Kabanata 12 "I got us free tickets for tonight's concert." Napatingin kaming lahat kay Lee nang iwagayway niya sa aming harap ang ticket para sa annual concert sa university. Nakasubo pa ang chopsticks sa bibig ko nang i-distribute niya iyon sa amin. Mukhang nagiging madiskarte na ang mga ito. Kahit sa mga kainang pinupuntahan namin ay mas pinipili na nila kung saan mas mura. Palibhasa ay panay ang reklamo ko kapag gusto nila roon sa mamahalin. Lee extended his arm to give me my ticket. Nang makuha ko ang akin ay tinignan ko kaagad ang oras. "Sayang. Baka hindi ako payagan," sabi ko. Bakas ang panghihinayang sa boses dahil hindi ko pa nararanasang manood ng mga ganoon. Khalil looked at me with a wrinkled forehead. "Why?" "Masyado nang gabi. Wala na akong masasakyang jeep," sagot ko

