Kabanata 30 Bago ako nagpunta ng ospital, nagbenta na muna ako ng balut para may maipandagdag sa ibibili ng mga gamot ni Konnar. Bumubuti na ang lagay niya, pero dahil under observation pa rin ang panganay ko, umuulan pa rin ng reseta, at siguradong kahit na makalabas ay may mga kailangang bilihing gamot. Kaya kahit na malaki naman ang kikitain ko sa mga laro, hindi ko na pinalampas ang maliit na kita sa paglalako. "Sukli, boss." Ibinigay ko ang pera at nagpatuloy na sa pagtitinda. Kalahati na rin ang napaubos ko, kaya lang ay kailangan ko na ring magpunta ng ospital bago ako dumiretso sa laban ko ngayong gabi. Tinahak ko ang madalas kong daanang rota, pero nang hintuan ako ng pamilyar na sasakyan, huli na para makatakbo pa. Greg and his friends beat me up again. Itinapon pa nila an

