Kabanata 7 "Hindi ka talaga niya nililigawan?" pangatlong tanong ni Ana sa akin. I sighed and closed my workbook. "Hindi nga, Ana. Katulong niya lang ako. Alalay. Muchacha. Hindi ko type 'yon, ano?" Sumimangot siya. "Bakit kasi hindi mo jowain?" "Eh 'di na-friendship over mo ako?" Tumaas ang kanyang may kakapalang kilay. "Ano namang akala mo sa akin? Syempre kapag naging jowa mo 'yon, palagi ko na ring makakasama. Mag-isip ka nga, Lisa?" Napailing ako nang tuluyan. "Ibang klase ka talaga, Ana. 'Yong iba nagseselos kapag naging jowa ng friend nila ang crush nila. Ikaw, ikaw pa ang mag-uudyok sa akin." Ana smirked as she gathered her stuff. "Maganda ako, Lisa pero 'yong level ng ganda ko alam kong pang-Chris Evans lang kaya kailangan ikaw ang makipagjowa diyan kay Khalil." "Siraulo k

