Kabanata 31 Khallisa "Nurse? 'Yong anak ko ho kasi, kanina pa iyak nang iyak. Baka pwedeng paki-check na ninyo. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko," naiiyak kong pakiusap sa mga nurse na naabutan ko sa station nila. Kanina pa nagwawala si Konnar. Ayaw niyang magdede at hindi ko rin naman mapatulog. It was as if he's sensing something, or maybe he was looking for his father's warm embrace. Hindi ko rin ma-contact si Khalil, at lahat ng chat ko ay hindi rin niya nababasa hanggang ngayon. One of the nurses followed me. Nang makuha ng nurse si Konnar mula kay Tatay, tumayo si Tatay sa aking tabi. Nag-aalala na rin siya dahil ngayon lang umiyak nang ganito katagal si Konnar. Hindi naman mahirap patulugin ang baby ko kaya nag-aalala kami na baka mayroon na siyang iniinda ngunit hindi niya

