Kabanata 18 "Natutulala ka na naman," sita ni Ana sa akin habang nasa library kami. I let out a heavy sigh. Ilang araw na akong nanlalata dahil sa mga nangyari. Khalil is back to his old ways. Madalas hindi na rin pumapasok at inaabala ang sarili sa pag-iinom o kaya ay pangangarera. Even Jigo and Lee ditch their classes to give him company. Madalas din nila akong i-message at tanungin kung hindi ko na ba talaga pwedeng subukan ulit. I flipped the page of the book I'm pretending to read. "Kulang lang ako sa tulog kagabi dahil nagtinda ako ng barbeque sa harap ng bahay namin." Umikot ang mga mata ni Ana. "Sa akin ka pa ba talaga magsisinungaling, Lisa?" I stared at her with guilt. Sa huli ay bumagsak lang ulit ang tingin ko sa libro nang manikip ang dibdib ko. "N--Nami-miss ko na si

