Kabanata 10 "Sigurado ba talaga kayo?" pang-apat ko na yatang tanong kina Jigo nang marating namin ang paradahan ng jeep. Ang hirap kasing paniwalaan na itong tatlong kilalang mayayaman sa university ay gugustuhing sumama sa lugar namin. Sa totoo lang ay nagugulat pa rin talaga ako sa kanila. Hindi kasi ito ang inasahan kong ugali ng tatlong ito. Lalo na ni Khalil. Lee secured his car key on his pants before he stood behind Ana. Minasahe pa niya ang likod ng kaibigan ko kaya humagikgik si Ana. "Siguradong-sigurado," sagot sa akin ni Lee. "I really wanna try that jeepney thingy." Napakamot ako ng patilya. Iniwan nila ang mga sasakyan nila sa university dahil gusto raw nilang maranasang sumakay ng jeep. Ewan ko talaga sa trip ng mga ito. Ni taxi ay ayaw dahil hindi pa raw nila naranasa

