Kabanata 32 Khallisa Yakap si Konnar ay humihikbi akong lumapit sa tabi ng walang malay na si Khalil. Ang sakit-sakit isipin na sa ganitong paraan ko siya kailangang pakawalan, pero sana, oras na magising siya ay maintindihan niya ang dahilan ko kung bakit kailangan ko itong gawin. Mahal na mahal ko siya, at mas gugustuhin ko pang pansamantala siyang sukuan kaysa hayaan kong tuluyan siyang mawala sa amin ni Konnar. I sobbed as I put our baby on his chest. Nakadapa si Konnar sa mismong tapat ng tumitibok na puso ni Khalil, at nang mapansin ko ang tila pag-angat ng sulok ng mga labi ni Konnar matapos nitong maramdaman ang kanyang ama, lalo lang nanghina ang mga tuhod ko. Humihikbi kong hinawakan ang kamay ni Khalil saka ko idinikit ang aking noo sa kanyang sintido. Nanatili namang nakat

