Kabanata 29 "Once you sign up, you have to fight at least three times. Iho-hold ng organizer ang malaking porsyento ng kikitain mo para siguradong babalik ka pa hanggang matapos mo ang napag-usapan. Do you think you can do it?" tanong ng lalakeng nagngangalang Bong, ang contact na ibinigay ni Cornelia. Humugot ako ng hininga. "Magkano ang pwede kong maiuwi sa unang laro kapag nanalo?" "Limang libo lang muna. Kwarenta mil ang panalo. Fifty percent ang parte mo. Iyong natitirang bente mil, sa organizer at sa team na may hawak sayo dahil sila ang magpi-finance ng entry fee mo." I swallowed. Kailangan na ng gamot ni Konnar. Due date na rin ng kuryente namin. Ayaw kong umuwi ang anak ko sa bahay na walang ilaw. Baka mamaya ay magkasakit ulit kung sakali. Muli akong bumuntong hininga. "Tatl

