Kabanata 16 "May training ako mamaya. Hindi kita masusundo sa huling klase mo," ani Khalil nang makarating kami sa parking lot. Gumising na naman siya nang maaga para sunduin ako sa bahay, kaya busog na busog na naman ang mga mata ng mga chismosa naming kapitbahay. "Okay lang. Hindi naman kailangan. Ikaw talaga." Palabas na ako ng kotse niya nang agawin niya ang bag ko saka siya lumabas upang ipagbukas ako ng pinto. Nang maisara ang kotse ay umakbay siya kaagad sa akin habang buhat niya ang bag naming dalawa. "Pupuntahan na lang kita sa field mamaya. Isasama ko si Ana." "Susunod din sina Jigo mamaya. Sasama pa kaya si Ana kung kasama si Lee?" he asked, sounding worried about Ana. Napabuntong hininga ako. "Hindi ko nga alam, eh. Pero sana mapapayag ko. Ako nang ako ang china-chat ni

