bc

Groom-to-be

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
confident
heir/heiress
drama
bxg
city
office/work place
others
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Leilani Galvez, the unica hija of the CEO of the Galvez Winery Co. Leilani was born with a silver spoon in her mouth, a spoiled brat indeed. She gets what she wants. Nevertheless, his dad wants her to learn something.

Chase Sandoval, the youngest child, the heir of the Grand Sandoval Hotel. He's currently living in the states and planning to go back to his hometown. He is the long-time crush of Leilani when they were still young. Unexpectedly, something happened so he needs to marry Leilani Galvez to be able to save their business.

Leilani really loves Chase Sandoval. But, what if Chase says he doesn't really love Leilani at ginamit niya lang ito? Gagawin ba ni Leilani ang lahat para mahalin din siya nito? O isusuko na lang ng dalaga ang pagmamahal niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. CHAPTER 01  "Dad." Nakita ko ang ama kong nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa kaniyang laptop. Mukhang marami na naman siyang ginagawa ngayon. As always. "Leilani," aniya.  "Are you going to attend my graduation or hindi?" Umupo naman ako sa couch saka siya tinignan. "Mom, said yes. Eh, ikaw? Baka naman hindi ka na naman umattend just like before?" bulong ko't napabuntong hininga na lamang.  Noong graduation ko nang highschool pa ako e hindi siya naka-attend gawa ng isang business trip niya sa Canada.  "I'm going," sabi ng aking ama.  Nanlaki naman ang mata ko saka napatalon sa tuwa.  "Really? Hindi ba 'to joke time, Dad?"  "No, mukha ba akong clown?"  "Ah, no but I'm just happy!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Alam mo gaano ako kalungkot noon but this time you made me happy dad!" ngiting sabi ko.  "For you, my princess. I'll finish this first and let's talk with your mom later okay?" aniya.   "Sure!" Ngumiti akong muli sa kaniya bago ko lisanin ang office room niya. We're in the middle of our conversation nila dad para sa graduation plans ko nang tawagan ako nitong bestfriend kong Niana.  "Excuse me," sabi ko sa kanila saka lumayo para sagutin iyon. "Wala ka sa hulog tumawag," sabi ko kay Niana. "Ah, sorry naman Lei. So, are we going to Boracay next week before the graduation or after na lang huh?"  "I would like to kaso naman you know my parents are so hilig sa pamahiin. Huwag daw tayong umalis dahil baka madisgrasya tayo after graduation na lang daw!"  "Hahahaha, iyon nga rin ang sasabihin ko sana. My father also told me that!" aniya.  "Ang creepy. Anyway, nagpa-appoint na kami kay Laciarga. Do you have appointments na ba?" tanong ko sa kaniya.  "Yeah, what's the time of your schedule with Laciarga?" "Ah, this Saturday," ani ko.  "Oh, mauuna lang kami sa photoshoot. Morning ang sched namin sayang!"  "Okay, bye!" Binaba ko naman na ang tawag saka binuksan ang aking social medias.  Pumunta naman ako sa timeline ng aking long time crush. Kumusta na kaya siya? It's been a long time simula nang huli ko 'tong makita mga bata pa kami noon. Nanlaki naman ang mata ko nang makita na hindi pa rin niya inaccept ang friend request ko sa kaniya. "Bakit hindi mo pa rin kino-confirm? 3rd year high school pa lang ako in-add na kita!" inis kong sabi habang ini scroll down ang timeline niya.  Nakaprivate pa itong lokong ito. Puro profile picture lang niya ang nakikita ko ngayon sabagay ayos na rin napakagandang tanawin din naman kasi. Mas gumwapo si Chase ngayon, makapal ang kilay, mahabang pilikmata na animo'y nagpa-kera lift siya, ilong niyang matangos, kissable lips at 'yong jaw niya nagsusumigaw. Hindi rin naman siya gaanong kaputi. He's fair enough para sa'kin.  When ka kaya uuwi?  "I'm really proud of my baby," ani ni Mommy. Kakatapos lang ng aming graduation ceremony at nangangalay na ang pisngi ko kakangiti sa pictures. "Thank you mom!" Niyakap ko naman siya at inabutan naman ako ng bouquet of flowers ni Daddy.  "So, are you excited to work in our company?"  "Hmmm, of course, Dad. I'll do my best para makatulong ako sa'yo!" masayang sabi ko. "Okay, let's go baka mahuli pa tayo sa ating reservation sa restaurant," aniya. Dad ordered a lot of food. Halos lahat ng favorite kong food nandito. Mas lalo akong natuwa nang makita ko si Lolo na naglalakad papalapit sa amin kasama ang kaniyang bodyguard. "Lolo dad! Kailan ka pa narito?" Umupo ito at ganoon na rin ako. Halos dalawang taon ko rin siyang hindi nakita dahil nasa Canada ito at doon na tumira. My grandmother passed away 5 years ago kaya hindi na siya umalis doon dahil lagi raw niyang dinadalaw ang lola sa puntod nito.  "Secret.” Tumawa ito saka tinignan si Dad. "Nasurprise ka ba hija?" aniya. "Yes, lolo! Kamusta ka na?"  "Still alive and kicking! By the way, congratulations apo!" he said. "Thank you, Lolo Dad. Promise, gagalingan ko at aaralin ko ang pasikot-sikot ng kumpanya."  Napangiti naman si Lolo. Nag-usap naman sina nila daddy kaya hindi ko na inistorbo pa. Kumain na lang ako at paminsan minsan sumasagot kapag tinatanong ako ni Lolo. Natapos na kaming mag-dinner at nag-uusap na lang din sila.  "Lolo dad," ani ko.  "Hmm?” "Hanggang kailan ka mags-stay dito sa Manila?" "3 months lang hija," aniya. "Ganoon po ba? Take care of yourself always," malungkot kong saad. "Ito naman nalungkot na agad akala mo'y aalis na ako," aniya. "Naku, alam mo naman 'yan dad namiss ka talaga," sabi ni Daddy. "I have a surprise for you," masayang sabi ni Lolo.  "What is it Lolo Dad?" Niyaya niya naman ako palabas. Bago pa man makalabas sa restaurant ay nilagyan ako ng piring ng bodyguard ni Lolo. "This is so exciting," bulong ko.  "Are you ready?" aniya. Tumango naman ako. Ramdam ko ang pag-alis ng piring ko at malabo pa ang paningin ko pero nang luminaw na ito ay nagulat ako sa isang kotse na naka-ribbon pa sa harap ko. "Lolo, are you serious?"  "Yeah, congrats apo!" aniya. "Thank you so much Lolo Dad!" Niyakap ko agad si Lolo. Kita ko namang napakamot si daddy sa gilid dahil alam niyang hindi ko na magagamit ang kotse na pinaglumaan niya. "Mom, I got a new car!" masayang sabi ko. "Nice," ngiting saad ni mommy sa akin ngunit may pag-aalangan iyon. I drove the car at nang makauwi sa bahay ay nakita ko si daddy sa labas. Hinihintay akong makauwi.   "Looks like you're not happy about Lolo Dad's gift," sabi ko.  "I'm happy Leilani. But, how about the car that I bought a year ago? Are you still gonna use that?" he asked. "Of course dad,” I answered. "Good!" aniya. "Dad, kailan ako mags-start sa company? Puwede bang two weeks after because I wanted to have a vacation trip to Boracay?"  "Tomorrow," aniya. Pumasok naman siya sa loob kaya naman sinundan ko siya agad. "What? Dad!" sigaw ko. "I want to breathe some fresh air and to take a break from everything!"  "You don't need to take a break," sabi ni Daddy.  "Dad!" I yelled. "I said tomorrow. Go to your room and have a beauty rest!"  "I’m still not sleepy," saad ko. "Whatever, just sleep little kid!" he said.   "I'm not a kid anymore!" sigaw ko. Padabog akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Hindi naman ganito si Daddy sa'kin before pero bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?! Nakakainis! "Ba't ganiyan ang outfit mo?” Dad asked.  It was 6 am in the morning and he woke me up. He even said na magmadali na ako because we're late na. "Hindi ba ganito ang sinusuot ng mga CEO sa kompanya." Then I turn around. "Oh, okay," aniya. "Mom," saad ko sa nanay kong naka-ayos na saka niya ako nilagpasan. Nasa company na kami at bumaba na ako saka itinaas ang shades ko. Sumunod naman ako kay daddy at pansin ko ang pagbati ng mga empleyado rito. Galvez Winery Co. is the leading winery company. We even export some of our wines and products to other Asian countries. Kaya siguro nag-success ang business na ito. It's also because of Lolo Dad. His experience when he's still working in Spain ang nagbukas ng opportunity na makapagtayo siya ng ganitong business. It's not just about his experience but the connections and determination na rin niya even he was born in with a silver spoon.  "Mrs. Reyes." tawag nito sa babae nang makarating kami sa kaniyang office. Si Mom naman ay may sariling opisina rin at siya ang personal assistant s***h secretary s***h asawa ni Daddy.  "Yes, Sir?"  "Check your mail at may sinend ako sa'yong message earlier."  "Okay, po." Binuksan naman nito ang kaniyang phone.  I love the newly renovated office ni Dad. It looks so minimalistic. Black and white ang theme.  "Are you sure, Sir?" aniya.  "Yes," tugon ni dad.  Napatingin naman ako sa kanila saka tumingin kay Mrs. Reyes. "Okay, you need to follow Mrs. Reyes," ani Dad.  "Okay, dad."  "Huwag kang mag pasaway, Leilani Galvez," he said. I laughed. "What's with the full name dad?" I asked. "Let's go, Ms. Leilani." Mrs. Reyes said.  "Are we going to encode? Ah, marketing? or Accounting department?" Pangungulit ko kay Mrs. Reyes but she keeps on smiling lang. Whatever. Lumabas na kami sa elevator at tumigil kami sa may front desk.  "Hintayin mo ako dito. I just need to talk to someone," she said.  "Okay," I replied.  "Ms. Mathilda?"  "Ay, Mrs. Reyes ano po ang ipaasikaso niyo?"  Binulungan ni Mrs. Reyes si Mathilda at nanlaki ang mata nito saka tinignan sa malayo si Leilani. "Sigurado ho ba kayo d'yan? Baka naman matanggal ako dito dahil d'yan," Mathilda said. "Hindi ho, si Sir Galvez mismo ang nag-utos nito kaya sundin na lang natin huh? Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang utos niya eh,” ani ni Mrs. Reyes. "Hmmm, Mrs. Reyes? Saan po tayo?" I asked.  "Wait, your dad is calling me right now pinapaakyat na ako. Don't worry si Mathilda ang mag-aasikaso sa’yo okay?"  Tumango na lang ako sa kaniya at nginitian siya. Bakit parang nagmamadali yata itong si Mrs. Reyes.  "Leilani tama ba?" saad ng isang babae sa'kin na siyang ikinagulat ko. "Ah, yes. Why?"  "Sumunod ka sa akin," aniya.  Sumunod na lang ako at nakita ko naman na pumasok kami sa isang room at bumungad sa akin ang ilang maintenance employee. May babae, lalaki, lesbian and gay doon.  "What's going on?" I asked dahil naguguluhan ako kung bakit nandito ako. "Change your attire," she said. "What? Do you want me to change my attire? No, way!"  "Tama na arte mo. Just change it at mahuhuli ka pa!" she yelled at me na siyang ikina-tiklop ko. "Okay, so ano ang susuotin ko?"  Inabot niya sa'kin ang isang white half sleeve polo shirt and black pants.  “Huh?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.  “Ito pa,” aniya. She even provided me white rubber shoes and a pair of socks. Natigilan ako nang makita ang nasa likod ng polo shirt na iyon. Nakasulat ang salitang MAINTENANCE. "Seriously?” I asked her. "Tumigil ka sa kakaganiyan mo. Bilisan mo magbihis at nang maibigay ko na ang gamit sa'yo!" striktong sabi ni Ms. Mathilda. Napabuntong hininga na lang ako at no choice kundi suotin ang mga 'yon. Nang matapos kong isuot eh napatingin ako sa salamin at nakita ang sarili.  "What the heck!" mangiyak-ngiyak kong bulong.  Nang lumabas sa banyo eh nabigla na lang ako ng i-abot sa akin agad ni Ms. Mathilda ang mga pang-spray.  "What's this?" tanong ko. "May label naman 'yan. Oh siya hinihintay ka na ng iyong cart.” Tinuro naman niya ang cart at nasa labas iyon at tinapik ang aking balikat. Napairap na lang ako nang makalabas at tingnan maigi iyon.  "Tsk, ano ba ‘yan!" Pagdadabog ko saka dahan dahang itinulak iyon.  "Naka-assign ka sa floor ng daddy mo!" sigaw ni Ms. Mathilda kaya naman lalo akong nainis. Dali akong pumasok sa loob ng office ni daddy. "Dad! Why did you put me here! Puwede naman ako sa ibang department?" ani ko.  "Ah, excuse me Ms. Leilani. Did you knock on the door before you entered?" "No, why?" "That's rude," bulong niya.   "What the heck! I'm not for this job!" sigaw ko. "I think so. You can give your resignation right away to my secretary," sabi niya. "I'm not going to resign! I'm your daughter!"  "Not because you're my daughter you have the privilege to act like that. Work, work, Leilani,” he explained. Napakamot na lang ako sa ulo ko saka nagbuntong hininga. Labag sa loob kong kinuha ang cart saka kinuha ang spray.  "Saan ako magsisimula?" tanong ko sa kaniya nang makita na sinadya niyang itapon ang kape niya.  "Here," he answered. Kinuha ko ang mop at lininis iyon. Nakakainis talaga. Nang matapos eh hinawakan ko ang balakang ko saka nag-unat.  "You look good." Napairap na lang ako saka umalis sa office niya. I heard my phone ring kaya naman tiningnan ko iyon agad. Hi, honey. I'm so sorry. Be good and do your best. You need to start at the bottom. - Mommy I guess this is the real challenge. Dad wants me to start at the bottom to learn a lot of things. Hays, I don't want to say anything. This pissed me off.  "Niana, can you pick me up?" I asked. "Oh no, I'm not in Manila nasa Siargao ako! What happened?" aniya.  "No comment," I answered. "Mukhang bad trip ka ah?"  "Yeah," tugon ko.  Pinatay ko na ang tawag saka naman tinitignan ang sarili sa salamin habang sinusuot ang damit ko. Nang makalabas eh nagulat ako kay Ms. Mathilda. "Hay naku!" Napahawak pa ako sa dibdib ko.  "You look tired." Then she smiled. "Isn't that obvious?" sabi ko. Narinig ko ang tawa niya at sumeryosong muli. "I saw your purse na nakapatong d'yan sa table," sabi niya.  "Thanks!" sabi ko kay Ms. Mathilda.  "Umalis na sina Sir Galvez," aniya.  "What?"  "Iniwan ka na nila,” aniya. "No way!" Dali kong inayos ang gamit ko. "Yes! Wala na nga 'yong kotse nila. Binilinan niya pala akong sabihin ko raw sayo na mag-commute ka na lang daw." Nanlaki naman ang mata ko at nabitawan ko pa ang purse ko. "Don't tell me it's your first time na mag-commute?" she asked. "Y-yeah," tugon ko.  Mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng katawan ko habang nilalagyan ito ng salonpas. Para akong lalagnatin, ang hirap pala mag linis. Hindi biro ang ganitong trabaho. Akala ko dati madali lang ang ginagawa nila sa araw-araw pero hindi pala, nagkamali ako. Mahirap. Maaga akong umalis ng bahay dahil hindi rin naman ako kinikibo nila daddy kagabi. Kahit 'yong katulong namin si Manang Ising walang kibo din sa'kin. Kaya ayaw ko ng maki-sabay pa sa kanila ng almusal. 'Di naman pala masama mag-commute akala ko kasi dati hindi safe. Ngayon, alam ko na mura rin ang pamasahe kung nag-ganito na lang sana ako dati eh 'di hindi ko nagalaw 'yong allowance ko noong college.  "Ikaw 'yong anak ni Sir Galvez 'di ba?" sabi ng isang babae sa akin na tantya kong ka-edadan ko rin. Katapat ko lang siya kaya naman ayos lang na mag-usap kami. "Yes, why?" I asked her. "Hmm, kumain ka na ba?" Napangiti naman ako kasi may kausap na yata ako ngayong araw na ito. "Hindi pa," sabi ko.  "Maaga pa naman baka gusto mong sumama sa'kin na kumain sa convenience store?" aniya. "Sure!"  Habang nasa loob na ng convenience store ay marami akong binili na pagkain at habang siya ay dumampot lang ng isang malaking cup noodles. Tumabi naman ako sa kaniya habang hinihipan ang kaniyang noodles.  "What's your name?" I asked her while eating. "Ah, ako nga pala si Iris," she said.  "Nice to meet you, Iris. Are you studying?" "Oo, second-year college na ako," ngiting sambit niya saka kumaing muli.  "Ah, paano 'yon isang working student ka pala?" tanong ko sa kaniya habang kumakain. "Oo, sobrang laking pasasalamat ko nga sa daddy mo kasi scholar ako ng mga Galvez. Mahirap kasing maging mahirap." She chuckled but her eyes sobrang lungkot tignan. I should be thankful. Nagulat ako na may pa-scholar ang pamilya namin na hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.  "Here,” sabi ko. Inabot ko sa kaniya 'yong chocolate bar na binili ko. "Hala, h'wag na Ms. Leilani!" aniya. "Take it o mabubuwisit ako sa'yo?" seryosong saad ko at ngumiti rin ng kunin niya ‘yon.  I was assigned sa first-floor kaya naman nag-start na ako maglinis. Nang matapos e nag-breaktime na rin kaya naman dumiretso na ako sa room ng maintenance. I saw them happily eating a lot of food on the table. When Iris saw me agad niya akong tinawag.  "Alam mo bang lagi kaming may free foods mula sa daddy mo," aniya. "Never kami ginutom ni Sir Galvez," sabi ng isang lalaking senior citizen pero nagtatrabaho pa rin siya at his age.  "Anong age niyo na 'tay?" I asked him and even called him tatay. I don't know why I called him like that parang ang lapit niya sa puso ko nang makita ko siya agad. "61 na ma'am!"  "Wow!" I replied. Imagine, working at that age na dapat he's finally retired and enjoying his life.  "Napakabait ng daddy niyo ma'am," he said. I don't like to cry like a baby kaya naman pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. Nakakataba ng puso marinig ang mga iyon sa ibang tao. Tumaas lalo ang respeto ko sa ama ko. Hindi dahil sa mayaman kami pero iba ang pakikitungo niya sa mga taong ito. Pamilya ang turing niya. "Kumain lang po kayo nang kumain," sabi ko sa kanila at napansin ko naman si Ms. Mathilda na nakatingin lang sa akin. "What is it Ms. Mathilda?"  "Wala," aniya. The other day, they're so happy dahil payday na. I am not expecting my salary but I wanted to see their reaction every time they receive their payment for their hard work.  "Ang saya po ninyo yata 'tay Leo," sabi ko.  "Naku, opo ma'am! Maayos po kasi magpasahod ang kumpanya na ito at may benefits pa kami, hindi tulad sa iba sobrang hirap na nga ng trabaho e katiting pa ang natatanggap nila. Hindi makatarungan!"  "Leilani, tawag ka," bulong sa akin ni Iris.   Inabutan naman ako ni Ms. Mathilda ng sobre na naglalaman ng cash. "Thanks, pero 'di ho sa akin 'to,” sabi ko. "Anong hindi sa'yo eh pinagtatrabahuhan mo 'yan!" masungit na sabi niya. "Wala munang uuwi sa inyong lahat," sabi ko sa kanila. "Bakit po ma'am?" tanong ng isang babae. "Basta!" sigaw ko. Maya-maya eh dumating na ang inorder kong ipapauwi sa kanila. Nagpasuyo na lang ako na tulungan ako ng iba para bitbitin ang ilang bucket ng chicken at box ng donut. Ang buong sahod ko'y pinambili ko noon at inabonohan na lang ang sobra pa. "Ms. Mathilda, ikaw na ang mag pamahagi," sabi ko. "Seryoso ka ba d'yan?" aniya. "Opo, para sa inyo 'yan lahat. Sige na, mauuna na ako!”  Naglalakad na ako palabas nang makasalubong ko si Daddy na papasok pa lamang. Nginitian naman niya ako.  "Follow me," aniya.  "Dad?" saad ko nang makapasok kami sa office niya.  "Hmm...what?" Umupo naman ito sa kaniyang swivel chair at tiningnan ako. "Thank you!” masayang sabi ko. "Sinasapian ka ba?" he said.  "No!" I yelled.  "Hahaha, you're not my daughter! Umalis ka sa katauhan ng anak ko!" "Stop, Dad! Seriously, I just wanted to say thank you!"   "That's how you do it, Leilani. Hindi porket you have all the wealth and were born with the silver spoon in your mouth you have the rights na maging ganoon. Stay your feet on the ground and let your heart soar high. Sobrang mahal ko ang mga tao ko dahil kung wala sila hindi magiging successful ang business na ito. I hope you learned something," aniya. "I actually learned a lot," I whispered. "Good, you're now promoted!” he said.  "Thank you, Dad!"  The day goes by may mga pagkakamali ako but I promised myself and to them that I'll do my best. Paakyat na rin nang paakyat ang posisyon ko sa tuwing nagagamay ko na and I have a trainer which is my dad. Hanggang sa araw na nang pagpasa sa akin ng posisyon bilang CEO ng Galvez Winery Co. Isang taon din ang nakalipas bago ko makamit ito.     LEILANI D. GALVEZ CEO of GALVEZ WINERY CO.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Contract - Tagalog

read
767.9K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Denver Mondragon

read
68.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook