Kabanata 46 "I'm a couple blocks away from the park, love." Hinawakan ko na ang kamay ni Konnar at inayos ang sumbrero niya. Dahil inaantok na ay binuhat na lamang siya ni Tatay para dalhin sa kotseng dala ni Khalil. He bought a new one, at tuwing nagkikita kami ay nagpapalit sila ni Lee o kaya ni Secretary Beun ng kotse sa ligtas na lugar. Pagdating sa kotse ay ihiniga ni Tatay si Konnar sa car seat. Napangisi na lamang si Khalil nang pilit pa rin siyang inabot ni Konnar kahit bagsak na talaga ang mga mata ng anak namin. "Mukhang napagod maglaro," kumento ni Khalil bago siya tumingin kay Tatay. "Hiramin ko muna sila, 'Tay." Tumango si Tatay. "Mag-iingat kayo. Hindi ka ba nasundan?" Umiling si Khalil. "Lee and Secretary Beun secured my route. Hindi ho ako nasundan." "Oh, siya. Mag-i

