Kabanata 6 Kagabi lang nagising si Tatay, at nang malaman niyang lumalaki na ang bayarin namin sa ospital, nagpupumilit kaagad siyang makalabas. Hindi ko naman siya pinayagan dahil kilala ko ang tatay ko. Siguradong kapag nasa university ako, hahanap at hahanap lang siya ng pwede niyang mapagkakitaan para hindi ako mahirapan. I had to argue with him all night about it, kaya halos mapuyat ako sa takot na baka tumakas siya sa ospital kahit na hindi pa siya makalakad. Kahit na hikab pa ako ng hikab, nang dumating ang mag-asawang tomboy na kapitbahay naming nagprisintang magbantay kay Tatay, naghanda na ako para pumunta sa apartment ni Khalil. "Ate Marcey, salamat po talaga, ha? Ang laki ng tulong ninyo sa amin ni Tatay." Ngumiti siya sa akin. "Ano ka bang bata ka, wala pa nga ito sa nagaw

