Kabanata 17 Pinatay ko na nang tuluyan ang phone ko nang sunod-sunod ang naging tawag ni Khalil, pero dahil may klase pa ako ng six thirty, wala akong choice kun'di bumalik sa university. My eyes and nose were already puffy when I went out of the comfort room to go to my next class, ngunit hindi naman ako makatuloy lalo nang makita ko si Khalil na nakatayo sa labas ng classroom habang hindi maipinta ang mukha. He kept on calling someone. Mariin ding magkalapat ang mga labi niya na parang nagagalit o napipikon, at naiinis ako na hindi ko kayang humakbang para pawiin ang nararamdaman niya. Napansin niya ako sa peripheral vision niya. He suddenly looked relieved as if I got him so worried. Mabilis din siyang humakbang palapit sa akin, ngunit nang akmang yayakapin niya ako, umiwas ako ng t

