It's been five months mula nang ligawan ako ni Chase. I still can't believe this is happening. Parang papansin nga lang ako sa kaniya noong first encounter lang namin. Siguro sobrang nagandahan talaga siya sa akin. Anyway, I am preparing myself for our date tonight. Para akong tanga na nakatingin lang sa closet ko dahil hindi ko alam ang susuotin ko ngayon. I need to look extra beautiful today dahil this is the day and the right time for me to say yes to him. Hindi ko na kailangan patagalin pa dahil 24 years old na ako at hindi naman na ako bata. I'm also stable at the same time. Kakalipat ko lang din sa isang condominium. I decided na bumukod na mula sa parents ko and okay lang naman din sa kanila. Paminsan- minsa'y bumibisita ako sa kanila lalo na kapag weekends. Dad, wants Chase to be my boyfriend. Boto naman siya roon dahil mabait naman daw at marunong makisama. Lalo na si mommy gustong gusto siya na nandoon sa bahay.
I am wearing a red lace bodycon dress and a red strappy stiletto. I put on my red lipstick and a perfect winged eyeliner. I even sprayed a sweet scent perfume. Ayos na siguro 'to. I texted him that he could pick me up and I grabbed my purse. Naglakad na ako papunta sa lobby and I saw him.
"Let's go," aniya.
I smiled at him. Hanggang ngayon 'di naman kasi ako makapaniwala na nililigawan niya na ako. Nang makarating kami sa restaurant ay nagulat pa ako dahil sa romantic atmosphere nito. Pagpasok ko'y puro petals ng red roses ang nasa sahig then puro candles ang nakapalibot. Kami nga lang ang tao rito inaya niya ako sa isang table na nakapaligid ang hugis puso na petals sa sahig. Nakakakilig naman! Pinaupo niya muna ako saka siya naupo maya-maya eh dumating ang waiter at inilagay ang mga pagkain at ang panghuli ay ang isang wine. Pansin ko ang pagbulong ni Chase sa isang waiter at nagsi-alisan naman na sila.
May romantic side pala itong si Chase.
"I love you," I said.
Nginitian naman niya ako at saka tumayo mula sa kama.
"Let's eat. Lulutuan kita ng breakfast. Papasok ka hindi ba?" he asked.
Tumango naman ako. Maligamgam na tubig ang pinaligo ko dahil ang sakit ng katawan ko. We did it last night. I don't have any regrets dahil mahal ko naman siya and he loved me too. Nang makapag bihis e naabutan ko naman siyang nagluluto sa kitchen at naka-topless ito habang suot ang apron. Niyakap ko siya mula sa likuran niya at narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya.
"Are you hungry? Tapos na itong niluto ko. Take a seat," aniya.
Naupo naman ako habang hinahain niya ang mga pagkain sa lamesa. Nagluto si Chase ng fried rice and adobo na sobrang tuyo at kaunti na lang ang sarsa nito.
Ngayon ko lang matitikman siya---ay este 'yong luto niya pala.
"Wow, ang sarap! Saan ka natuto pala magluto, Chase?"
"Ah, kay mommy," he answered.
"In fairness huh, ang sarap parang ikaw! Just kidding!”
After namin kumain dalawa, sabay na rin kaming lumabas dahil may aasikasuhin pa raw siya sa hotel nila. Nakakalungkot mang isipin ngunit ayos lang we're both busy and emergency naman iyon dahil umalis daw si Charles. Saan na naman kaya 'yon pumunta?
Sunday morning, dumalaw ako sa parents ko. I saw my dad na nagdidilig ng halaman sa labas.
"Hi, Dad!" I greeted him.
"Oh, you're early," aniya.
"Ang init-init nasa labas ka," sabi ko.
Natawa naman siya at ibinaba ang pandilig. "Hayaan mo na ako, plantito na ako ngayon anak!" aniya.
Nang makapasok sa loob eh nakita ko naman si mommy na nagbabasa ng magazine.
"Hi, mom!" masayang bati ko.
"Hey, where's Chase?" tanong nito.
She always looked for Chase hindi ko maintindihan kung sino na ba ang anak niya ako o si Chase na ba?
"Ah, pupunta po dito 'yon mamaya!" masayang sabi ko.
"Mabuti naman. Mag-didinner tayo sa restaurant ng friend ko."
"That's great! Sabihan ko na siya agad mommy,” ani ko.
"Sure!"
Nang makarating kami sa restaurant ng kaibigan ni mommy eh agad kaming in-entertain nito. The place is so warm and cozy. Ang ganda pa ng view dahil kitang-kita ang ganda ng Tagaytay. Masarap din ang foods and sulit talaga.
"Chase, " Dad said.
"Yes, tito?"
Uminom na muna ako ng iced tea dahil nabubulunan na ako.
"Kailan niyo balak magpakasal ni Lei? sabi ni daddy na nagpa-ubo sa akin lalo saka tinapik ang dibdib ko.
"Are you fine, Lei?" tanong ni Chase sa akin saka tinapik ang likod ko.
"Yeah," I replied.
Naibaling muli ni Chase ang paningin niya sa ama kong nakangiti. Ano ba 'to si Daddy bigla naman kung magsabi. Mukhang nagulat din si Chase sa tanong na iyon mula sa ama ko.
"Mahal mo naman ako so bakit hindi na tayo magpakasal?" tanong ko sa kaniya at nagulat naman siya roon.
"Ah, yeah, I love you,” aniya.
Pinutol ko agad ang balak niyang sabihin. "Dad, I want Chase to be my husband. This is my last wish, daddy. Alam kong sobrang dami kong nakuhang bagay dahil i'm a spoiled brat but this time sana naman hindi niyo na sa akin ipagkait ang ikasal sa taong mahal ko,” sabi ko.
"It's still early Robert. Nasa getting to know stage pa lang naman sila," sabi ni Mommy.
"I know, but hindi naman na sila bata besides I wanted to have a lot of grandchildren."
Rinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Chase. "Tama naman po kayo, Mr. Galvez. Hindi na ho kami bata para patagalin pa ang ganitong mga bagay. I think this is also the right time na hingin ko na ang kamay ng inyong anak."
"Great, Let's arrange your wedding then!" masayang sabi ni Daddy.
"Robert, 'wag mong madaliin ang mga bata," Mommy said.
"Thanks, dad!” nakangiting sabi ko.
Natapos ang dinner namin and we're really happy. Hinatid naman ako ni Chase sa unit ko and mags-stay na muna raw siya for an hour.
"Chase,” saad ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Hindi ka ba napipilitan lang?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit mo naman natanong iyan?"
"Hmm, wala lang. I know that you loved me pero baka lang napipilitan ka. Hindi naman kita minamadali kung ayaw mo pa,” sabi ko.
"Tss, come here baby. Hindi ako napipilitan, tama ka naman mahal kita at hindi naman na tayo bata para hindi mag-settle down. We're both stable," he explained.
"Really?"
"Yeah, but let’s take it slow. Planuhin natin maigi ang kasal natin,” nakangiting sabi niya.
"I love you," sambit ko at hinalikan siya ng saglit sa labi niya.
Nag-ring ang phone niya kaya naman agad niya itong sinagot. Wrong timing!
"I love you, baby. I have to go dahil wala si Charles sa hotel," aniya.
"I see.” Napatingin naman ako sa phone niya at ibinaling muli ang paningin ko sa kaniya.
"Bawi ako next time!" he said then he kissed my cheeks.
"I understand," saad ko saka pinanuod siyang umalis.
Hindi na ako nakaligo pa dahil sa hangover ko. Paano ba naman kasi itong week na 'to eh niyaya ako ni Niana sa bar. Nagpakalasing siya ng bongga samantalang ako ay naging taga-asikaso niya.
"Iris," tawag ko sa assistant ko at nagmadali na ako makapasok sa office.
"Ma'am, late na ho kayo sa meeting. Nandoon na po si Mr. Galvez sa conference room to discuss the expansion."
"Oh, my gosh!" irita kong saad saka hinanap 'yong proposal ko sana sa project na iyon. Paglabas ko ng pinto eh nagulat ako kay daddy na nakatayo sa harap ko at nakatingin.
"I'm sorry, Dad,” I said.
"It's fine, you look so stressed," aniya.
"Paano niyo nalaman ang tungkol dito sa meeting?" tanong ko kay Daddy.
"Of course, may tao ako rito sa loob," aniya.
"Sabi ko nga," bulong ko saka napa-kamot na lang ng ulo.
"Take a break. 1-week ka ng ganiyan wala ka sa concentration, why?”
"I don't know, Dad." Napaupo na lang ako saka napahilamos ang palad sa mukha ko.
"You need a break, Leilaini," he said.
"No, Dad. Kailangan maayos ang project na 'to so I need to facilitate everything."
"Listen, Leilani. It's burnout from your work, it's normal. It's okay to take a rest. Walang mawawala. Nandito naman ako to facilitate it's my forte after all and I have assistants na maaaring tumulong sa'kin. Parang 'di ka nasanay sa akin. Please, you should rest and bumalik kang maayos. You can't handle things like this if wala kang motivation," aniya.
"Are you sure, dad?"
"Yeah, 100% sure!" he said.
"Okay, then. I'll book a trip somewhere," I replied habang nags-search na ng possible places na maari kong puntahan.
"I booked a ticket already,” aniya.
"Huh, where?"
"Two tickets to Palawan," he said.
"Bakit dalawa? Kasama ko ba si mommy?" tanong ko kay Daddy.
“No,” Dad replied.
Someone entered the room. Napalingon naman ako kung sino 'yon.
"Ako! Are you going with me?" sabi ni Chase.
"Thank you dad!" Niyakap ko si daddy saka ko niyakap si Chase.
"Of course. I'm going with you," I answered.
I was shocked that time dahil pagbaba namin ng building ay may mga gamit na sa sasakyan ni Chase. Sinilip ko naman ang loob at may driver na roon sa loob.
“Talagang ngayon na talaga tayo aalis?” I asked him.
“Oo nga!” sabi ni Chase. Tumawa pa ito dahil hindi nga ako makapaniwala. It’s Daddy’s plan!
"It's my luggage, huh?" Turo ko doon sa maleta.
"Yeah," he answered.
"Sinong nag-prepare si mommy ba?"
"Nope," he said.
"Ah, si manang?"
"No," nakangiting tugon niya.
"Eh, sino?"
"Ako! Nagulat nga ako pina-akyat ako ni Tita at ako na daw kumuha ng mga dadalhin mo," aniya.
"Really?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah," he replied.
"Kinakabahan ako, Chase.” Tiningnan ko naman siya at kinurot ang pisngi niya.
"Why?"
"Eh kasi mamaya hindi tama 'yong mga nilagay mo!" sabi ko.
"Tama 'yan and complete 'yan lahat!" he said.
"I hope so!" Then I giggled. Inakbayan naman niya ako at pumasok na kami sa loob ng kotse.
'Di bale na kung anong mga nilagay niya roon basta kasama ko siya. Ito na yata ang pinaka-magandang vacation dahil kasama ko 'yong taong mahal ko. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na si Chase.