Ngayong araw ang dating ng kaibigan niyang si Yvonne kaya maaga siyang nagising at agad na pumasok ng banyo. Ngunit nang i-switch na niya ang heater ng banyo ay nadismaya siya. "Ano ba yan?! Mukhang 'di yata gumagana ah," asar niyang sabi, at napailing. "Kainis!" Malamig pa naman ang panahon kaya natitiyak niyang may kalamigan ang tubig na lalabas sa shower. At hindi nga siya nagkamali dahil nang itinapat niya ang kanyang saliri sa ilalim nito ay ramdam na ramdam niya ang lamig na sumasabay sa tubig na pumapatak mula sa shower. Gusto niya mang sumigaw sa tuwing dumadapo ang malamig na tubig sa kanyang balat ay 'di niya ginawa. She's not a child anymore. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang lumabas ng banyo at dinampot ang isa pang tuwalya nasa may kanyang kama. Dagling pinulupo

