Kabanata 11 "Lisa!" Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Cornelia nang marinig ko ang pagtawag niya. I tucked my hair behind my ear while I watch her take her steps towards me. Nang marating niya ako ay kaagad na umangkla ang isa niyang braso sa aking braso. "Nami-miss na kita. Palagi na lang sina Khalil ang kasama mo," aniya habang sumasabay ng lakad sa amin. I suddenly felt guilty. Hindi ko naman makikilala sina Khalil kung hindi dahil sa kanya. Kaya lang ay ayaw talaga ni Khalil na isinasama namin si Lia sa tuwing tumatambay kami sa student lounge. "Pasensya ka na, Lia." "Ayos lang. Anyway, dadating ka naman sa birthday party ko, 'di ba? Sa susunod na Sabado na 'yon." "Saan ba gaganapin?" "Sa club. Sama ka, ha? I want my real friends to be there." She smiled. "We're friends,

