Dama na sadyang naulinagan ng babae. Isang mapanganib na hakbang ang ginawa ng bagong dama sapagkat nakasalalay roon ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.
“I-ikaw na ba ‘yan aking dama?”
“O-Opo, Prinsesa Maria.”
Bumalikwas ang prinsesa ngunit hindi nakasuot ng mahabang damit tulad ng karaniwang suot ni Maria. Nagulat ang dama ngunit isinawalang bahala na lamang nito, madali silang pumuslit palabas ng palasyo habang nangunguna ang kaniyang dama. Naraanan nila ang ilang kawal na nagpapahinga saka humudyat ang babae na kailangan ay malagpasan nila ng tahimik ang mga naghihilik na kawal. Dahan-dahan ang kanilang ginawang paghakbang hanggang sa matagumpay na nakalagpas ang dalawa ngunit nahinto nang marinig ang bula-bulaang salita na nanggaling sa isang kawal.
“Saan kayo?”
Hindi mapigilang bumakas ang pag-aalala sa mukha ng dama ngunit nanginginig na sinagot ang kawal nang hindi tumitingin sa gawi nito.
“Tututngo kami sa kumedor---”
“Saan kayo tatagay nang alak ng sinas! Mga hukbo, tara tayo ay uminom at magpakasaya--” anang kawal habang nakataas ang kamay tila nananaginip ng gising kaya halos lumuwang ang dibdib dahil nananaginip lamang pala ito.
Malalim na bumuntong-hininga ang dalawa saka magkahawak ang kamay na tumungo sa isang palikong daan sa palasyo. Mula pagkabata ay halos malibot na ni Maria ang buong tahanan nila sa Burgandia kung kaya alam na alam niya ang pasikut-sikot sa bawat eskinita nito.
“P-prinsesa Maria, nakasisiguro po ba talaga kayo sa ating dinaraanan...”
“Huwag kang mag-alala aking dama, kabisado ko ang lahat ng mga daanan rito.”
Mabilis sumang-ayon ang babae at sinundan lamang ang kaniyang prinsesang inaalagaan, tumapat sila sa isang platera na may kakaibang puwesto kumpara sa ilang mga kasangkapan na naroroon.
“A-anong mayroon dito, Prinsesa Maria?”
“Ito ang magiging daan upang makatungo tayo sa bilangguan na pinaglalagakan ng aking ama’t ina.”
“Paano mo natuklasan ang ganitong mga sekretong lagusan?”
“Ang aking kaibigang diwata na si Pinkie an aking kasa-kasama mula pagkabata, siya ang aking direksiyon sa mga kakaibang daanan rito sa Burgandia.”
Akmang hahawakan na ni Maria ang batong magkahugpong ngunit nakarinig sila ng mahinang kaluskos na animo patungo sa kanilang kinaroroonan. Hindi mapigilan ng Dama’ng mataranta lalo’t baka mahuli sila, ngunit si Maria mismo ang nagpakalma sa dalaga saka sila malinis na nagtago sa ilalim ng mesa.
“H’wag lamang tayong makagawa ng kakaibang ingay saapgkat hindi natin sigurado ang mga paparating na Emeritian.” mariing paalala ng prinsesa, bahagyang tumango lamang ang dama. Maya-maya’y naramdaman nila ang yabag ng isang pares ng mga paa ngunit base sa medyo kakaibang amoy ay tila nahulaan na kaagad ni Maria kung sino ang pangahas na nasa kumedor ng ..mga oras na iyon.
“Si Kudyamat...”
“Sino pong Kudyamat?”
“Ang engkantong alaga ng masamang hari ng Galgotha, siya ay nagpapanggap na Emeritian gamit ang salamangkang gawa ng isang manggagaway sa Doryang Timog.”
“Bakit kaya narito ang emalignong ‘yan sa ganitong dis-minuto ng gabi?”
Kumibit-balikat na lamang ang kaniyang dama saka matamang pinanood ang bawat kilos ng emaligno. Kitang-kita nila ang masusing pangangalkal nito ng mga masasarap na pagkain sa Burgandia. Mukhang nawiwili ang isang emaligno sa kaniyang pagiging Emeritian dahil ang mga pagkain ay gusto niyang lamtakan.
Doon nakaisip ng paraan si Maria upang mapaalis ang naturang emaligno. Inutusan niya ang dama na magkunwaring tumutungo lamang sa kumedor upang sipatin kung mayroon pang maaaring ligpitin.
Kaagad naging alisto ang bagong dama saka tumikhim ng panandalian na nakuha ang atensiyon ni Kudyamat kaya gano’n na lamang ang naging gulat nito. Hindi niya akalain na mayroon paring gising sa ganito kalalim na gabi.
“Mukhang nalipasan yata ng gutom ang dama ng aming bagong hari...” pasimpleng saad ng babae.
“ H-hindi ako nakakain kaninang piging na inihanda ni Haring Leon. Nais kong maging maluwat ang aking gabihan dama ng prinsesa, kaya kung maaari’y bigyan ako nang oras na makapag-isa...”
“Nakapanghihinayang naman ang iyong mga sinasabi sapagkat mayroon akong alam na bahagi ng palasyo kung saan mas magiging maayos ang iyong makukuhang pagkain.”
“T-talaga?”
Tumalikod ang dama at halatang nagpapahabol lamang sa emaligno.
“Ngunit kung ayaw mong malaman ay ayos lamang sa’kin. Ako’y nagbibigay lamang ng mungkahi sa’yong magandang karanasan sa pagkain ng mga masasarap na putaheng gawa ng Emeritian.”
Muling tumalikod ang babae at humakbang patungo sa entrada upang halinahin lamang ang emaligno, nang sa gayon ay tuluyang umalis sa kumedor.
“Sandali! M-maaari mo bang ituro ang lugar na iyong tinutukoy?”
Mabilis na humarap ang dama kung kaya napangiti si Maria sa naririnig niyang takbo ng usapan ng dalawa, tila kumakagat sa pain ang hangal na alalay ni Haring Leon.
“Iyon lamang ba? Ngunit sa isang kondisyon?”
“A-anong kondisyon?”
Sandaling nag-isip ang babae bago muling humarap sa nagpapanggap na dama ni Haring Leon.
“Kinakailangan mong bilangin ang iyong mga hakbang sapagkat hindi magiging masaya ang iyong paglalakbay kung sakaling magmamadali ka lamang, hindi ba? Medyo maraming eskinita sa loob nitong Burgandia, maaaring maligaw ka kung hindi mo bibilangin ang iyong mga hakbang.”
“G-Gano’n ba?”
Panandaliang nag-isip ang emaligno, tumagal din nang ilang-mili segundo ang kaniyang pagpapasya hanggang sa huli’y nakumbinse niya ang naturang dama ni haring leon. Hiindi maipaliwanag ni Maria ang gumuhit na ngisi sa kaniyang mga labi dahil sa pagiging magaling nito.
Walang kara-karakang umalis ang emaligno matapos niyang ituro ang daan patungo sa sinasabi niyang lugar ng mga pagkaing masasarap. Hindi magkamayaw ang kasabikan sa kakaibang mata nito.
Nang makasiguro ang dalawang babae na wala na ni isang bakas na naroroon pa ang emaligno ay mabilis ang kanilang naging pagkilos na humarap sa mismong harap ng platera. Mabilis na pinaikot ni Maria ng tatlong beses ang magkahugpong na bato at doon ay nagkaroon ng dahan-dahan na paggalaw ang nangyari, nagkaroon ng kaunting siwang sa gilid na halos wala kang matatanaw na kung ano bukod sa kadiliman.
“Ligtas po ba tayo rito?”
“H’wag kang mag-alala, kabisado ko ang daan dito dahil halos dito kami naglaro ng tagu-taguan ng aking muting kaibigan.”
Tumango ang babae saka tinumbok ang daan patungo sa batuhan, ilang mili-segundo ang nakalipas nang aming paglalakad ng makita ang kubol kung saan makikita ang mga bandidong Emeritian, ngunit isang malaking kapayapaan sa kanilang puso nang makitang tulog ang lahat ng mga ito. Inisa-isa nilang dalawa ang kubol hanggang sa mamataan nila ang panghuling kubol, awtomatikong bumuhos ang luha sa mata ng makita ang kalunus-lunos na kalagayan ng kaniyang mga magulang.
Naghanap kaagad ng paraan kung paano pakakawalan ang kaniyang ama’t ina dahilan upang kumapa si Maria sa gilid ng kubol, ngunit bigla siyang natigilan dahil mayroong paparating na kawal.
“Prinsesa Maria, kailangan muna nating magtago. Baka mahuli tayo nang mga kawal ng Galgotha,”
“Kailangan nating pakawalan ang aking ama’t ina! Nakikiusap ako, aking dama.”
“Maari nating gawin iyan, mahal na prinsesa kailangan natin munang magtago nang panandalian.”
“P-pero...”