"Wow, you got a new car. Iba talaga kapag CEO na," Niana said.
"Yeah, reward lang sa sarili ko," sabi ko.
"Grabeng reward 'yan taon-taon kung magpalit!" she said.
"Hahahaha, nakaka-inlove kasi kapag nasa shop na ako,” I explained.
"So may pa-warehouse ka na sa mga dati mong sasakyan?" aniya.
"Yeah, 'yong iba doon eh pinamigay ko sa mga pinsan ko," sabi ko.
"How's your organization?"
"Ayos lang naman. I'm happy with my team. Sa susunod pala eh may charity kami sa Pampanga maybe you wanted to join us? So, how are you? Tagal din natin 'di nagkita!" I said.
" Wala pa rin akong jowa,” she replied.
"Same. When kaya?" I laughed.
"Ay, may pa-tea ako sa'yo!" she excitedly said.
"Spill it," sabi ko.
Uminom muna ako ng iced tea saka lumapit ako para marinig maigi dahil mukhang ibibulong lang niya.
"Chase is here," she said.
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko. My childhood crush is here? Umuwi na pala siya. Naku naman tagal ko na kasi siyang hindi naii-stalk!
"Seryoso ka ba? Hindi naman ako nakikipagbiruan ano! Malabo ngang umuwi 'yon dahil doon na nakatira sa States!" sabi ko dahil 'di ako naniniwala.
"This is not a joke, Lei! I saw him last night mukhang kakarating lang niya kasi kakababa lang ng kotse. Hindi ko na nga lang gaano nakita siya kasi nga nasa car din ako. Pero, I'm sure na siya iyon. Ano ka ba!" aniya.
I automatically smiled nang sabihin iyon ni Niana sa'kin. Para ba akong nabuhayan, nabuhayan ang natutulog kong puso. Tagal ko pa naman hinintay ang pagkakataon na makita ko siya.
"Dad," tawag ko sa ama kong busy mag-cellphone sa living room namin.
"What?"
"I'm going somewhere," sabi ko.
"Where?" aniya.
Kumunot naman ang noo ko. Ano ba itong tanungan ni Daddy.
"Ah, sa Grand Sandoval Hotel po," sabi ko.
"Sino ang kasama mo?" he asked.
Inangat niya ang tingin sa akin at ibinaba pansamantala ang cellphone sa center table.
"Dad, I'm not a kid anymore," sabi ko.
"I'm just asking!" aniya.
"I'll go now!" Nagpaalam na ako sa kaniya saka bumeso.
"Okay, take care little kid!" aniya.
Bumaba na ako ng sasakyan ko at saka inabot ang aking susi sa lalaking naka-tuxedo. Talagang nag-ayos ako just in case na makita ko si Chase. I am wearing a white woven blazer, a corset top, and a white mini skirt. Habang sinasabi ko ang pangalan ko sa front desk eh napansin ko si Chase na naglalakad papasok.
"Here, ma'am." At saka inabot sa akin ang card.
"Thanks!" Sinundan ko naman si Chase kung saan man siya pupunta. Damn, he's wearing a simple white button-up, white sneakers, and black pants. Kung titignan sobrang simple lang pero dahil siya ang nagdala ang ganda-gandang tignan. Paniguradong nag-ggym ito dahil lumaki ng bahagya pa ang katawan niya.
I followed him hanggang sa restaurant ng hotel and I saw him na may kausap na babae. Kumunot ang noo ko bakit ba biglang lumabo ang mata ko sa ganitong sitwasyon kaya naman lumapit pa ako ng kaunti. May lumapit naman agad sa aking waiter at binigay ang menu.
Ah, middle-aged woman naman pala. Maybe friend ng parents niya or what.
Napabuntong hininga naman ako. Akala ko ay may lovelife na siya ngayon. Tinapos ko ang pagkain ko at paminsan minsan ay sumusulyap sa gawi niya. Nakita kong wala na ang babaeng kausap niya. Kaya naman ano-ano na ang naiisip ko.
Paano kung dumaan ako sa gawi niya't madapa?
Paano kung magpanggap akong nag-collapse?
Tutulungan niya kaya ako?
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa imahinasyon ko. Nakatalikod pa siya ng lagay na 'yan nawawala na ako sa wisyo. Paano pa kaya kung magkaharap kami? Tumayo na ako at nag-decide na dumaan sa gawi niya. Nang matapat ay tumigil talaga ako ngunit busy pala siya sa pag-cecellphone. Hindi niya man lang makikita ang kagandahan ko. Napatingin na lang ako sa sahig nilang makintab. In fairness!
"Leilani!" Inangat ko naman agad ang tingin ko sa kung sino man ang tumawag sa akin.
It’s Charles Sandoval. He looks a bit more mature than Chase but he's also handsome.
"Oh, hi!" masayang sabi ko.
Nagpanggap ako na hindi ko siya natatandaan ngunit isa ako sa suki nila magkapatid pagdating sa mga timeline nila. Naka-private kasi ang account ni Chase kaya sa kaniya ako tumitingin ng ibang pictures ni Chase.
"Oh my gosh, you look so gorgeous!" Napatingin naman ako kay Chase na kasalukuyang nakatingin na pala sa aming dalawa. I smiled at him saka ibinaling ang paningin ko kay Charles.
"Thanks!"
Kunwaring naguguluhan ako na hindi ko siya kilala.
"I'm Charles! Naalala mo pa ba ako? We used to play with my younger brother before sa tuwing pupunta ang Lolo mo sa Villa!"
"Ah, naalala ko na!" masayang sambit ko sa kaniya.
Pinaupo naman niya ako at tumabi naman siya sa akin. Kasalukuyang katapat ko na si Chase. Oh my gosh, hindi ko akalain na sobrang guwapo nito sa personal at malapitan.
"Hi," sabi ko sa kaniya ngunit hindi ako nakakuha ng kahit anong tugon sa kaniya, nginitian lang niya ako.
"Naalala mo pa ba si Chase? He's my younger brother. Siya 'yong laging kalaro mo bukod sa'kin!"
"Ah, oo naalala ko na!" ani ko.
"Nice meeting you Leilani," saad ni Chase na siyang ikinagulat ko akala ko kasi hindi siya magsasalita. I smiled at him at inurong ang paa ko para idikit sa sapatos niya saka siya kinindatan. Alam kong naramdaman niya iyon.
"Just call me Lei," I whispered.
Ibinalik kong muli ang posisyon ng paa ko't umayos na ng upo.
"May gagawin ka ba mamaya?" he asked.
Iniinvite ba ako ni Chase Sandoval? Wow.
"Ah, wala naman," I replied.
"Good, let's swim tonight!" he said.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Chase. He's inviting me tonight!
"Sure! I'll go now para makapag-asikaso ako,” sabi ko.
Pagpasok ko sa room ko ay tumili na talaga ako. I didn't expect that! Iniimbitahan niya ako mag-swimming mamaya. Oh my gosh!
"Niana,” saad ko.
"Yes?"
"Bukas ba ang store ng auntie mo?"
"Yeah, why?" she asked.
"I need a pretty swimsuit tonight," sabi ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
"Okay, where are you?"
"Ah, Grand Sandoval Hotel," I answered.
"Oh my gosh, what are you doing there?"
"Guess what? I saw Chase and he invited me to swim tonight. That's why I need a great swimsuit!" masayang saad ko kay Niana.
"Seriously?! Swimming?! Baka ibang swimming 'yan ah!" aniya.
"You know what I want. Ipadeliver mo na lang dito right away," sabi ko.
"Sure, good luck sa swimming niyo!" I removed my make-up and naglagay na lang ako ng waterproof lip tint sa lips ko. I am wearing a white two-piece high-waisted bathing suit. I put my white lace swimsuit cover-up para naman hindi ako totally expose kapag lumabas. Sabihin agaw eksena pa ang kagandahan ko!
Someone's knocking on the door kaya naman pinagbuksan ko iyon and I saw Chase wearing a white v neck shirt and a knee-length black trunk. He looks so good.
"Hi," he said.
"Hey, Chase,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Let's go?" sabi nito sa'kin kaya naman binitbit ko ang purse ko saka lumabas.
"Saan tayo mag-sswimming?" tanong ko sa kaniya dahil paakyat ang elevator sa taas. He just smiled at me. Nakakainis hindi man lang ako sinasagot sa tanong ko. May swimming pool kasi sa baba bakit hindi kami roon? Sayang naman yata 'tong swimwear ko? Nang makaakyat kami eh bumungad sa akin ang rooftop view deck swimming pool.
"This is my place,” he said.
"Oh, nice!" Nabigla naman ako nang makita ko siyang nagtanggal ng kaniyang white shirt at saka ako tinignan. May pa 6 pack abs pa itong si Chase. Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"You look good,” he complimented.
I removed my white cover-up. Hindi lang puwedeng siya lang ang sexy dito. I felt his hand on my waist at naglakad na kami papunta sa pool. Oh, my gosh.
Later on, may mga pagkain na inilagay ang waiter sa table at umalis na rin agad. We talked about a lot of things and he's asking me. So, no dull moment na ang ganapan. I love the way he laughs parang ang sarap sarap pakinggan na tumatawa siya parang nawili ako. Umahon na muna kami and accidentally na nadulas ako sa paghakbang ko. Nabigla ako nang saluhin niya ako and we're so really close. Halos magdikit na ang mga mukha namin.
"Oh, sorry." Tumayo na agad ako dahil hindi ko kinaya ang 5 seconds na titigan naming dalawa. Then he chuckled. Grabe parang gusto ko gawing ringtone yung pagtawa niya na ‘yon.
"Let's eat," aniya.
Nag-usap lang kami nang nag-usap hanggang sa 'di ko namamalayan na nalalasing na rin ako sa iniinom namin. I looked at my phone inside my purse. 12 am na pala. My vision is kinda blurry but kaya pa naman.
"I like you," I said suddenly and looked at him. He's staring at me. "Why so pogi, Chase?" napapikit naman ako at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"I am!"
"I added you as a friend 4 years ago!" I yelled at him.
"Okay, let me confirm it," he said.
"Tagal-tagal mo naman, Chase!"
"Done, Let's go, Lei. Ihahatid na kita sa room mo." I can't open my eyes inaantok na rin ako. Naidilat ko na lang iyon nang maramdaman kong pinapatayo niya ako. Napayakap na lang ako kay Chase at tinignan ko siya.
"Chase," I whispered and I was shocked when he kissed me.
"Lei," aniya.
"5 minutes pa!" Hinigit ko naman ang kumot at nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil sa antok.
"Let's have breakfast downstairs." Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ng lalaki.
Chase?
Tinignan ko ang suot ko and I'm wearing an oversized shirt.
"Kuwarto ko ba 'to?" I asked.
"No," kunot noo niyang saad. Napahawak naman ako sa labi ko. May ginawa ba kami kagabi? I even hold mine. Narinig ko ang pagtawa niya.
"Anong iniisip mo, kapatid?" he said.
"I'm not your sibling," ani ko.
Baka future wife?
"We just kissed and you did something gross," he explained.
"What?"
"After we kissed, sinukahan mo ako," he said.
“Hala,” bulong ko.
"Fix yourself first baby before we eat," he said.
He called me baby!
Habang kumakain sa baba eh hindi maiwasan ng iba na tingnan kaming dalawa. Siguro kasi iniisip nila ang ganda at ang guwapo naman. Bagay na bagay sila.
"So, kamusta ang pagiging CEO, Lei?" Chase asked.
"Mahirap," tugon ko.
"I see," aniya.
"How about you?"
"Ah, sa ngayon si Kuya Charles ang nag-aasikaso ng hotel," he said.
"How's your dad?" I asked.
"He's good nag-bakasyon muna pansamantala dahil workaholic masyado."
"I see, how about us?" I whispered.
Natawa naman siya at nag-seryoso bigla.
"You already kissed me Lei," aniya.
“So, that's it?" I asked.
Ano ‘yon kami na agad?
"Yeah." Then he laughed.
Napairap naman ako. Ang hirap naman nitong suyuin. May pagka-masungit talaga siya! Natapos na kami kumain saka nag-paalam na rin ako sa kaniya dahil naiinis ako sa tugon niya sa akin. Nagbihis na ako at umalis na sa hotel na iyon.
"Iris," tawag ko sa aking secretary.
"Ma'am?"
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" I asked her habang nakatuon ang mga mata ko sa laptop. Baka may mapulot ako dito na tricks.
"Wala pa ma'am," aniya.
"Bakit wala pa?"
"Mapili kasi ako," tugon pa niya.
"Ganoon? Canceled my appointments on Friday."
"Magl-leave ka ba ma'am?" tanong ni Iris sa akin.
"Yeah, nas-stress ako." Sinadya ko na ngang iwanan sa cr niya ang number ko. That day, I found a pen and a piece of paper sa room niya kaya nilagay ko ang phone number ko tapos wala pa ring tawag sa akin.
Ang hina mo naman Chase!
It's Friday night. Nagpaalam ako kay mommy na kung pwede ay mag leave ako ng isang araw and they said yes. So here I am at the bar with my bestfriend, Niana.
"You know what para akong lalaki!" I said while sipping my vodka.
"Bakit, Lei?" Niana asked.
"Ako ang nanunuyo!"
"Maybe hindi ka niya type!” Tumawa naman siya ng malakas.
"Aba? Pasmado yata ang bibig mo huh?" inis kong sabi sa kaniya saka uminom. "He even kissed me tapos wala lang iyon. Kalokohan!"
"Tinamaan ka na yata kay Chase? Nahalikan ka lang nagka-ganyan ka na!"
"Matagal na ako tinamaan doon kaso mas lumala lang ngayon," bulong ko.
“Lei,” aniya.
"Ouch, ano ba huwag kang manundot ng tagiliran, Niana!" sigaw ko.
"Look, Chase is here!" mariing sabi niya.
"Where?" Mabilis agad akong lumingon sa tinuro niya at nakita ko nga si Chase na kakapasok lang with Charles and some guy friends. "Ah, hayaan mo lang."
"Himala!”
"Let's just have fun na lang Niana!" Inaya ko siya at pumunta sa mga nagsasayaw. Marami-rami ang tao ngayon siguro nga’y dahil Friday ngayon.
"Dancer ka na pala ngayon?" Niana asked.
"Yeah, 'di mo ba alam?"
"Tss, tigas ng katawan mo huh?"
"Hoy, hindi ah magaling ako gumiling!" sabi ko.
"Patingin nga!" Gumiling naman ako sa harap ni Niana at nag-twerk pa.
"See, sabi ko sa'yo eh!" Tawang tawa naman si Niana sa'kin.
"In fairness, saan ka natuto mag-twerk? Eh ang tigas tigas ng katawan mo!" aniya.
"Youtube lang!”
I don't know what time it is. But, sinulit ko ang oras na masaya ako. Minsan lang naman makapag-leave.
"Niana?" Hanap ko sa kaniya dahil nawala na siya sa harapan ko. Nasaan na ba iyon? Kaya naman iginala ko ang paningin ko para hanapin siya.
"Are you looking for me?" Chase said.
"I'm looking for my friend," walang gana kong tugon sa kaniya.
"I see, it looks like you don't like me anymore Lei," he huskily said.
I stared at him at napakurap na lang ng ilang beses.
"Sinong may sabi?" I chuckled.
"I just thought you don't like me as a friend," aniya.
Itinaas ko naman ang kilay ko at tinignan siya.
"What did you say, friend? No, way!" I said.
"I'm your friend, Lei," aniya.
"Shut up, I want you to be my boy plus friend equals BOYFRIEND!" Natawa naman siya saka ako hinigit papalapit sa kaniya.
"Then be my girlfriend Lei," bulong niya ramdam ko pa ang paghinga niya kaya naman napahawak ako sa tainga ko.
"Speed!" sabi ko.
"Yeah, We kissed so tayo na?" he said.
What the heck? Anong kami na dahil sa ganoon na nangyari? Nakakaloka itong si Chase!
"Court me then." Tinalikuran ko naman siya at saka naglakad papunta sa gawi namin.
Kinabukasan, nagising na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko.
"Manang?" saad ko nang makababa ako.
"Naku, hija pumasok na ang iyong daddy dahil tanghali na ang gising mo," sabi ni Manang sa'kin. What time is it?
"Paano ho ako nakauwi?" tanong ko habang umiinom ng maligamgam na tubig.
"Hinatid ka mismo ni Charles Sandoval ba 'yon? Ikaw ha, may boyfriend ka na no?" aniya saka naibuga ko naman ang iniinom ko.
"That's not my boyfriend manang!" Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue at humarap kay manang.
"Eh, ano?" aniya.
"Mabuting nilalang!" Natawa na lang ako at the same time medyo kabado. Baka akalain ni daddy ay boyfriend ko 'yon. Hala, wala talaga akong maalala. Halo-halo kasi ang ininom ko kagabi.
"Niana,” saad ni Niana sa kabilang linya.
"What?" I asked.
Mukhang kakagising lang din nito. Maya-maya e narinig ko na lang ang pagtili niya't namatay na lang ang tawag.
"Tss, ano ba 'yan!"
Nagpatimpla ako kay manang ng kape saka nagpahanda ng toasted bread. Maya-maya e kumilos na rin ako para maligo. I need to go to work nakakahiya naman kay Daddy. Baka sabihin abusado na naman ako sa leave. Hays.
"Who is Charles?" Dad asked nang makapasok ako sa office ko naabutan ko naman siya roon na kumakain.
"Dad, nakalimutan mo na ba? Kilala mo ang mga Sandoval," ani ko.
"Sandoval? Iyong may-ari ng Grand Sandoval Hotel? 'Yong pinupuntahan natin dati sa Villa nila sa Laguna?"
"Yes," I replied.
"Iyon nga yata ang pakilala niya kaso 'di ko na naintindihan dahil nagalit ako sa itsura mo!" aniya. "Para kang kinalmot ng tigre!"
"Tss, Dad naman!"
"May number ka ba noon? Magsosorry lang ako sa inasal ko kagabi." Kinuha ko naman ang phone ko at naalala kong wala pala akong number nila. "No, just invite him in our house para personal akong makapag-sorry."
"Okay, dad. Anyway, you can go now I have a lot of things to do pa. Take a rest," sabi ko.
"No, may kainan pa kami ng maintenance sa baba," he said.
"Okay, fine," I said.
It was Saturday and nandito na naman ako sa Hotel nila Chase. Kaka-check in ko lang and nagbilin ako sa front desk if I can speak to Charles dahil wala raw siya. So, pinaiwan ko ang calling card ko in case na dumating siya he can call me agad.
Suddenly, someone messages me. It's Charles and kararating lang nila ni Chase. Tinignan ko agad ang sarili ko sa salamin para makita kung maayos ba ang itsura ko.
Magkikita ulit kami ni Chase.
"Hi!" masayang sabi ko sa kanila.
"Oh, hey!" ani Charles.
Napansin ko naman itong si Chase na wala sa mood. Ano kaya ang nangyari rito? Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Hey, Chase."
Hindi man lang ako pinansin. Nai-kunot ko tuloy ang noo ko.
"Sorry, he's not in the mood right now Lei," sabi ni Charles.
"That's fine." Tinignan kong muli si Chase na nakahawak na sa phone niya at may ka-chat yata.
"So, thanks for coming again!" Charles said.
"You're welcome. Anyway, kayo talaga ang sadya ko today," sabi ko.
"Ah...why?"
"My dad wants to invite you to our house tomorrow at 6 pm. Kung hindi lang naman kayo busy but if may gagawin kayo, it's okay. He just wanted to apologize to you, Charles." I explained.
"Tss, maliit na bagay lang iyon. And, I understand your Dad that night."
"Okay, so are you coming or not?" I asked him.
"We're going!" Charles replied.
"Okay, good!" Hindi na rin ako nagtagal na makipag-usap kay Charles dahil nasa outerspace na yata si Chase habang nag uusap kami kanina ng kapatid niya. Wala talaga siya sa sarili niya ang lalim ng iniisip. And I don't know what it is.
Kinabukasan, we prepared a lot of delicious food para sa dinner namin with the Sandoval's. Unfortunately, Dad can't meet their father personally dahil nasa States nga. So we'll just contact him through a video chat. Simple lang ang sinuot ko, a white dress and flat shoes. Tinali ko na lang ang buhok ko at kinulot ang dulo nito. I also applied light make-up only so it will look natural. Fresh lang ganon! Maya-maya eh nand'yan na sila at sinalubong sila nila Mommy and Daddy.
Chase looks good as usual kahit anong klase ng damit ay bagay talaga sa kaniya due to his build and pogi features. He looks fine now akala ko eh nasa outer space pa rin siya at hindi na nakabalik sa earth sa sobrang lutang niya kahapon.
"Ang gagwapo naman pala talaga!" sabi ni Daddy sa kanilang dalawa.
Napaubo naman ako kunwari at naupo na rin.
"By the way, I want to apologize for what happened the other day. I didn't mean it. Nainis lang ako dito kay Leilani dahil ganoon ang itsura niya,” paliwanag ni Daddy.
"No, worries po Mr. Galvez," sabi ni Charles.
"Don't call me that way! Tito na lang!"
Natawa naman ako kay daddy. Actually, hindi na ako makasingit sa usapan nila dahil busy sina mom and dad magtanong sa kanilang dalawa.
"This is my unica hija, Leilani. She's now the CEO of the Galvez Winery Co," saad ni Mommy.
"Mabuti nga't matino-tino na siya ngayon,” sabi ni Daddy.
"Dad!" Narinig ko naman ang pagtawa nila Chase. Nakakahiya.
"Of course she's good but she's a former spoiled brat!" ani Daddy.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil napapahiya na yata ako sa harap ng crush ko. Help! Send me some help!
"I agree with you, Sir," pagsang-ayon ni Chase sa ama ko.
"Tito nga!"
"Ay Tito po pala!" ani Chase.
"Nag-meet na ba kayo?" Dad asked.
"Ah, yes po," Chase replied.
Hindi lang meet dad nag-kiss pa kami.
"How's my daughter?"
Napahinto naman ako sa pagkain. Baka naman sabihin nito puro negative.
"She's great and gorgeous just like her mom,” Chase replied.
"What do you mean, Chase?" Dad asked him.
Kinabahan naman ako at kahit na naka-centralized ang aircon sa bahay. Pakiramdam ko’y pinagpapawisan ako.
"I like her," he said out of nowhere. Nasamid pa ako roon dahil hindi ko naman akalain iyong lalabas na salita sa bibig niya eh gusto niya rin ako.
"Seryoso ka ba d'yan, Chase?" I asked him.
"Of course, and I think this is the right time na manghingi ng permission to court you."
Tama ba itong naririnig ko mula kay Chase?
He likes me!
"Oh, that's great to hear," gulat na sabi ni mom sa kaniya.
"She's my unica hija at dadaan ka muna sa akin para makilatis kita," ani daddy.
"No, worries Tito. I'll do anything just to make her happy," saad ni Chase at nginitian ako.
What a beautiful night!